"Today and always, beyond tomorrow, i need you beside me, always as my friend, lover and forever soul mate.."
~~~Natigil ang paghalik ni Louise sa akin ng marinig ang door bell bahagya itong napasinghab dala ng matagal na pinagsaluhan naming halik. Kumunot ang noo nito bago haplusin ng hinlalaking daliri nito ang labi ko.
"We will continue this... just stay here" matapos nito ay nagmamadali itong tumungo sa main door mabilis ko namang kinuha sa sala ang envelope.
Natigil ako sa paghakbang papasok sa sariling kwarto ng marinig ang boses ni Ava. Mula sa kinatatayuan ay nagsisising nilingon ko ang dalawa ng makita ang pagpulupot ng mga braso ni Ava sa batok ni Louise at angkinin ang labi nitong kanina lamang ay nakadikit sa labi ko.
Sumikip ang dibdib ko kaya pinili kong isara ang pinto at i-lock ito ayokong makita kung paano gawin ni Louise kay Ava ang ginagawa nito sa akin. Humigpit ang pagkakahawak ko sa envelope na hawak habang pinapakalma ang sarili.
Takot. Natatakot ako kung ano ang kahihinatnan ng pagbubuntis ko lalo na hindi talaga malinaw ang namamagitan sa amin ni Louise.
Sila parin ni Ava at hanggang ngayon sa papel lang kami kasal ni Louise.
Nanghiginang napahiga ako sa kama at pinagmasdan ang singsing na pendant ng kwintas ko.
A promise ring.
Tuluyang bumagsak ang mga luha ko ng mapagtanto ang kinalalagyan na sitwasyon ko. Alam ko namang darating ang panahon na magsasawa sa akin si Louise at hihingiin ng tuluyan ang divorce. Mapait akong napangiti hindi ko alam ang dapat gawin.
Pero isa lang ang hinihiling ko na sana panindigan ni Louise ang anak namin kung sakaling malaman nya ang tungkol rito.
Napagpasyahan kung maligo mainam daw ito sa nagdadalang tao ngunit hindi na ako nagbabad pa pinili kong magsuot ng oversize t-shirt at underwear nalang sa ibaba. Dahil hindi pa ako dinadalaw ng antok napagpasyahan kong uminom ng gatas pumunta ako ng kusina para magtimpla kasalukuyang hinahalo ko ang tinitimplang gatas ng sumulpot si Ava sa likuran ko.
"Hindi makatulog" nagpakawala muna ako ng malalim na hininga bago harapin ito.
Parang natuklaw ako ng ahas ng makita ang ayos nito suot nya tanging ang itim na damit ni Louise kanina ang tumatakip sa katawan nito. Magulo rin ang buhok nito at halata ang pagkalat ng pulang lipstick sa labi.
"Louise was very wild on her bed that's why I really feel drained" binunggo nito ang balikat ko bago tumungo sa kinalalagyan ng ref tumuwad pa ito ng kaunti para ipakitang wala itong saplot sa ibababa.
"Sweet dream Sarah" pahabol nito sa akin bago lagpasan ako nito dala ang tumbler papunta muli sa kwarto ni Louise.
Pabaling-baling ako ng pwesto sa kama marahil ay epekto narin ito ng kaalaman na nasa kabilang kwarto lamang ang dalawa at baka sa oras na ito ay nasa kalagitnaan na ng... hay basta nakakainis at ayoko ng isipin pa.
Natigil ang muling paglipat ng katawan ko pakaliwa ng saktong bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang babaeng napakaharot.
Binigyan ko sya ng isang matalim na titig at padabog na umalis sa hinihigaan at walang lingong pumasok ng banyo sa loob ng kwarto ko. Inaasahan kong wala na sya matapos magtagal ng isang oras sa banyo na walang ginawang iba kundi ang mag-isip ng mga bagay-bagay.
"Bakit andito ka?"
"Masama bang nandito ako"
Nakahiga ito sa kama ko habang yakap ang unan ko.
BINABASA MO ANG
The Ex-Wife
Romantiek"You've tricked me Sarah, enough of this drama, hindi ikaw ang mahal ko kundi si Ava" nagbabaga ang mga tingin na pinupukol sa akin ni Louise 10 years ago, she doesn't the same girl who promised me that when she got home we will married. I love her...