Chapter 35

306 14 1
                                    

Chapter 35

"Namatayan pala si Marco ng kapatid five years ago?"

"Oo, parang narinig ko nga noon"

I swallowed hard and played with my fingers "—three days after we broke up" I added.

"Talaga?" Sagot ni Lineth habang nakasandal sa sofa dito sa living room. Mukang nagulat din pero halata ring hindi masyadong intresado dahil nakaraan na.

"uhuh, and I was clueless"

Hindi ko alam pero bakit ang bigat bigat sa dibdib ko? Kahit na hindi ko naman nakita at nakasama si Dorothy, pakiramdam ko'y nalulungkot ako para sa pamilya nila.

Hindi ko eksaktong alam ang pakiramdam ng mawalan. Hindi ko pa kasi nararanasan ang ganoon, pero sigurado akong mas masakit 'yon sa kahit na anong pisikal na sakit. I can't imagine the intensity of pain of losing people you truly love, the fact that you won't able to see them again is just too much to bear.

"Nandito pa ako no'n sa Maynila, hindi pa ako umaalis. Bakit hindi ko nalaman?"

Umayos siya ng upo bago ako naaawang pinagmasdan "Hindi mo naman na kailangang malaman pa iyon noon Ashtrid. You were facing your own battles that time"

"But I should've at least comforted him, for sure he was sad back then"

"Nandoon naman siguro yung Christine para sakaniya?"

Nanginig ang kamay ko. Right!

Ano na naman ba itong naiisip ko? Of course he doesn't need my comfort back then. Bakit niya ako hihiwalayan noon kung ako naman pala ang kailangan niya? Ramdam ko ang pagbulusok ng panibagong lungkot at pait. Bakit ganito ang nararamdaman ko?

Tinitigan ako ni Lineth bago niya hinawi ang buhok niya.

"Alam mo Ash, your love for him is so pure that you're still worrying for him after what he did to you" Lineth suddenly voice out.

I smiled bitterly "Ganoon siguro talaga? Masasaktan, pero patuloy na magmamahal...I mean maybe this is my punishment for being a bad daughter? wala e, Marco's my favorite pain"

Kinagat niya ang kaniyang labi, bumuntong hininga bago tinungga ang kape niya. Napadaan lang siya dahil mayroong inaasikaso, hindi ko alam kung ano 'yon pero feel ko mas naging busy siya ngayon dahil doon.

"I wish I can be as forgiving as you, Ash" She uttered sadly before fainting a smile.

Tatlong araw ang lumipas at naghahanda na kami ni Ashtere dahil ang usapan namin ni Marco ay susunduin niya kami dito sa bahay ngayong araw para sabay-sabay kaming pupunta sa bahay ng parents niya.

Halos tatlong oras din akong hindi makapili ng susuotin, my dresses here are just so revealing and flashy. Feeling ko hindi na talaga babagay sa akin lalo't mukang binago na ng mga nakalipas na taon ang fashion sense ko.

"How about this one ma?"

"That looks good, hija!"

Umiling ako bago sumimangot at pinagmasdan ang sarili sa salamin

"Hindi ba masyadong revealing? Baka kung anong isipin ng pamilya ni Marco sa akin, baka isipin nila malandi ako?"

My Mom's face crumpled with annoyance "Hindi nila 'yon iisipin saiyo! Ano ka ba? Wala silang karapatang pag-isipan ka ng ganoon"

"Paano kung isipin nila?" 

"Then they are probably stupid, you look expensive hija, hindi malandi o ano pa man"

I am still not convince. Although maganda naman talaga yung damit, kaso lang sobrang baba ng neckline. Noon naman ay hindi ako conscious pero dahil nga malaki na ang pinagbago sa katawan, at mas lumaki na ang hinaharap ay mas naging conscious na.

Lost Under the Spotlight (Rizaleño Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon