"Are you okay, Ares?" Nilapitan ko pa ang puno ng sugat na si Ares. Si Harry ang bumugbog dito. Nandito kasi kami sa garden ni Ares at pinaguusapan tungkol sa activity nang biglang sugudin ito ni Harry.
"I'm oka-"
"Melina, Come here!" Napatingin naman ako sa sumigaw na si Harry. Naiinis naman ako rito dahil ito na nga ang may kasalanan ay siya pa ang may ganang sumigaw-sigaw.
Hindi ko ito pinansin at inalalayan si Ares upang makatayo.
"What are you doing, Honey?" Hinarangan pa nito ang aming dadaanan.
That's it! Hindi ko na kaya pigilan ang inis ko rito. "Pwede bang umalis ka Harry!"
"Aalis ka? Kasama yan? Damn it!"
"Minumura mo ba ako? Ikaw na nga ang may kasalanan ikaw pa ang matapang, Bwiset ka!"
"He holds your hand!"
"Big deal ba yun? Nakakainis ka na" Lumapit naman ang katropa ni Ares at inalalayan ito . Dadalhin siguro ito sa Clinic.
"Ano ba?!"
"Shut up please"
"Let me go!" Iniaalis ko pa ang kamay nito. Hinila ako nito papunta sa may parking lot. Isinandal ako nito sa kanyang sasakyan.
"Look Honey, I'm fvcking mad when I saw he holds your hand. Tapos ay Hindi mo inalis manla-" Hindi na ako nakapagpigil at pinutol ko na ang sasabihin nito.
"So anong pinapalabas mo? Na gusto ko yun?Bobo ka ba?!"
"Of course not"
"Then, Bakit ka Nagagalit sa akin" Hinampas naman nito ang gilid ng sasakyan kung saan ako nakasandal kaya napasinghap ako.
"I don't say I'm mad at you" Yinugyog pa nito ang aking balikat. Marahas na inalis ko naman ang pagkakahawak nito sa akin.
"Don't touch me! Bahala ka 'dyan!" Itinulak ko naman ito ng buong lakas kaya nakawala ako rito. Mabilis na naglakad naman ako papalayo sa kanya.
"Huwag mo akong tatalikuran, Melina" Hinila pa ako nito papalapit sa kanya. Ang mga mata nito ay puno ng galit. Hinapit pa nito ang aking bewang papalapit sa kanya.
"Alisin mo ang hawak mo" I commanded.
"Why I'm gonna do that huh?"
"Sisigaw ako"
"Then shout, Walang magtatangkang lumapit" He's right. Dahil nga anak ito ng may ari ng school ay ang mga estudyante ay takot sa kanya.
"Argh bwisit ka" Tinuhod ko pa ang gitnang bahagi nito kaya nabitawan ako nito. Napahawak naman ito at dumadaing.
"You'll regret this honey"
"Hindi ako natatakot sayo" Tumakbo pa ako papalayo rito.
Nandito ako sa may Cafeteria at bumili ng tubig. Nauhaw ako sa pagtakbo kong ginawa na yun. Mabuti nalang ay napuruhan ko iyon bago ako nakaalis. Napasinghap pa ako ng may umakbay sa akin at bumulong sa aking tenga.
"Akala mo ay naisahan mo ako, Honey" Si Harry iyon. "Lagot ka sakin" Dagdag pa nito. Napatawa naman ako ng pilit at lumunok.
"Ikaw naman, Nagbibiro lang naman ako" Ngumiti pa ako ng pilit. "Hindi naman masakit iyon, Diba Harry?"
"It hurts so bad, Paano 'pag nabaog ako?"
"Hehe ano uhm magampon ka nalang, Pwede naman 'yun"
"No, I want a child from me and you"
"Ikaw naman, Mapagbiro ka pala" Mahinang hinampas ko pa ito sa balikat niya. Natigil naman ako ng makita kong seryoso ito.
"I'm fvcking serious"
BINABASA MO ANG
Walton Series #2 HARRY✔
Roman d'amourWalton Series#2 HARRY Umiling ito. "I told you stay away from me!" Galit na Asik ko kay Harry. "You can't stop me" Mariin kami sa isa't-isa. "You're still mine, Mine Alone" Nagulat pa ako ng hawakan nito ang aking mukha. Idinampi pa nito ang kanya...