"All people deserve your kindness, but none more so than you"
~~~Nakaramdam si Sarah ng pagkauhaw ng magkaroon ng malay. Hinayaan niyang pagmasdan ang kabuuan ng kwartong kinalalagyan naamoy niya rin ang iba't ibang amoy ng gamot sa paligid. Ini-angat niya ang braso kung saan may mga tube na nakakabit.
Nagsimulang atakihin siya ng kaba ng matandaan ang sinapit sa kamay ng mga lalaking lasing mabilis na napahawak sa tiyan at nakahinga ng maluwag ng walang maramdamang sakit mula roon.
I'm in the hospital.
Agad na napabalikwas siya ng bangon mula sa hospital bed may sumibol na unting pag-asa sa damdamin na baka si Louise ang nagdala sa kanya dahil isang malambot na katawan ang naramdaman ang sumalo sa kanya bago mawalan ng malay.
"Ah Miss okay ka na ba?"
Nabaling ang atensyon niya sa isang babaeng nakasuot ng uniform na pang-kolehiyo tumayo ito sa pagkaka-upo mula sa sofa na nasa gilid na hindi niya napansin agad. Matangkad ito at may bilugang hugis na mga mata may kaputian rin ang balat nito. Tuluyang nawalan siya ng pag-asa na hindi si Louise ang nagdala sa kanya.
"O-okay na ako salamat sa pagdala sa akin dito" nautal na sagot niya.
"Pasensya na may password kasi ang cell phone mo kaya hindi ko matawagan ang pwedeng puntahan ka rito"
Napakagat siya sa ibabang labi.
"No... I mean thank you pwedeng paabot nalang ng gamit ko"
Kinuha naman ng babaeng kausap niya ang bag niyang nakapatong sa sofa na kinauupuan niya kanina.
"By the way ako nga pala si Trish" pagpapakilala nito kay Sarah ng ma-i-abot abot ang gamit niya.
Nahiya naman si Sarah hindi pa pala siya naki-pagpakilala sa babaeng tumulong sa kanya.
"Sorry, ako naman si Sarah pasensya na nakalimutan kong magpakilala"
"Sus.. wala yun mabuti nalang naabutan kita bago ka mawalan ng malay at bumagsak."
"Kaya nga salamat talaga"
"Gusto mo ba ng tubig?"
Mabilis na napatango siya sa alok ni Trish halos makalahati niya ang tubig mula sa bottled mineral water dahil sa pagkatuyo ng lalamunan. Binuksan niya ang hand bag at ng makuha ang cell phone ay tinawagan niya si Marcus malamang na nag-aalala ito ng wala itong madatnan kagabi sa lugar kung saan siya nagpapasundo. Siguradong magwawala yun kapag nalaman ang nangyari sa ngayon ay kailangan niya munang mapaalam na nasa ospital siya.
Samantalang nakamasid lang sa kanya si Trish habang may kinakausap siya sa cell phone.
"Marcus nandito ako sa ospital ngayon, yeah I will send you the address. I know... please don't panic I'm okay, mag-iingat ka"
"Is that your husband?"
"No, that's my friend"
Nakahalata ata ang kausap ng magbago ang tono ng boses niya gumaralgal kasi ito. Naiiyak nanaman kasi siya ng maisip ang huling tagpo sa pagitan nila Louise. Maaaring wala talaga itong pakialam sa kanya matapos kasi ng umalis siya ay hindi man lang ito tumawag o kamustahin man lang kung nasa maayos siyang kalagayan. Sinong niloloko ko wala naman talagang pakialam sa akin si Louise.
"I'll buy a food for us"
"Oh, then take this" nag-halungkat siya ng pera sa gamit niya pero napatigil siya ng magsalita si Trish.
"Ano ka ba Sarah wag na"
"Wait hindi naman pwede yun naabala na kita at inumaga ka na kababantay sa akin, please take this sobrang nakakahiya na" pigil niya dito.
BINABASA MO ANG
The Ex-Wife
Romance"You've tricked me Sarah, enough of this drama, hindi ikaw ang mahal ko kundi si Ava" nagbabaga ang mga tingin na pinupukol sa akin ni Louise 10 years ago, she doesn't the same girl who promised me that when she got home we will married. I love her...