81

159 6 0
                                    

March 25, 2017, Saturday

Mish:
Papa, pakisabi naman kay Mama na dito na muna ako kay Hiraya for the whole week, please? Before ako pumunta sa Pampamga.

Read 05:57 p.m.

Papa:
Do you have a problem, anak?

Read 05:58 p.m.

Mish:
Wala po. Ang ganda kasi ng farmhouse nila Hiraya. Gusto kong dito na muna since matagal na naman akong mabubulok sa Pampanga. 😭

Mish:
Ikaw na magpaalam, please? ☹️

Read 06:00 p.m.

Papa:
Nasabi ko na, at sinabi ko nang pinayagan na kita kaya wala na siyang magagawa.

Papa:
Pagpasensiyahan mo na ang mama mo, ha? Sinubukan ko naman siyang kausapin tungkol sa nangyari noon. Pero anak, sana tanggapin mo rin na may kasalanan ka at nag-alala lang siya sayo.

Read 06:05 p.m.

Mish:
Okay na ako doon, papa. Naka-move on na ako. 😂 Isang taon naman na. Tsaka naiintindihan ko naman. Tumakas ako nang hating-gabi tapos sa ibang bahay pa ako natulog. 😅

Mish:
Sorry papa. ☹️

Read 06:07 p.m.

Papa:
Wala namang problema sa akin anak, kung magpapaalam ka lang.

Papa:
Yung mama mo lang talaga yung lumaki sa mahigpit na pamilya, kaya nadala niya yon sa inyo. Pagpasensiyahan  mo na ang mama mo, anak.

Mish:
Okay lang po. Tama naman po si mama. Anak lang ako at siya ang nakakaalam ng lahat ng tama para sa akin.

Mish:
Sige na po, Papa. Aalis kami ni Hiraya. Ingat po kayoooo.

Read 06:08 p.m.

Papa:
May pera ka ba?

Read 06:09 p.m.

Mish:
Meron po. Pero hindi ako magrereklamo kung magta-transfer ka sa akin kahit ilan na 4 digits lang. 😂

Mish:
Charot.

Mish:
Labyu, papsicle! U da best. 😘

Read 06:10 p.m.

Papa:
Sige anak, mag iingat kayo riyan.

Mish:
Ingat din po kayo dyan!

Read 06:12 p.m.

of coffees and messages [epistolary #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon