Chapter 15

213 9 3
                                        

Chapter 15

"Basta dapat nandoon kayo mamaya!"  Bungad ni Georgina mula sa kabilang linya. We are having a video chat.

I can see them clearly through my cellphone's screen "Yep! Expect my presence, sis!" Si Amanda

"Sa akin din!" Confident na dugtong ni Agot.

Sabay-sabay silang napangiti nang siguro ay time ko na para magsalita.

"Ikaw rin dapat Ashtrid, hindi pwedeng wala ka okay?" Georgina muttered.

Muling umuulit ang lahat ng nga narinig ko sa CR noong araw na iyon, kung paano nila akong pagsalitaan ng hindi magaganda at kung paano nilang saktan ang feelings ko. But what I can't understand is why I am still wanting and dying of winning their hearts, kahit na alam kong may sinasabi na silang hindi magaganda sa likod ko'y gusto ko pa ring ipagsiksikan ang sarili ko sa kanila at gusto ko pa rin silang kaibigan. Is this bad? I don't know.

"Ah, yeah, oo naman..." Marco's gig in Bambusa suddenly flashed in my head "w-wala naman akong lakad mamaya" napalunok ako.

"That's good! So, see ya later then?"

We all bid our goodbyes. Matapos ang tawag na iyon ay agaran kong binaba ang phone ko sa aking vanity table.

Hindi ako pwedeng hindi pumunta sa party na iyon dahil maaaring pagsimulan na naman iyon ng panibagong alitan sa pagitan naming magkakaibigan. Yumukyok ako sa vanity table at nilunod ang sarili.

Hihintayin ako ni Marco doon mamaya, but I guess Marco will understand. Mabait naman siya kaya paniguradong hindi siya magagalit.

Noong gabing iyon ay agad akong nagbihis, nagpalit ng magandang damit at nag-ayos ng buhok. Mom didn't ask anything, masyado kasing busy sa fashion week na sinasabi niya. She got an invitation that's why she's really excited.

I chose a Valentino top, pero kalaunan ay pinalitan din dahil masyadong maigsi dahilan upang lumabas ang maliit kong tattoo sa waist. Kung makikita iyon ni Mommy? Paniguradong magwawala iyon sa inis. She hates tattoo the reason why Dad doesn't have any even if he wanted to.

Marahan kong hinaplos ang gumagaling nang sugat. The thought that I let an ink kissed my skin for a lifetime is an indication that I already gave him a spot in my life. He has a space in my heart now.

"Marco" I uttered under my breathe while caressing the tattoo.

Sa tuwing nakikita ko ito sa balat ko'y napapangiti ako, pakiramdam ko'y mayroon akong kakampi, na kahit awayin ako ng mundo, may isang taong makakaunawa sa akin. May isang tao akong matatakbuhan—and that's him.

Kalaunan ay sumakay na ako sa aking sasakyan. Wala ngayon si Mang Tonio kaya ang personal na driver ni Mommy ang pinasama niya sa akin. He's not bad actually, professional at talagang hindi kumikibo buong byahe.

Tumunog ang cellphone ko dahilan upang kunin ko iyon sa aking sling bag na suot.

From Marco:
Hi, are you on your way?

Nanginig ang mga kamay ko nang mabasa ang mensahe mula kay Marco. Doon lang nag-sink in na hindi ko pa pala nasasabi sa kaniya na hindi ako makakanood ngayon.

Tumikhim ako, iniisip kung sasabihin ko pa ba o hindi na. Pero paano kung maghintay siya? Kinagat ko ang labi ko bago marahang nagtipa ng reply. I am about to say that I am not coming when Georgina's name abruptly flashed in my screen, nahinto non ang dapat ay pagsesend ko ng mensahe kay Marco.

Pinindot ko ang answer button at agad na inilagay sa tainga ang cellphone.

"Yes Georg?" Bungad ko.

Lost Under the Spotlight (Rizaleño Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon