Z&S: how they celebrated the valentine's.

362K 14.7K 9.1K
                                    

I added a link of an original song composition by Kyle Antang for Hold You Accountable. Thank you, Kyle!

not an official special chapter
Z&S: how they celebrated the valentine's.

happy valentine's !

"Zaf, stop reading. Baka lumabo mata mo." saway ni Sath habang nagmamaneho.

I pursed my lips, sinara ko ang binabasa kong reviewer para sa finals sana namin. Inihilig ko ang aking ulo sa headrest bago nagpakawala ng isang buntong hininga.

"Baka makalimutan ko e."

"Inaral mo naman 'di ba? You probably won't forget it, may tulog ka na ba? You want me to park up, para magkaroon ka muna ng idlip?" tanong niya, eyes still on the road.

Ngumiti naman ako. It's been years, huh? Nagtagal siya sa akin? Kahit para bang wala pa sa kalahati ang kaya kong ibigay sa kanya?

"Zafi?"

"Ayoko na mag-aral." I replied.

Kolehiyo lang pala ang makakapagpatigil sa kasipagan ko, pinatagal niya pa edi sana hindi na ako napagod no'ng senior highschool at junior highschool. Nakipag-chinese garter na lang sana ako sa labas ng school no'ng elementary. At di na ako nangolekta ng stars sa kamay no'ng kinder.

"Kulang ka na nga sa tulog," Sath chuckled and gradually shook his head.

"Kiss mo na lang ako para magising ako," pangaasar ko sa kanya. Agad naman na namula ang kanyang tenga. Cute.

"Kaya inaasar ako ni Iscalade kung bakit daw tinted ang kotse ko," he grinned. "Ayoko naman puyatin ka sa gano'ng paraan. Magpahinga ka muna."

"Gusto ko lang naman yumaman. Bakit kailangan pang mag-aral?"

"Ikaw ba talaga 'yung girlfriend ko?" he chuckled.

"Totoo naman e. Gusto ko lang naman maging mayaman." I laughed, heartily. "Magkano ba magiging sweldo mo? Aasawahin na lang kita, di na ako maga-aral."

Sath pursed his lips and grinned. Lumingon siya sa akin, his brown eyes met mine and it felt like the first time. Kung paano ako halos matulala sa kan'ya noon, gano'n pa rin naman hanggang ngayon.

"Paano kung ganito na lang? Maga-aral ka, pero aasawahin mo ako. Pwede naman 'yata 'yon?" malambing niyang saad.

"Hindi na rin masama," sakay ko sa kanyang sinabi. Pinikit ko na ang aking mga mata, pinadaloy ang antok sa aking sistema.

Sarathiel never failed to make me feel at ease, to not pressure myself and always remind me to take a rest. Sa kan'ya ako nahihimbing at sa kan'ya ko lang kaya magpahinga nang ganito.

Naalimpungatan ako nang maramdaman ko ang haplos ni Sath dahil sa inaalis niya ang mga buhok na naging sagabal sa aking mukha.

"Hi..." I yawned. "Anong oras na?"

"Isang oras ka lang nakatulog. Okay na ba 'yon? Or do you want to sleep more?" tanong niya.

"I'm okay..." napatingin ako sa nangangamoy na kape. "Bumili ka ng kape?"

"May malapit na coffee shop kaya naisipan ko na bilhan ka muna. Although, hinay hinay ka lang sa kape..."

Hold You Accountable (Published) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon