Chapter 20

289 10 27
                                        

Chapter 20

Pag-uwi ko mula sa klase ay nagmamadali akong nagpalit ng damit. I chose a pastel dress, naisip ko na ring dalhin ang gitara na regalo ko para sa kaniya dahil tingin ko'y ito ang tamang oras para ibigay ko na iyon sa kaniya.

I admit, I was wrong for saying those things but I just did that for the both of us. Ayokong pagpiyestahan ng marami ang istorya naming dalawa, kitang kita ko naman kung paanong nakita lang kami ng isang Senior sa labas ng Bambusa ay kumalat na agad ng ganoon kabilis at nakarating agad sa mga kaibigan ko. That's the exact thing that I want to avoid, alam kong mahirap ang sitwasyon namin lalo't patago at sikreto pero hindi naman ito habangbuhay.

"Saan ka pupunta Miss Ashtrid? Umuulan po" Pigil ni Mang Tonio nang tahakin ko ang daan palabas.

"Saglit lang po ako, pasabi na lang kina Mommy mamaya kapag nakauwi na sila"

"Naku, baka po mapagalitan kami niyan"

Hindi ko na alam, ang gusto ko lang ay magkita kami ni Marco ngayon at makahingi ako ng tawad sa ginawa ko at sa mga nasabi ko.

Hindi ko na nilingon si Mang Tonio at tuloy-tuloy lang akong tumakbo palabas. Wala na rin naman silang nagawa dahil mabilis akong nakalabas sa subdivision at agaran ding nakasakay sa taxi.

Totoo ngang umuulan, basa na ako nang bahagya pero sapat pa naman para hindi mabasa ang inuupuan ko.

To Marco:
Nasaan ka? Let's talk.

Kinakagat ko na ang kuko ko habang hinihintay ang reply niya subalit walang dumadating.

I am so sorry, magpapaliwanag ako, nasaan ka?

And still, no response. Namamawis na ang mga kamay ko, iba rin ang kutob ko. Para akong kinakabahan na ewan.

Nang huminto ang taxi ay inabot ko lang agad ang bayad ko bago walang pakundangan na pumasok sa loob ng Bambusa. Hindi ako sigurado kung nandito siya ngayong gabi, Friday ngayon kaya malakas ang kutob kong nandito nga siya. Umaasa akong nandito siya.

Inilibot ko ang paningin ko, dimmed na ang ilaw, mukang ano mang oras ay mayroon nang magpe-perform.

"Kakanta po ba si Marco ngayon?" Tanong ko sa waiter na medyo pamilyar na sa akin.

"Oo, parang nakita ko kanina kasama nila Vino, hanapin mo lang nandiyan lang 'yon"

Tumango lang ako, at least now I know that he's really here. Ang kailangan ko lang gawin ay ang hanapin siya sa dagat ng mga tao, hindi naman ako mahihirapan lalo't memoryado ko ang kaniyang bulto.

Mas maraming tao ngayon kumpara sa mga nakaraan, maraming mga umiinom at maraming mga estudyante na kape naman ang nilalantakan.

Patuloy akong naglalakad, kung minsan ay napapatigil dahil siksikan, idagdag pa ang mabigat na gitarang dala-dala. I tried calling him but he's not answering. Nakaka-frustrate sa totoo lang pero iniisip ko na lang na baka busy lang siya kaya hindi niya magawang sagutin.

"Wooooo! Marco lang sakalam!"

"Marco! Marco! Marco!"

Natigalgalan ako at nanigas dahil sa sigawan malapit sa stage. Nanuyo ang lalamunan ko, huminto ang tibok ng puso ko at para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita si Marco na ngayon ay napalilibutan ng mga kalalakihan na nagsisigawan.

He's in there, kissing someone while everyone is cheering merrily.

Surge of emotions flooded my chest because of that awful and torturing view,  but I remained on my spot because I can't move my feet even if I want to. It seemed like those were purposely glued to the floor so I could see everything.

Lost Under the Spotlight (Rizaleño Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon