Chapter 5
"Party later at Garret's pad; are you invited?"
Kadarating ko lang ay iyon agad ang bungad sa akin ni Amanda. Wala pa sina Georgina at Agot, pero siguro'y parating na rin lalo't magsisimula na rin ang first period namin.
"Yeah, I received his message."
Tipid kong sagot bago marahang binuklat ang notebook para sana ay mag-review para sa quiz mamaya.
Mataman niya akong pinagmasdan: "May sakit ka ba? You look pale."
I chewed my lips. "Na, I just don't have enough sleep." Inangat ko ang notebook. "I was up all night to review all the lessons."
"Ay! Oo nga pala may quiz mamaya, isang linggo pa lang ang klase may-quiz agad! For Pete's sake!"
"Marami na rin kasi siyang naituro sa loob ng isang linggo, baka nga kalagitnaan pa lang ng buwan ay nasa finals na tayo."
"Right!" She then cackled.
Ilang beses kong binasa ang isang linya roon sa reviewer ko subalit katulad kagabi'y wala talagang pumapasok sa isip ko. Kahit anong gawin ko'y hindi tumatatak, dumaan pa nga ako sa drugstore kanina para bumili ng Memory Plus Gold para sana ay makatulong, pero mukang hindi iyon tatalab sa akin sa araw na ito.
My mind is always flying toward the scene from yesterday. Siguro, kaya hindi rin ako makapag-focus ay dahil iniisip ko nang iniisip kung saan ba ako nagkamali kahapon. I tried putting my feet in that stranger's shoes, but I really can't get why he got mad and erupted like a volcano. I am trying to give him the benefit of the doubt or even justify his actions, but there are no suitable phrases or words that will defend him.
Wala siyang ibang pwedeng maging rason bukod sa ayaw niya akong kasama. Iyon lang iyon, pero hindi ko maintindihan kung bakit kahit sinusubo na sa akin ang katotohanan ay ayaw ko pa ring tanggapin. I am still thinking of another reason, perhaps an alibi.
I took a deep sigh when the quiz started. Mabuti na lang at medyo napag-aralan ko na noon ang ilan sa mga tanong doon, kaya hindi na ako nahirapan.
"Gad! That quiz is exhausting as hell!" Reklamo ni Agot nang dumating ang lunch break.
"Definitely!"
Georgina agreed and dabbed the cold compress on her head. Ang alam ko'y galing siya sa party ni Luigi last night, kaya ayan at may hangover na naman.
"Have you seen my score? It's so ew!" Dagdag pa ni Georgina bago umiling iling na parang problemado.
"Same! I hate UTS for real!"
"Yep, like, what's the connection of designing dresses with those philosophers? Magagamit ba natin sa field 'yon balang araw? Who cares about Plato and Socrates?"
I do, but I prefer not to voice it. Naniniwala kasi ako na ang mga theories ay mahalaga dahil nagagamit sa normal na araw.
I was just silent the whole time. I got the highest score. May mali lang yatang dalawa dahil sa spelling, pero ako pa rin ang nanguna.
Was I happy? I don't know, but for sure, my parents would, so I guess it's still a success.
"Anyway, Garret is inviting me; kayo rin ba?" Biglaang singit ni Agot.
"Of course! What do you think I am? A cheap that Garret won't consider inviting? If I know I was first on his list," said Segunda ni Amanda.
![](https://img.wattpad.com/cover/253343475-288-k547855.jpg)
BINABASA MO ANG
Lost Under the Spotlight (Rizaleño Series #1)
RomanceWandering without a map is indeed scary. Walking on a path without knowing where it will lead you is nothing but bravery. Some are lost under the moon, covered by the darkness, but only a few get lost under the spotlight. Will the melody of their he...