Kabanata 37

308K 13.2K 7.1K
                                    

Kabanata 37

"Gloves and hairnet, huwag kalimutan para sa sanitation." Paalala ko sa mga kagrupo ko.

Paulene nodded her head. "Yes po! Buti na lang kagrupo natin si Gio, sa dami ng kaibigan niya sa ibang strands di tayo mahihirapan mangdarag para bumili sila saatin."

It was the week I was waiting for — it was our foundation week. It means we'll be having stalls for our specialized subjects. Isa lang ang gagawin namin pero halos lahat ng specialized subject ay involve rito.

We decided that our stall or business should focus on food since it's really easy to sell it during foundation. Syempre, marami ang takam na takam tumikim ng ibang putahe bukod sa pagkain na ginto sa mga cafeteria sa school.

"Hi, bukas na po ba kayo?" A Med student based on his uniform asked.

"Hindi pa po," I answered while wearing the hairnet.

Masyado pang maaga.

"Ikaw si Zafirah, 'di ba? Crush ka kasi ng kaklase namin..." the Med student nudge someone beside him. Kanina pa ito hindi tumitingin sa direksyon ko.

Sasagot na sana ako nang may naramdaman akong presensya sa likod ko. Inayos nito ang ilang hibla ng buhok na nakatakas sa pagkakapusod ko ng buhok ko.

Sarathiel greeted me. "Morning, Zaf." then he look towards the guys who were infront of our stall.

"Crush mo girlfriend ko? Bili ka sa kanila mamaya." Ngumisi si Sath sa mga lalaki.

"Ah 'tol, nice..."

"Sige, una na kami."

Umalis na rin 'yung mga lalaki. I can't help but laugh and turn towards Sarathiel.

"Sakitin ka ba? Bakit lapitin ka ng mga magd-doktor?" Sarathiel furrowed his eyebrows.

"Sayang 'yon, baka di na sila bumili sa amin mamaya."

Sarathiel scowled. "I'll buy their share in your target market for your profits."

"Nice! May alam sa business!" I tease him.

"May Entrep din kami." Mayabang na sabi ni Sath.

I pinched his cheeks and he pouted like a child.

"Manonood ka ng battle of the bands mamaya? Nandoon si Iscalade."

"Malaki na siya, kaya na niya 'yon. Magbabantay na lang din ako rito."

"Ano ka? Security guard? Wala pa kaming kita, di ka pa namin afford."

"I can work for free!" parang ewan si Sarathiel na pinagpipilitan ang sarili sa stall namin.

"Inggit ka? ABM ka?" pangaasar ko.

He groaned, obviously pissed because he has nothing to do.

"Nope, enjoy the foundation week. Kayo nga 'yung halos walang gawain." I told him.

GAS and STEM are actually the ones who makes the most of it. Ang TVL at ABM ay busy sa mga stalls na tinayo nila samantalang meron namang film showing ang mga HUMSS.

"Anong oras ba out mo?"

"Morning shift ako e," sagot ko.

Maghahati kasi kami sa oras ng mga kagrupo ko dahil hindi naman buong week ang pagbebenta namin, halos tatlong araw lang naman.

"So, you're free in the afternoon?"

"Yup. Huwag mo ako masyadong ma-miss." Ngiti ko sa kanya.

"Alam niyo hindi naman matamis 'yung product namin pero bakit maraming langgam? Baka mabawasan pa tayo sa grade dahil dito." Gio said, while having a blank expression.

Hold You Accountable (Published) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon