Good day! Nagbabalik ulit ako. hehe tingin ko naman medyo successful yung My Loverboy, kaya ayun, salamat sa mga reklamador kong friends, haha :D na nagrerequest ng update kahit tapos na yung story. Hahahaha :D love y'all, this is for you. :) --Mish
==============================================================================
MY LOVERBOY ♥ PART 2
"Wag mo 'kong tinatakot, Kenneth. Baka nakakalimutan mo na kung sino'ng kaharap mo."
"Yea, my ex-girlfriend who flirted with a stupid guy and then what? He left you afterwards, Marisse. May nagawa ka ba? Wala naman di ba? HAHAHAHA."
Grr.
Tinalikuran ko na si Kenneth at umalis na 'ko. Wala na 'kong masasabi pa. Ayoko ring maiyak sa harap nya. I don't want to look pathetic infront of him.
Mali sya, dahil hindi ako nakipag flirt kay Alden. Kasalanan ko bang maghanap ng mag aalaga sa 'kin nung mga panahong pakiramdam ko eh, tinatapon na 'ko? Damn you, Kenneth. Gagawin ko lahat ng paraan magkahiwalay lang kayo ng present girlfriend mo. Just wait for my revenge.
Pero tama din sya, iniwan na 'ko ni Alden, at wala akong nagawa.
At pinanindigan nya na yata yung pagiging salbahe nya.
It exploded like a bomb. That Althea Marisse Garcia is a bitch. Nilayuan ako ng mga tao, pati na rin ng mga "friends" ko. Magsama sama kayong lahat.
[1]
Ang hirap talaga ng ganito. Di na ‘ko naging Masaya sa buhay ko.
Haist ang drama drama ko =___= ganun talaga.. ikaw kaya mwalan ng mga kaibigan at minamahal? Naku, dapat title nito Dear Ate Charo. Hahaha :D
I have to confess, tinamad na ‘kong mag aral ngayong taong ito. Kasi naman papasok pa ba ako eh pupunta na rin naman akong Amerika next month? Oo, dadalin na ‘ko ni Mommy dun. Sabi ko kasi gusto ko dun mag aral pero sa totoo lang may gusto lang akong takasan.
Yun ay ang bakas ng kahapon.
JOKE!!!
Wahahaha!!!
Baliw ako ngayon sorry ^___^
Sabagay okay nang ganito kesa emo. Tulad ngayon maghapon akong nagkulong dito sa kwarto ko. Bakit nga ba? Pwede naman akong lumabas. Ang adik adik ko ~___~
Lumabas na ‘ko ng kwarto at bahay… ano kaya pwede kong gawin para kahit sandali lang eh makalimutan ko naman si Alden? Two months na ang nakakaraan pero simula nug huli naming pagkikita araw araw na syang nasa isip ko.
Minsan nakakasawa.
Minsan parang gusto ko na mawalan ng pag asa.
Nakakatamad mag hintay eh
Bakit kasi may nalalaman pa syang right time eklabu? Pano naman ako? :(
Tama na nga yan pupunta na lang ako ng mall -___- din a ko nagbihis muka naman akong disente sa suot kong white t-shirt at short SHORTS! Hahaha! Wala naming magagalit. Wala naman akong boyfriend eh.
Got to go! ^___^
Mall.
Ang sarap talaga sa mall iba yung lamig eh :D wahaha, pumunta na ‘ko sa bookstore, mahilig kasi ako magbasa ng novels lalo na mga lovestory. Naiimagine ko kasi ako yung babae dun. Maechos ako eh.
Ayun, nakakita ako ng romance book at binili ko na agad yun. Lumabas na ‘ko ng bookstore at hindi ko na alam kung saan na ‘ko pupunta.
Ang hirap talaga maging loner TT___TT kung pwede lang bilhin ang kaibigan eh.
Pumunta na lang ako sa isang resto sa mall nay un. Syempre umorder. Dito na lang ako magla-lunch.
Pero nagulat ako nang tumunog ang cell phone ko. Sino naman kaya ‘to?
Alden
Accept | Decline
H-Ha??!
Bakit sya tumatawag? Matagal nang naputol ang connection namin ah… Hindi sya nagrereply o sumasagot kahit minsan sa mga tawag ko. Tapos ngayon—
O___O
Ala. Namatay. Bakit kasi di ko agad sinagot eh! >___<
*ring ring*
Si Alden ulit. Hindi na ‘ko nag saying ng panahon at sinagot ko na agad yun.
“H-H-Hello?”
“Bakit ka naka short? Ang lalagkit ng tingin sa ‘yo ng mga lalake… di mo ba lam yun?”
“Alden…”
Ibig sabihin nakikita nya ‘ko? Right here and right now?!
“pupuntahan kita dyan ngayon.”
He hung up.
O___O
Teka lang!!!
Wala ako dalang POWDER!!! Ano na kaya itsura ko? >___<
Pwede ba.. wag ka ngang nagsusuot ng ganyan..” -___-
Napatingala ako.
“Uh.. sorry…”
Umupo sya katapat ko.
“Kamusta ka na Thea…”
Di ako makatingin sa kanya >___<
Si Alden ba talaga to?
Si Alden na…
Na hinintay ko.
Na minahal ko…?
Parang ang bilis ng dalawang buwan. Hindi ko inaasahan ang araw na ‘to.
“It’s been two months…” nasabi ko na lang sa kanya.
Silence.
Pero sya ang unang nagsalita.
“Galit ka ba sa ‘kin Thea?”
“No…”
“Buti naman at hindi ka pa rin nag iiba ng number.”
“Hinihintay kita..” my voice broke. Naiiyak na ‘ko TT___TT
Nakita ko sa mukha nya ang pagkagulat.
“You’re free Althea. Bakit mo ‘ko hinihintay?”
That broke me. May dahilan ba para hindi ko sya hintayin?
Hindi ako nagsalita.
Silence. Again. I hate it.
His cell phone rang.
“Excuse me.” sabi nya at sinagot ang tawag. “Uh.. oo. Sige sige papunta na ‘ko dyan. Sige wait for me.. bye.”
Humarap uli sya sa ‘kin. “Una na ‘ko ha…”
“Bata ka pa…”
Ngumiti sya.
Ngumiti din ako. Pero deep inside ayoko pa syang paalisin.
“See you next time.”
Tumango na lang ako.. Kung may next time pa… *sighhh*
=============================================================================
Vote and comment, please. Di ko kasi alam kung itutuloy ko pa ba 'to. Hahaha God Bless us all ^_______^ --Mish
BINABASA MO ANG
my loverboy ♥
Teen Fictionit was supposed to be our bonding days. pero bakit kasi kasama nia pa ex nia??? ayun tuloy nahulog na rin ako sa iba. >:)