04

78 10 23
                                    

Naglalakad kami papunta sa grocery store na hindi kalayuan sa apartment namin ng biglang nag-aya si Karay na dayuhin ang sinasabi niyang Adonis daw.

"Karay!, Ayokong sumama, ikaw na lang. Alam mo namang may trauma na ako sa sitio na 'yan, e."

"Don't be like that Carl, pati ano ba it's already two months, it's time to cope that trauma." maa-appreciate ko na sana ang pakiwari niya ngunit may kutob akong dahil lang sa Adonis na lalaki kaya niya ako sinasabihan ng mga ganiyan.

"Hindi pa ako ready, pati parang ang ano naman ng ideya mo na dadayo pa tayo sa ibang sitio para lang d'yan sa Adonis mo, pati malay mo bang false news 'yun, paano kung hindi talaga Adonis?," pagpigil ko sa kaniya habang hinihila papuntang grocery store ngunit sa ibang direksyon ang ginda niya.

"Kaya nga natin pupuntahan para malaman natin," sagot niya habang pumapara ng masasakyan.

"Pati anong ideya-ideya ka riyan, naging maganda rin bang ideya sa'yo ang pagnanakaw ng underwear ni DaeChen sa locker niya?" gulat ang gumuhit sa mukha ko.

"Hoy!, Nakita mo?" gulat kong tanong sa kaniya habang nakataklob ang dalwang kamay sa bibig ko.

"Halata ba?" sagot niya dahilan para mahampsa ko ang balikat niya, hinimas niya lamang ito at ibinalik ang atensyon sa pagpapara.

"Hindi ko 'yun ninakaw!, Aksidente kong naabutan na nakabukas ang locker niya tapos nakasabit lamang 'yung underwear ni DaeChen doon," depensa ko rito.

Nauna na akong sumakay sa taxi na kakatigil lamang sa harapan namin.

Ang DaeChen na tinutukoy ni Karay ay si DaeChen Zachary, ang napakalaking duldok sa buhay ko pati na rin sa aking pagaaral. He's so popular in our University, gwapo at matalino raw kasi. Ngunit ayaw niya sa mga kagaya kong nerd, ngunit huwag siyang mag-alala mas ayaw ko naman sa kan'ya.

Hindi nakokompleto ang araw n'ya ng walang napagti-tripan na nerd. And lately nakuha ko ang atensiyon niya noong Intams, aksidente ko kasing nadumihan ang jersey niya na gagamitin para sa basketball game buti na lamang at may extra pa 'yung Captain Ball nila. After noon ako na palagi ang pinagti-tripan niya.

"Tse! Sige nga bakit mo naman naisipang ibulsa ang underwear niyang pula? At huling tanong bakit hindi mo sa kan'ya ibinalik kung naabutan mo lang naman?" tanong ni Karay sa akin habang nakapameywang pa as if namang bagay sa kaniya tsaka naisipang pumasok na rin sa taxi at tumabi sa kaliwa ko.

Napakasarap talagang tuhodin ng nguso niya. Hindi man lang nahiya sa taxi driver na nasa harapan namin na halatang nakikinig.

"Hindi ko naman ibinulsa ang underwear niya, bi-nag ko!, pati ibabalik ko naman dapat sana ang kaso anong sasabihin ko sa kaniya kapag ibinalik ko? baka isipin nun naga-addict ako," pabulong kong wika sa tenga niya.

Itinuloy ko ulit ang pagke-kwento ng makitang interesado si Karay, "It's not my fault na narinig ko ang boses nilang magbabarkada na paparating, so nag-panic ako at sa halip na ipasok ko sa loob ng locker at isarado 'yung ano niyang doreamon, pati hindi lang naman pula ang ano niya may tatak din ni Voltez 5 na nakafinger heart pa,"

"Ha? Teka, did you say na Voltez 5 ba?, Hindi nga?" natatawa at hindi niya makapaniwalang tanong sa akin.

Dinamayan ko siyang tumawa, "At alam mo ba--na tsaka ko lang na-realize na nasa bag ko na pala--'yung ano niya ng mabuksan ko ang bag ko--para sana--kumuha ng yellow paper."

Unwritten Destiny (LOSS#01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon