24

287 13 3
                                    

October 21, 2014, Tuesday

Mish:
Hiraya, mag-enroll na tayo bukas.

Read 08:10 p.m.

Hiraya:
Ay, nako, kung gagawin niyo lang akong third wheel, ayaw ko!!! 😤

Hiraya:
Malandi ka! Hindi ka nagkwento na nadyan pala si Ravie! Nakita ko lang sa IG story niya na magkasama kayo. 🙄

Read 08:12 p.m.

Mish:
Iku-kwento ko dapat sayo kapag nagkita tayo. 😐

Mish:
Excited kasi. 🙄

Mish:
Kailan ba ako nagkwento sayo through text??? That's so not me, Hiraya. 😩

Read 08:15 p.m.

Hiraya:
Hmp! Kahit na! 😤

Hiraya:
Pero in fairness naman dyan kay Ravie, ah??? Nililigawan ka na??? 😍

Mish:
Hmp! Ikukwento ko dapat sayo kapag nagkita tayo, pero ayorn.

Mish:
Oo 😂

Hiraya:
Akhfhdkslfjfjdkskdhflg!!!

Hiraya:
Inamo, Armando! Taksil!!! 😤

Hiraya:
EDI IKAW NA MAY JOWA!!!

Read 08:16 p.m.

Mish:
Tigilan mo na ang crush mong si Harrison Armando at hindi ka papansinin no'n!

Mish:
Mag-jowa ka na!

Hiraya:
No!

Hiraya:
Gusto ko maging first and last si Harrison. 😝

Mish:
Tang ina.

Mish:
Masarap lumandi, bhie.

Mish:
Try mo naman at wala kang pag-asa dyan sa Harrison Armando na yan! Ilang taon mo nang sinisilip-silip sa kabilang school.

Mish:
Pinansin ka ba? 🤔

Read 08:19 p.m.

Hiraya:
Ah, basta!

Hiraya:
Kwento ka naman ng mga nangyayari dyan sa inyo sa Pampanga! Kung alam ko lang na pupunta si Ravie, edi sana sumama ako! Miss ko na ang puto ni Lola mo. Huhuhuhu ☹️

Hiraya:
Pero asa naman akong isasama niyan, siyempre gusto niyan solohin ka! 😤

Hiraya:
Kwento ka na!!!

Read 08:21 p.m.

Mish:
Tawagan sana kita kaso nandito si Lola sa balcony eh. Alam mo namang dito lang malakas ang signal. Sa kwarto ko, kailangan nakatayo pa ako sa bintana. 😐

of coffees and messages [epistolary #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon