“A successful marriage requires falling in love many times, always with the same person.”
~~~Dati kapag napag-uusapan ang kasal ay madalas may init na umuusbong sa damdamin ko.
Ang muka nya ang unang pumapasok sa isip ko. Siya na masayang naghihintay sa unahan ng altar at ako na naglalakad papalapit sa kanya.
NGUNIT iba ang nakikita ko sa mga muka nya ngayon mababakasan ito ng panibugho at pag-aalala wala rin ang kanyang buong atensyon sa akin.
Isa itong beach wedding na iilang mga kakilala lang ang inimbitahan. Karamihan ay kamag-anak ni Louise at ni isa sa sakin ay wala.
Mabilis na tapos ang kasal mababait din ang mga kamag-anak ni Louise kaya hindi ako nahirapang makisalamuha sa kanila maliban sa taong katabi ko.
Si Louise.
Kanina ko pa naririnig ang mga buntong-hininga nito at paglagok ng alak nito sa kopitang hawak mula sa lamesa. Masayang nagsasayawan ang iba samantalang siya ay parang namatayan.
Lumapit naman ang pinsan nyang si Cassandra at bumulong ito kay Louise bago ako hinila nito sa gitna ng sayawan.
"You have to enjoy Sarah because later you may get tired" nagtawanan tuloy ang iba.
Ang isa naman sa pinsan ni Louise ay nilapitan sya.
Kita ang pilit na paghila sa kanya ni Jack papunta sa kinaroroonan ko. Natigil ang kasiyahan ng lumagapak ang katawan ni Jack sa isang lamesa dahilan para malaglag ang mga pagkain na naroon.
Hawak ni Jack ang panga na nasaktan habang si Louise ay nakatayo lamang sa harap nito tinaas ang mga kamao na parang hinahamon ang pinsan na lumaban.
"Louise, don't make stupid things stop that!" sigaw ni tita Nadia papalapit sa anak.
Tumayo na si Jack. Tumingin ito ng masama kay Louise.
"You asked for this" sabay suntok kay Louise mabilis nya itong naiwasan at tinadyakan si Jack sa tiyan namilipit ito sa sakit.
Sa pagkakataong iyon ay lumayo si Louise sa pinsan at iniwan ang mga kamag-anak na nakatanga sa pangyayari.
Humingi naman ng despensa ang ina matapos ang eksena.
"Sorry for what had happened" hingi nito ng paumanhin.
Dahil sa nangyari ay napagpasyahan na ng mga itong umuwi na. Galit si Nadia na kumatok sa kwarto ng anak ng buksan ito ni Louise ay nasampal sya ng kanyang mommy.
"Look what you've done Louise, I didn't raise you to be like that"
"Tell me ma, what do you expect me to do after getting married with the woman that I didn't love" tawa pa nito matapos sabihin iyon.
Natahimik si Nadia sa tinuran ng anak pinilit nya itong abutin para yakapin pero umatras si Louise.
"I need to be alone for now"
Walang nagawa si Nadia kundi iwan si Louise.
Nasalubong ni Sarah ang mommy ni Louise malungkot itong yumakap sa kanya.
"Sarah please understand Louise, I know you gonna make it after all, your the one she needed"
"Thank you po sa tiwala"
Buong pagmamahal syang tinitigan ng mommy ni Louise.
Matapos ang lahat ay mag-isang nagpahinga si Sarah sa kwartong dapat ay tinulugan nila bilang bagong kasal.
BINABASA MO ANG
The Ex-Wife
Romance"You've tricked me Sarah, enough of this drama, hindi ikaw ang mahal ko kundi si Ava" nagbabaga ang mga tingin na pinupukol sa akin ni Louise 10 years ago, she doesn't the same girl who promised me that when she got home we will married. I love her...