Chapter 27
"Existentialism!"
"Very good Nanay!" Pumalakpak pa si Ashtere na parang proud na proud.
Kasalukuyan kaming nagrereview para sa nalalapit kong LET, natutuwa naman ako na tinutulungan ako ni Ashtere para mas tumatak sa isip ko ang mga nirereview.
"Magaling ka Nanay!" Tinaas niya pa ang thumb niya para ipakitang nagagalingan nga siya.
"Talaga? Magaling ang nanay?"
Tumango siya "Opo, ang galing mong mag-memorize, ako po kasi hindi masyado..." She pouted.
Binitawan ko muna ang mga reviewer na hawak bago lumapit sa kaniya. Day off ko ngayon sa coffee shop kaya maraming panahon para makipaglambingan sa anak.
"Okay lang 'yon anak, halika nga dito" I widened my arms for her. Lumapit naman siya at yumakap.
"Gusto mo ba turuan ka ni Nanay para gumaling ka pa lalo?"
"Opo"
"Sige, simula ngayon sabay na tayong mag-aaral, gusto mo ba 'yon?"
"Opo" Mas humigpit pa ang yakap niya sa akin.
Halos ilang oras din kaming ganoon, nagyayakapan at naglalambingan. Kung minsan ay kinikiliti ko pa siya.
"Lumeng ikaw na ulit ang bahala sa anak ko ha" Bilin ko kay Lumeng kinabukasan dahil papasok na naman sa trabaho.
"Oo na, kaya ko na ito"
Tumango ako bago bumaling sa anak ko "Wag pasasakitin ang ulo ni Ninang, okay?"
Malapad na ngumiti ang anak ko indikasyon na nauunawaan niya ang bilin ko. Tuluyan na akong umalis doon. Sumakay na rin ako sa tricycle patungo sa coffee shop.
Habang nasa byahe ay naisip kong subukan na magbukas ng social media, mula kasi noong dito na ako tumira ay hindi na ako sumubok na mag log in pang muli.
Ni hindi ko iyon binuksan kahit na isang beses sa takot na baka mayroong mga mag-chat sa akin at magtanong kung bakit ako nawala.
I literally isolated myself from everyone, kulang na lang ay talagang kalimutan ko ang dating buhay at magsimulang muli dito.
I was so broken, I was a mess back then, hindi ko yata kaya kung dadagdagan ko pa ang stress ko noong mga panahong iyon kaya literal kong sinarado ang mundo ko.
Kalaunan ay hindi ko rin tinuloy ang balak ko, hindi pa rin pala ako handa. Tinago ko na lang ang cellphone sa aking bulsa. Hindi pa ako handa sa mga posibleng mabasa at makita.
Kunot noo ako nang tumigil ang tricycle sa tapat ng coffee shop ni Ced, kyuryoso ako habang nagbabayad sa driver.
"Bakit sarado?" I asked to myself. Wala akong message na natanggap kay Ced kaya nakakapagtakang sarado.
Kalaunan ay naglakad na ako patungo sa loob. Hinawakan ko ang door handle at himalang nabuksan ko naman iyon. I was taken aback to see the set-up, naging photoshoot studio ang shop dahil sa ilang mga photographers na nagkalat at ilang backdrops.
Magtatanong pa lang sana ako nang biglang tumigil ang mga mata ko sa lalaking ngayon ay inaayusan. Nahigit ang aking paghinga at agad na nanigas sa kinatatayuan.
What heck? Nananaginip lang ba ako?
His deep-set-eyes landed on me, when recognition dawned on him his eyes widened and his water tumbler suddenly fell to the floor that created a loud noise. It's obvious that we are both stunned to see each other this close after five years. I was on his concert, I was on that bar, but seeing him today here in this province, and this close is indeed unexpected.
![](https://img.wattpad.com/cover/253343475-288-k547855.jpg)
BINABASA MO ANG
Lost Under the Spotlight (Rizaleño Series #1)
RomanceWandering without a map is indeed scary. Walking on a path without knowing where it will lead you is nothing but bravery. Some are lost under the moon, covered by the darkness, but only a few get lost under the spotlight. Will the melody of their he...