Prologue

7.2K 134 6
                                    

“This has been my life; I found it worth living.”
~~~

Masayang naglalakad sa dalampasigan si Sarah pinupulot nya ang mga shells ng kabibe para gawing palamuti sa kanyang kwarto. Habang naglalakad narinig nya ang sigawan at asaran ng mga bata. Nagmamadaling lumapit si Sarah sa kumpulan ng mga bata nakita nya ang tatlong lalaking bata at dalawang babaeng bata na pinalilibutan ang isang batang babae.

Maputi ang batang babae at kung kikilatisin ay magkasing eded lamang sila o matanda lang ng dalawa o tatlong taon. Inaaway ito ng ibang mga bata tinatawag nila na ito daw ay isang bampira dahil sa kutis nitong sobrang puti napagmasdan din ni Sarah ang kulay berde nitong mga mata na halos namumula na dahil kakaiyak.

Hawak ang mga naipong kabibe ay binato nya ang mga iyon sa limang bata. Natamaan ang isa at masamang tiningnan sya ng batang lalaki na kinalingon din ng mga kasama.

Determinado si Sarah ipagtanggol ang batang babae kaya naman nagmamadaling tumakbo sya patungo sa batang may mga matang kulay berde ng makalapit ay hinawakan nya ang braso nito at nagmamadali silang tumakbo.

Hinihingal silang nakalayo sa limang bata. Hindi naman napigilan ni Sarah na mapahalakhak dahil sa pagkabilib sa sarili.

Natigil lamang sya sa kakatawa ng magsalita ang batang iniligtas.

"Hey, I wanna say thank you for saving me from those bullies"

"Ah wala yun yur welcam" nakangiting tugon nya naman sa batang kausap napakamot pa sa pisngi dahil sa Englisyera pala ang batang nailigtas mukang mahihirapan syang makipag-usap dito.

"I want to formally introduce myself to you" napatulala naman ang musmos na si Sarah ng makita ang ngiti ng batang englisyera.

Inabot nito ang kamay sa kanya halos tumagal ang mga kamay nun sa ere bago nya hawakan ang kamay ng kausap. Nakiliti si Sarah ng makaramdam ng kuryente ng magtagpo ang kanilang mga kamay. Ganito din ang naramdaman ni Louise subalit hindi nito ipinahalata.

"Louise Reign G. Klein, I am from France and my family here for vacation" masayang pagpapakilala sa kanya.

"Hmm, Am Sarah P. Guevara , Am from here pilipinas" halos gusto ni Sarah lumubog sa kinatatayuan samantalang ang kausap naman ay humalakhak ng malakas.

"You're so cute, hahaha Pero marunong naman akong managalog, ang mama ko ay filipina tulad mo"

Nahampas tuloy ni Sarah ang kausap marahil ay nakagaanan nya ito agad ng loob.

"Wanna come with me"

"Don't englishing me ok"

Napahalakhak ulit si Louise at inalok ang kanang kamay upang humawak si Sarah sa kanya.

Lalong naging masaya ang araw na iyon kay Sarah dahil mayroon na syang kasamang maglakad-lakad at mamulot ng kabibe.

Hapon na ng matapos sila sa kakalaro sa dalampasigan gusto na sana ni Sarah umuwi pero niyaya pa sya ni Louise kumain sa bahay ng mga Klein.

"Natutuwa ako na may naging kaibigan na itong si Louise" masayang sabi ni Mrs. Klein.

"Yeah and look magaling pumili ang anak natin" sakay naman ng Frances na ama ni Louise.

Nakagaanan ng loob ng mga magulang ni Louise si Sarah. Dahil dun ay halos magdilim na ng pauwiin nila ang bagong kaibigan ng anak.

Habang nasa loob naman ng sasakyan ang dalawa halos hindi matigil ang mga ito kakaharutan. Sumama kasi si Louise sa paghatid dito sa bahay nila Sarah. Para sa susunod ay sya naman ang dadalaw dito.

Tumigil ang sasakyan sa isang hindi gaanong kalakihang bahay. Bumaba ang driver para pagbuksan si Louise at Sarah.

"Maraming salamat sa paghatid Louise,  pano bukas nalang"

Nagulat si Sarah ng yakapin sya ni Louise at halikan sa gilid ng labi.

"I'll fetch you tomorrow" napakamot naman si Sarah sa pisngi.

"Yan english ng english ka nanaman hindi ako pwede tutulungan ko si mama magtinda sa pamilihan bukas ng mga isda" natigil ang pag-uusap ng magkaibigan ng tawagin si Sarah ng foster- mom nya na itinuturing nya naring tunay na ina.

"Hala panu ba yan tinatawag na ko ni mama" kasabay ng pagkamot muli ni Sarah sa pisngi.

"Ok tutulungan ko nalang kayo magtinda para makasama kita bukas"

"Naku baka mapagalitan ka ni mama mo"

"Magpapaalam naman ako, kaya sasama ako sayo bukas"

Dahil makulit si Louise ay napapayag nya si Sarah na sumama sya sa pagtitinda bukas.

KINABUKASAN maagang nagising si Louise nakapagpaalam na ito sa kanyang mga magulang kaya masayang- masaya sya habang si Sarah naman ay pinagalitan ni Mrs. Guevara sa pagiging lakwatsera nya samantalang ang anak naman nitong si Ava ay mas ginabi sa pag-uwi sa pagtambay sa kapit-bahay.

Sakay ng magarang sasakyan bumaba si Louise sa tapat ng bahay ng mga Guevara halos humaba ang leeg nito para matanaw ang pakay.

Napansin ni Ava ang mamahaling sasakyan na tumigil sa tapat ng bahay nila nagmamadali syang lumabas para makiususyo lumaki ang mata nya ng makita si Sarah na masayang nakikipag-usap sa batang babaeng may alon na itim na itim na buhok at matang kulay berde pansin rin nya ang maputi nitong balat halos pamulahan sya ng muka ng mapansin nito ang presensya at ngitian.

Kinalabit si Ava ng mama nya "Naka jackpot si Sarah nakakuha ng mayamang kaibigan gusto pang sumama sa pagtitinda"

Umirap naman si Ava at masamang tumitig sa ampon na kapatid na hindi mawala ang ngiti sa labi at ng mga oras na iyon ay gusto nyang burahin ang mga ngiting yun.

Maagang natapos ang pagtitinda nila Sarah dahil sa halos pinakyaw ni Louise ang mga paninda nila ay magaling pa itong mambola ng mga customers.

Nagmagandang loob naman si Mrs. Guevara inimbita nya ang mayaman na kaibigan ni Sarah na sa bahay nila mananghalian para makalaro pa si Sarah.

Lingid sa kaalaman nila ay naiinis si Ava sa kapatid dahil pakiramdam nya ay inaagawan sya ng lahat ng bagay na gusto nya. Gusto nyang sa kanya ibuhos ng batang kalaro ni Sarah ang atensyon.

"Will you spend the rest of your life with me? Sarah" naglalaro ng kasal-kasalan ang magkaibigan.

"Oo naman" masayang sagot naman ni Sarah kay Louise.

"Saan naman ang honey moon natin pagkatapos?"

"Sa tree house, gusto mo?" Si Louise na masayang nakatingin ng daretso kay Sarah.

Ang bawat araw na nagdaan ay pinuno ng tawanan at halakhak ng magkaibigan.

Dumating ang araw ng pag-alis nila Louise. Halos ayaw bitawan ng dalawa ang kamay ng isa't isa.

"Pangako pagbalik mo ay papakasalan mo na ako" nakangusong sabi ni Sarah.

"Oo naman 10 years from now pag-uwi ko papakasalan na kita" sabay halik sa labi ni Sarah pinamulahan naman ang isa ng sobra.

"Here take this ring as a sign of my promise" inabot ni Louise ang isang golden ring na may nakaukit na K.

Saktong-sakto ang singsing sa daliri ni Sarah para bang pinasadya ang singsing para sa kanyang maliit na daliri.

"Salamat Louise mag-iingat ka at pangako babalik ka ulit dito"

"Pangako"

Isang oras na ang lumipas ngunit si Sarah ay nanatiling nakatanaw sa daan na tinahak ni Louise papalayo sa kanya.

Maghihintay ako Louise...

The Ex-WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon