03

96 10 12
                                    

Nagising na lamang ako nang may biglang tumabig ng limang librong makakapal na ipinagpatong-patong ko pa upang maging dahilan para malaglag ng wala sa oras ang aking paa sa matigas na sahig.

Kaya ko 'yun ginawa upang hindi mangalay at sumakit ngunit sa nangyari ay lalo lamang niya itong napasakit ng sobra na halos mabasa ang aking pilik-mata dahil sa kaunting luha dala ng pagkahulog ng paa ko.

Tanging pagdaing na lamang ang nagawa ko, mas masakit pa ito kaysa sa nangyari kahapon, e. Napaupo ako sa sahig at mangiyak-ngiyak na hinimas ang parteng nasaktan.

Napabaling ang tingin ko sa unahan at doon nakita ang pares ng sandalyas na nakatayo sa aking harapan, mula sa repleksyon ng kaniyang anino ay masasabing may pagmalaki itong babae, at nakakasigurado akong siya ang may gawa nito.

Itiningila ko ang aking mukha upang makita kung sino man iyon doon ay nasilayan ko ang nakangising si Madam Eka.

Agad niya akong pinaalis sa stock room ng grocery store niya at itinapon sa tabi ng kalsada ang mga gamit ko habang ipinagtutulakan ako. Hindi ko makakalimutan ang bagay na nangyari ngayon dahil sa isinigaw niya sa akin na, “Baka dahil sa kakatwa mong hitsura ay wala ng maglakas-loob na bumili dito, napaka-dugyot mo talaga!” nang-gigilait na sigaw niya sa akin habang itinatapon ang mga natirang gamit ko sa loob ng grocery store niya ang tanging nagawa ko na lamang ay umiyak ng umiyak habang naglilimot ng mga bagay na itinatapon niya na pag-aari ko.

Nakakuha pa 'yun ng atensyon ng mga tao sa paligid at nagsimulang magbulungan ngunit kahit na pinagtitinginan na kami't lahat ay wala lang siyang pakialam.

Those words Madam Eka says are like knives stabbing me again in my chest for the second time.

Why some peoples said that?

They didn't care what will other feels when they say it out loud.

Dumami na ang mga taong nakiusyuso sa amin ngunit napansin ko na kahit isa man lang sa kanila ay walang nagbalak na tulungan ako. Nakita ko pa ang ibang natatawa na siyang ikinalakas ng iyak ko.

Nang makuha ko ang mga bagay na ibinato ni Madam Eka ay kusang nagsikilos ang aking paa at tumakbo papalayo sa kanila, tumakbo ako sa isang kalsadang hindi ko alam kung saan papunta.

Babalik ako. Babalikan ko kayo.

Napatigil lamang ako ng makita ang isang Ale na may hawak na selpon. Balak ko sanang hiramin ng kaunting saglit upang makitawag sa Nanay ko na nasa probinsya. Ngunit sa kasamaang palad ay wala itong balak na magpahiram, napakinggan ko pa ang sulsol nung tindera na baka raw itakbo ko.

Mukha ba akong snatcher ng mga cellphone?

Ano bang akala nila nanakawin ko 'yung keypad na cellphone?, Nakakapag-mobile legend ba sa keypad na 'yan?, ahas lang naman ang laro doon, kung magiging magnanakaw man ako sisiguraduhin kong hindi keypad ang nanakawin ko kung hindi mga bagong labas lang na cellphone. Kahit papaano ay mapili rin naman ako. Naglakad na lamang ulit ako papalayo sa lugar na 'yun.

Deri-diretsong naglakad sa kalsadang hindi alam kung saan ang patutunguhan.

LUMIPAS ANG DALWANG buwan at nakapaghanap na ako ng regular na trabaho, isa akong waitres sa isang coffee shop at Prof ko ang may-ari nun, tinulungan niya ako ng malaman niya ang nangyari, isa kasi ang anak niya sa mga batang ni-tutoran ko.

Nakahanap din ako ng isang apartment na mababa ang presyo, dahil mabait na matanda ang may-ari, natutustusan ko na rin 'yung pagaaral ko at ang natitira naman ay aking ipinadadala kay Nanay sa probinsya.

Ngunit may isa akong problema, dahil isang kanto lamang ang pagitan sa sitiong puno ng mga mapang-husgang tao.

Sariwa pa rin ang nangyari sa akin sa sitiong 'yun. May pagkakataon nga na kaunting tawanan lamang na naririnig ko ay piling ako ako 'yung pinagtatawanan nila, ngunit hindi naman. Naging ugali ko na ang ganoong mindset.

Unwritten Destiny (LOSS#01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon