Dieciocho

1K 32 0
                                    

ISANG LINGGO at tatlong araw ng Hindi nagpaparamdam si Harry sa akin. Halos araw-araw akong nagmemesage sa kanya pero ni hi o ho ay wala itong sagot. Kapag naman tinatawagan ko ay nagriring naman pero lagi ako nitong pinapatayan.

Gusto ko na nga itong puntahan sa bahay niya pero nung pumunta ako 'dun nuong isang araw ay wala daw siya 'ron sabi ng Kasambahay doon. Lagi ko naman winawaksi sa aking isip na may iba na ito dahil baka naman nagkaroon lang ng aberya sa Company kaya busy masyado ito.

"Wala parin Text?" Napatingin naman ako kay Cal at malungkot na napatango. Napailing nalang ito at kumagat sa burger. Nandito kami sa Jolibee dahil nagyaya ito. Kakauwi lang nito mula sa LA.

Naikwento ko 'rin sa kanya ang nangyayari sa amin ni Harry. Ang lagi naman nitong sinasabi ay magtiwala lang ako ka Harry dahil Mahal ako nito.

"Kaloka! Baka may iba si Fafa Harry!"

I glared at Charles."He loves me, So much"

"Gaga, 'wag mong ipamukha sa akin na talo ako kay Fafa" Nanlulumong sabi pa nito. "What if may iba nga? What will you do?"

And that hits me. What if nga kung may iba si Harry? Paano kung ayaw na pala nito sa akin? Nagsasawa na ba 'sya? Pangit ba ako? Kapalit-palit ba ako? Aist.

"I trust Harry, Iintayin ba 'nya ako ng tatlong taon para lokohin lang? He loves me"

"Paano kung sabihin ko na may ka-date si Harry ngayon?"

"H-ha? Stop joking around, Charles naman"

Iniabot nito ang Cellphone 'nya. Nanlumo ako ng makita ko ang litrato. Si Harry at isang babae. Parang nasa restaurant sila.

D-dating?

"Client l-lang yan, Oo Client"

He raised his brows. "Are you sure? But anyways You're right. He loves you"

"Kumain na nga lang tayo" Cal said. I nodded and took a sip of Soft drinks.

"Namiss ko 'to!" Sumubo pa Chicken si Cal.

"But speaking of Walton brothers, I saw you And Dionysus on the news" Impit na tumili pa si Charles. Napailing naman si Cal.

"It's Nothing, Charles" She said.

"Ows? Kayo na no? Ang swerte day!"

Natawa naman si Cal sa sinabi ni Charles. "He's just a friend, He's a close friend of kuya"

Charles gaze at me and Cal. "Nakakainggit kayo, Walton ang naghahabol sa inyo. Pati si Ms.Elpis" He said. "Ganyan ba talaga kapag estudyante ni Ms.Elpis? Binigyan niya siguro kayo ng teknik para makuha ang mga Walton"

"Loko ka talaga" I said.

"Sana All nalang talaga, Anyways Ilang taon na si Dionysus? Bata pa 'ata yon Cal?"

Cal shrugs. "I don't know, Hindi naman kami"

"Pang-Apat sila ni Erebus dahil kambal sila. Pero Technically ay pang-apat 'sya dahil naunan 'sya kay Erebus. Twenty Four 'ata 'sya?" I answered.

Manghang napatango naman si Charles. "Ay pak, Alam na Alam" I laughed.

Napatingin naman kami kay Cal na tila tulala at may iniisip na malalim.

"What are you thinking? Si Dionysus ba?" I asked.

She shake her head. "Hindi ah! Natulala lang ako" Pagtatanggol nito sa sarili. Napataas naman ang kanan na kilay ni Charles sa sinabi nito. Natawa nalang ako sa reaksyon nila.

"Defensive ka 'te?"

"I'm not, Ubusin 'nyo na nga ang kinakain 'nyo" She commanded.

Napailing nalang kami ni Charles. "Tapos na kami, Ikaw nalang. Ang bagal mo talaga kumain kahit kailan" Sabi ni Charles.

Napanguso naman si Cal. "Ang bilis 'nyo lang kumain" Sunod sunod pang subo ang ginawa nito. Sobrang hinhin kasi nito kumain at mabagal pa. High school palang kami ay ganito na si Cal.

"We're so Lucky, huh?" Napakunot naman ang Noo ko sa sinabi ni Cal.

"Why?" Charles asked.

"Dahil Professional photographer ka na" Tumingin pa ito kay Charles. "Designer ka" She glances At me. "At Model na ako"

Napatango naman si Charles. "Yeah right! Namimiss ko ng magsama-sama tayo sa isang set" Napangiti naman ako sa sinabi nito. May ilang beses kasing Si Cal ang Model ng mga works ko at laging si Charles ang Photographer.

Kaming tatlo ay sabay-sabay na naabot ang pangarap. Ang sarap sa feeling na kami ang magkakasama noong Hindi pa kami sikat until now na famous at successful na kami.

"Ako din!" Si Cal. She's smiling ear to ear. Nang natapos ito kumain ay umalis na kami. Kanya-kanyang pupuntahan kami kaya hindi kami magkasabay-sabay ng uwi.

"I'm so tired" Bulong ko at binagsak ang aking katawan sa Kama. Kakauwi ko lang galing sa Mall kasama sila Cal. Kinuha ko naman ang aking Cellphone kung may text or tawag manlang ba kay Harry pero wala parin as usual. Napabuntong hininga nalang ako at itinabi na ang aking Cellphone.

"Are you okay, Ma'am?" Napatingin naman ako sa nagsalita. Si Alione iyon isa sa mga staff ko. She's very hardworking person. Pinakamakulit itong staff dito. Napaka-kalog nito.

I nodded. "Yes I am" I answered. Nandito Kasi ako sa aking Shop. Naboboring na 'rin ako sa bahay dahil wala naman akong ginagawa. Si Mama naman ay wala dahil pumasyal sila nila Tita. Ayos na 'rin dahil Hindi ko na ito masyado nakikitang malungkot unlike nuong kakalibing lang ni Papa.

Ngumiti naman si Alione at tumango. Bumalik na ito sa kanyang ginagawa. Alas-tres palang ng hapon pero Wala na akong gana. Kinuha ko nalang ang aking Cellphone at binuksan ang Album namin ni Harry. Napangiti nalang ako habang tinitignan ang mga litrato namin.

Sa ibang Tao ay ayaw nito magpapicture pero kapag sa akin ay 'sya pa ang nagpipilit. Seryoso kasi ito talaga kapag unang kita mo lalo na kapag Hindi kayo close. Sa akin lang nito pinapakita ang soft side nito.

Inexit ko naman ang album at pinidot ang Message. Isang mensahe ang pinadala ko kay Harry. Pagkatapos ay pinatay ko na ang aking Cellphone.




Walton Series #2 HARRY✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon