Chapter 40

311 12 6
                                    

Chapter 40

Tunay ngang ang araw at ulan ay magkasunod. Ang mainit na sikat ng araw ay maaaring mapalitan ng dilim sa isang iglap. Isang pitik.

It's true that the darkness and the light are sisters, but never a lover.

Ang akala ko'y payapang simula ay nasundan na naman ng panibagong sampal mula sa tadhana.

I woke up on an empty bed. Ilang ulit ko pang kinapa ang higaan subalit talagang wala roon si Marco. Our room is filled with darkness, only the ample amount of light from the lampshade is giving me colors.

Bumaba ako sa higaan, marahang pinasadahan ng tingin ang gintong orasan sa study ni Marco. Alas dos ng madaling araw, nasaan si Marco?

Ilang hakbang palabas sa kwarto, at nang tuluyang matunton ang sala ay bahagyang napakunot ang noo sa mga boses na nauulinigan. Mukang mga nag-uusap.

"Paano na ito Marco? You are the talk of the town! Maraming nagagalit, may iba pang endorsement na nag back-out! Jusko masisira ang career mo nito"

Pamilyar sa akin ang boses ng lalaking iyon. It was the same feminine voice from Caviar. Hindi ako pwedeng magkamali roon.

My heart is beating so past, kakaiba ang kutob sa mga nangyayari. Dalawang araw pa lang kami ni Ashtere sa bahay ni Marco subalit mayroon na agad ganito. I swallowed hard to suppress my nervousness.

Tuluyan akong naglakad hanggang sa masilayan na sila ng buo at mas malinaw. Caviar is standing beside Kendra while Marco is just sitting calmly on the sofa. His hands are playing with his lips, and his elbows are resting on his knee.

"Dagsa rin ang basher lalo na ang mga AmaRco fans" Giit ni Kendra, may hawak siyang Ipad ngayon. Mukang problemadong problemado. Ano ba kasi ang nangyayari?

Marco just groaned, he's not talking.

"Paano na ito? Limang taon nating pinaghirapan na maabot kung ano ang mayroon ka ngayon Marco!" Singhal ni Caviar.

Tingin ko'y may kinalaman ito sa industriya at sa kanilang trabaho. And it must be important, para puntahan pa siya nila Kendra at Caviar sa ganitong oras ng gabi.

"Your solid fans are still giving you the benefit of the doubt. Marami ka pa rin namang tagapagtanggol Marco, katulad na lang nitong isang comment, kaso mas marami talagang bashers at marami ring broken hearted"

Ginulo ni Caviar ang buhok niya "Nakakaloka! Hindi ko na alam ang gagawin ko sainyo! Noong nakaraan lang si Rob ang naeskandalo, ngayon naman ay ikaw! Of all the people ikaw pa talaga? Ang linis linis pa naman sana ng record mo! Jusko!"

Marahan muli akong naglakad, dumiretso sa kusina. Hindi naman nila ako napapansin dahil banayad lang ang mga hakbang na pinakakawalan ko.

"Ito pa! Maraming fans na nagbi-video habang umiiyak, ganito sila kaapektado" Pahabol ni Kendra. Marahas na inagaw ni Caviar ang Ipad at siya na ang nag-scroll doon.

Narinig ko pa ang sunod sunod na pagmumura ni Caviar. Mukang sa kanilang tatlo'y siya ang pinaka apektado lalo't manager.

"Paano na iyan ngayon? Magpapatawag ba ako ng presscon?" Alangang tanong ni Kendra, kinakagat na ang mga kuko sa daliri.

Marco bit his own lips and put his fingers under his chin, seemed like thinking. Kalaunan ay mukang nakapagdesisyon na rin, kalmado at kyeme siyang umiling.

"Huwag na Kendra, wala akong dapat na ipaliwanag kanino man"

I wetted my lips and opened the refrigerator to get my tumbler. Sumimsim ako roon, hindi pa rin inaalis ang tingin sakanila.

Lost Under the Spotlight (Rizaleño Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon