"Every seconds everything can change"
~~~I don't know how to make myself get out of here.
Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng kwarto napakagat sa labi habang humahanap ng bagay na pwedeng magamit para matanggal ang mga kadena. Maliliit ang bawat kilos na ginagawa ko hindi ko gustong marinig ito ni Louise. May gunting na nakapatong sa lamesa dalawang metro ang layo mula sa kamang kinatatalian ko.
Ramdam ko ang hapdi ng mga braso at leeg sa pagpalag ko kanina habang kinakadenahan ni Louise. Mapula ang mga pulsuan at may nalasahang kalawang rin ako sa ibabang labi.
Kailangan kung mapaamo sya dahil kung sakaling buntis talaga ako hindi ko hahayaang malagay sa panganip ang batang nasa sinapupunan ko.I need also to know what's going on?
Drugs wala akong alam sa bagay na iyon.
Mabilis na inihiga ko ang katawan ng marinig ang mga yabag papalapit sa kinaroroonan.
Bumukas ng dahan-dahan ang pintuan at mabagal na pumasok si Louise.
"Time to eat" tulayan akong umupo para tingnan si Louise habang may dalang pagkain. Itinaas ko ang mga kadena na nasa pulsuan para sumenyas na hindi ako makakain ng naroon iyon.
Hindi nya pinansin ang pabor na hinihingi ko dahil lumapit lamang ito sa akin at sya na mismo ang nagsubo ng pagkain sa bibig ko para makakain. Pansin ko ang mariing pagtitig nito sa akin.
Bumuntong-hininga ito bago nagsalita.
"I want you to be honest this time" hinawakan nya ang pulsuan ko at maging ang mga gasgas na natamo sa kagagawan nya. Hinaplos nya ang mga iyon bago muling tumitig sa akin para hintayin ang sagot sa tanong nya.
Daretso ko syang tiningnan sa mga mata nakikiusap na sana sa pagkakataong ito ay maihatid ko ang totoong nararamdaman para sa kanya at totoong sagot sa taong nya.
"Tulad kanina wala akong alam"
"Wala akong alam... ako ang unang natulog. Ni hindi ko alam na ikaw ang fiance ni Ava"Dahil kung ikaw ay hindi na ako pupunta mas nanaisin ko pang hindi ka makita kaysa makita kang tuluyang masaya sa piling ng iba.
Hindi mapigilang makaramdam ng awa, poot, at sakit sa damdamin si Louise habang pinadadaanan ng mga daliri nya ang mga gasgas ni Sarah na sya rin mismo ang may gawa.
Hindi nya alam.
Hindi nya kayang maniwala sa detective na kinuha nila ni Ava para imbestigahan ang nangyari ng engagement party nila pero lahat ng mga motibo at ebidensya ay nagtuturo kay Sarah.Gusto nyang maniwala sa mga sinasabi ni Sarah pero hindi iyon ang tama. Kailangan nyang tuluyang maalis ito sa sistema nya kung hindi malilinlang sya nito.
Walang emosyong tumingin sa akin si Louise.
"Louise please tanggalin mo ang mga bagay na ito" pagmamakaawa ko sa kanya.
Louise pinched the bridge of her nose.
"Please, listen what I have to say to you" inalis nya ang mga kamay sa braso ko at umalis ng hindi pinapakinggan ang gusto kong sabihin.
Lumipas ang isang oras na sinusubukang kong matanggal ang kadena sa pulsuan ng mapagod ay nag-isip ako ng mas mabilis ma paraan isinigaw ang pangalan ni Louise na nag-echo sa kabahayan. Nagdiwang ako ng buksan ni Louise ang pinto.
"Masakit ang tiyan ko" namimilipit na hawak ko sa tiyan na may kaunting pikit at kagat sa labi.
Naramdaman ko ang pagkalas ng kadena sa leeg, pulsuan, at sa paanan naging dahilan para makahinga ako ng maluwag.
Pinagmasdan ako ni Louise. "Dalian mo maghihintay ako dito" humakbang ako ng mabilis at binuksan ang pinto ng banyo sa loob ng kwarto matapos ay isinara ko ito. Tumingala ako at nakita ang maliit na bintana hindi ako kasya roon. Muli kong tinignan ako kabuuan ng banyo lugmok na napaupo ako sa bowl dahil walang pwedeng malabasan dito. Ilang minuto pa ay dinig ko na ang mga katok ni Louise.
Lumabas ako ng bagsak ang mga balikat at umupo na mismo sa kama inihintay ko nalang na muli nya akong kadenahan. Napukaw ang iniisip ko ng hawakan ng marahan ni Louise ang baba ko at kapain ang labi ko gamit ang hinlalaki nyang daliri matapos ay naramdaman ko ang pagdampi ng malambot na bulak sa ibabang labi.
"Maligo ka pagkatapos nito aalis tayo" pinagmasdan ko ang muka nya habang ginagamot ang sugat sa ibabang labi ko. Ocean green ang kanyang mga mata, matangos ang ilong, manipis ang labi na natural na mapula, walang bahid ng pores o napeklatan gawa ng pimples. Pakiramdam ko ay umakyat ang usok sa muka ko at tinambol ng malakas ang dibdib ng isang libong drummers ng magtama ang mga mata namin at ilang beses na bumaba ang tingin nya sa mata at sa labi ko. "Dalian mo na kailangan ka ng kapatid mong makita" natigil ang isang libong drummers at tuluyang iniwan ng usok ang muka ko ng tingnan ako nito ng matatalim na titig.
Padabog nitong isinara ang pinto.
P.S
Sana hindi kayo nalilito sa execution ng narrators. This is actually having a Multiple POV.HAPPY SUNDAY.
BINABASA MO ANG
The Ex-Wife
Romantiek"You've tricked me Sarah, enough of this drama, hindi ikaw ang mahal ko kundi si Ava" nagbabaga ang mga tingin na pinupukol sa akin ni Louise 10 years ago, she doesn't the same girl who promised me that when she got home we will married. I love her...