my loverboy (ending)

546 6 5
                                    

nakalabas na kami ng resort.

"nasan si alden?" nagmamadali kong tanong kay may.

"siguradong di pa sya nakakalayo. hanapin natin sya.."

"pano mo ba nalaman na umalis na sya? nakausap mo ba sya?"

"nakita ko lang syang palabas na ng resort kaya nilapitan ko sya. tinanong ko sya kung bakit aalis na sya 

sabi nya ayaw nya raw maabutan mo pa sya. kung bakit, hindi ko alam.."

"bakit.. alden.."

"wag na tayong magsayang ng panahon. hanapin na natin sya"

hinanap na namin sya sa paligid ng resort pero wala kaming alden na nakita.

yung cellphone. oo! sana naman nung binigay nya sakin yun nandun na rin yung number nya. kinuha ko 

yung cp mula sa bulsa ko at tinignan ko yung contacts. at ayun na nga! yung number nya yung kaisa 

isahang digits na nandun. di na ko nagsayang ng panahon at dinial na yung number nya, at nag ring! 

aba, may load.

*ring ring*

hello...

"alden! nasan ka??!" naiiyak na ko..

thea.. wag mo na kong sundan. ayokong mapahamak ka..

"break na kami ni kenneth alden! kaya please bumalik ka.. gusto kitang makausap! gusto pa kitang 

makasama.." tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko..

"sige, nasan ka ba? pupuntahan kita"

sinabi ko sa kanya kung nasan kami ni may at sa loob ng isang minuto ay dumating nga sya. bumaba sya 

sa kotse nila at lumapit sakin..

malungkot pa rin ang mga mata nya.. T__________T

"alden.. bumalik ka.." patuloy pa rin ako sa pag iyak

"bumalik ako para.." hindi nya na sinabi kung bakit sya bumalik. kumuha sya ng panyo sa bulsa nya at 

pinunasan ang mga luha ko.

"sabi ko naman sayo di ko kayang nalulungkot ka, umiiyak pa kaya? thea naman.."

"ikaw kasi.."

ibinaba nya ang mga kamay nya. "pasensya ka na ha.. ayoko lang talagang mapahamak ka kaya 

kailangan ko talagang lumayo.."

"duwag ka.."

di nagsasalita si alden..

"duwag ka alden.." nagsimula nanaman akong umiyak.

nakatingin lang sya sakin

"duwag ka dahil hindi mo ko kayang ipaglaban! duwag kaa!!"

"oo duwag ako.."

...

"oo duwag ako hindi dahil hindi kita kayang ipaglaban. DUWAG ako dahil NATATAKOT akong masaktan 

ang taong MAHAL ko. naiintindihan mo ba ko thea?? natatakot akong masira ang reputason mo sa ibang 

tao.. ayoko.. ayokong mapahamak ka.. alam ko kung anong kayang gawin ng kenneth na yun at ayokong 

mangyari pa sayo yun.. thea yun ang kinakatakot ko.."

ako naman ang hindi makapagsalita..

"thea.. dadating din ang tamang panahon.."

parang bibigay ang tuhod ko.. ayoko nang maghintay ng matagal para makasama ka..

lumapit sya at niyakap ako.. "paalam na.."

humigpit ang yakap ko sa kanya..

"ginagawa ko to dahil mahal kita.. mahal na mahal.. maniwala ka sakin thea.."

hindi kita maintindihan alden.. mahal mo ko pero bakit kailangan mo ko iwan.. hindi kita maintindihan.. ano ba talagang dahilan mo... TT____TT

at bumitiw na sya sa pagkakayakap sakin.. para akong magcocollapse..

"thea" si may, buti na lang at inalalayan nya ko..

"paalam na thea.." at tumalikod na sya.

wala.

wala na syang ibang sinabi dahil wala na rin naman syang masasabi pa. sinabi na ng salitang "paalam" 

kung ano talaga ang dapat nyang sabihin.

ikaw ang kasiyahan ko. pero ngayong wala ka na..

hindi ko na alam.. :((((((((((((

noon pa man minahal na kita.. at minahal uli kita ngayon. meron pa kayang susunod?

di ko pagsisisihan kailanman ang umasa sayo, alden.

my loverboy

by misha14

my loverboy ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon