Chapter 10
"Saan tayo mamaya? Party ni Oscar diba?"
"Yep! Foam party daw kaya magdala tayo ng extra dresses."
"Draco and Garret confirmed that they will be in there!"
I am actually eavesdropping on my friends' conversations. Hindi nila alam na nandito rin ako sa CR kasama nila. I followed them to finally fix this. Matagal-tagal na rin kasi, halos isang linggo na ang tampuhan namin. I was messaging them, but they are not replying. Naisip ko na baka mas okay kung makausap ko sila nang harapan.
I just can't sleep soundly, thinking that we are still not in good condition. Siguro'y hindi lang talaga ako sanay na ganito kami lalo't ito ang unang beses na nangyari ito.
"Paano kung nandoon din si Ashtrid?" It was Agot's voice. I miss them so much! My goodness!
Matagal bago sila nakasagot.
"Ano naman ngayon?" Mataray na tanong ni Georgina.
Mas lalo akong nalulungkot, pakiramdam ko'y dapat na talaga kaming magkabati lahat. Hindi naman ganoon kalalim ang tampuhan, kaya hindi ko maintindihan kung bakit parang malalim ang inis nila.
"Hindi pa rin natin papansinin?" Si Agot ulit iyon.
I sighed. I don't really understand why they are mad at me. Alam ko naman na hindi ganoon kabigat ang nagawa ko.
"Kung ayusin na kaya natin yung drama natin?" It was Amanda.
"No! Okay, naman na tayo na tatlo lang tayo, right?"
Hearing these things from them right now hurts me so much. Hindi ko alam kung ano pa ba ang mararamdaman ko bukod sa sakit.
"Pero namimiss ko na siya," Imik ni Agot
"Edi sa kaniya ka!" Singhal ni Georgina
I just can't believe that she's this mad. Akala ko kasi'y okay naman kami, akala ko'y tampuhan lang. Maliit na hindi pagkakaunawaan na madali lang din namang maaayos.
Huli na nang namalayan ko ang sarili na lumuluha sa loob ng cubicle. I can't explain how painful it is since it's the first time I felt so broken because of a friendship. I love all of them genuinely, na kahit anong gawin nilang masama sa akin ay alam ko sa sarili kong patatawarin at patatawarin ko pa rin silang tatlo.
They have been my best friends since time immemorial. I accepted their flaws and loved them for who they are; that's why it's really painful. Ganoon dapat ang magkakaibigan, magkakatampuhan, pero kalaunan ay magkakaintindihan din naman.
Hinintay ko silang umalis bago ako tuluyang lumabas. Namamaga ang mga mata at medyo nagusot ang uniporme dahil iyon ang pinampunas sa luha.
Girls in this Comfort room are looking at me intently; it seemed like they wanted to ask something but stopped themselves from doing so, which I appreciate a lot.
Marahan kong dinampian ng lipstick ang maputlang labi at sinuklay ang medyo nagulong buhok. May klase pa akong kasunod, hindi pwede ang ganitong nagpapakalugmok ako.
My day is really bad, si Calvin ulit ang kasabay sa tanghalian dahil wala namang ibang choice.
"Kung ako saiyo, wag mo na muna silang lapitan. Hayaan mo na lang sila! I mean, hindi naman sila kawalan saiyo."

BINABASA MO ANG
Lost Under the Spotlight (Rizaleño Series #1)
RomanceWandering without a map is indeed scary. Walking on a path without knowing where it will lead you is nothing but bravery. Some are lost under the moon, covered by the darkness, but only a few get lost under the spotlight. Will the melody of their he...