Nagi-scroll ako sa aking cellphone ng biglang mag-pop sa screen ang chat ni Karay na may quiz daw kami bigla sa major subject na dapat ay sa isang lunes pa.
Napakunot ang magaspang kong noo dahil doon. Bakit kaya in-adjust ni Sir Noel?
Sunod-sunod ang mga quizzes at groupings ngayon month dahil siguro maraming events ang gaganapin ngayong buwan kaya ganoon. Wala namang problema sa akin ang quizzes at groupings e. Ang problema ay 'yong mga kagrupo ko ngayon sa subject ni Sir Noel. Mga dahumo. Hindi naman ako 'yong leader ng grupo pero sa akin silang lahat umaasa.
Hindi ko feel ang groupings na ipinagagawa sa amin dahil 'di ba dapat teamwork kapag ganoon, mas piling ko na pang-individual 'yong task e. Hindi man lang sila nag-abalang mag-ambag para sa coupon bond at ink, ako tuloy ang gumastos lahat.
Wala namang ginagawa 'yong mga kagrupo ko kung hindi ang gumala na lamang 'yong iba nga sa mga classroom ng mga ano nila tumatambay na sa halip ay tinutulungan ako.
Nakakapanggigil talaga sila.
Tapos sumabay pa ang kuryente dito, madaling araw pa lamang ay nawala agad, may inaasikaso yatang poste doon sa may kanto nagkaroon daw ng aksidente, mabuti na lamang at nakapagluto na ako ng umagahan at nagawa ko na rin ang ritwal tuwing umaga dahil kung hindi papasok akong hindi naliligo o nagsisipilyo man lang.
Alas-sinco pa lamang ng umaga ngayon at mamayang alas-nuebe pa naman ang unang klase ko kaya mahaba-habang oras ang aking hihintayin.
Bilang paghahanda ay kinuha ko ang aking mga gamit kasama na dito ang bag ko na may lamang tatlong notebook at isang HBW at yellow paper dinampot ko rin ang laptop na gagamitin para mamaya sa groupings, libro ng encyclopedia para sa vocabulary daw.
Lumabas na ako sa aking room tsaka ini-lock upang maiwasan ang nakawan, double lock ang mga room dito sa apartment para sigurado na hindi talaga mapapasok ng mga masasamang loob.
Pagkatapos kong i-lock ay tumungo na ako sa harap ng pinto ni Karay para ayain na rin siyang pumasok ngunit kahit anong katok ang gawin ko ay hindi talaga niya binubuksan.
Malamang sa malamang nasa kalagitnaan iyan ng panaginip niya tungkol sa mga Adonis. Naalala ko tuloy ang isa sa mga nakwento niya na puro kamanyakan lamang na napanaginipan na nga raw na pinalilibutan siya ng mga zombie pero may abs pa rin.
Tingnan niya, kahit sa panaginip ay hindi siya tinatantanan ng mga Adonis, kahit zombie na 'yong ikinikwento niya ay mayroong abs pa rin. Nag-aadik kasi.
Nasa hallway ako ng University at naglalakad habang nag-iisip kung anong unang sasabihin ko kay Penny about sa kanila ni Zach. O tama bang tanungin ko siya? Kasi kung tutuusin matagal na kaming tapos ni Zach kaya wala ng issue 'yon dapat. Ako lamang talaga ang naglalagay ng issue.
Ngunit may parte sa akin na nagsasabing, why not? Ayos pa kami noong isang araw ni Penny we talks what the typical best friends talked about. Ang hindi ko lamang matanggap ay ang paglilihim niya sa akin. Kung dalawang buwan na kaming hiwalay ni Zach at malay ko bang noong sa kaniya ako lumapit upang humingi ng payo ay doon din niya sinibat si Zach it means dalawang buwan na niya akong niloloko at pinaplastik.
Kung noong nagsisimula pa lamang kami ni Zach dati sa relasyon namin at sinabi ni Penny na mayroon siyang gusto kay Zach, hihiwalayan ko naman agad 'yong lalaki e, at ipapalamang sa kaniya dahil kahit saang anggulo tingnan si Penny ang nauna at hindi ako.
Hindi ko lamang talaga kayang matanggap na inilihim niya sa akin.
Pati sa bagay hindi naman na nakakapagtakang si Penny ang ipapalit sa akin ni Zach, bakit pa ba siya maghahanap ng panibagong mauutakan kung nasa malapit naman na niya ang willing. Pati kutis pa lang ng bespren ko ay wala na akong panama, kung s'ya'y parang singkamas dahil sa puti at kinis, ako naman ay isang uling sa pwet ng kawali sa itim.
Kung gaano ka-straight ang buhok niya, ganoon naman kakulot ang aking buhok dahil kahit anong suklay ko doon ay anit ko lamang din naman ang nasasaktan.
'Yong mga bagay na wala ako ay nasa kaniya. Kaya hindi na ako nagulat ng makita ko silang magkasama tapos masayang nagkekwentuhan habang umaandar iyong motor na hinulog-hulugan ko hanggang ngayon.
Nakakainis lang talaga dahil halos araw-araw ko siyang kasama pero wala man lang siyang nababanggit tungkol sa kung anong relasyon ay mayroon na sa kanilang dalawa.
Pero sabi ko nga kung sabagay wala rin naman kasi akong karapatang malaman iyon, ano ba ako sa buhay nila? Isa lang naman akong ex-girlfriend na iniwan dahil mapangit ako at isang childhood best friend na taga-gawa ng project.
Wala akong desenteng papel sa mga buhay nila kaya wala akong karapatang malaman kung ano na nga ba talaga sila ngayon.
Kung naging ako na lang sana si Penny, bakit kasi ang unfair, pati sa mundong ito kapag pangit ka, talo ka. Sa madaling salita talo ako.
Natigil ako sa pag-iisip dahil naalala kong maglilinis nga pala ako sa library. Part time job ko kasi. At doon muna rin ako habang hindi pa time. Pag-iisipan ko rin kung tatanungin ko ba si Penny o umarteng walang alam.
BINABASA MO ANG
Unwritten Destiny (LOSS#01)
General FictionLETTERS OF SORROW SERIES#01 Carmen Antoinette is a college student that fall inlove with a guy named Zach who cheated with her childhood best friend. Gradually, she learned how to move on her dark past. She started to be brave in love and be stronge...