Kabanata 6

344K 17.4K 20.1K
                                    

Kabanata 6

I made sure I was prepared for the SciMaTech quizbee. I sacrificed a few hours of sleep to review previous lessons.

Pero bakit wala akong masagot ngayon?

It was probably because most of the questions were from Junior High! We focused on our current lessons that we forgot to review about the previous lessons from the previous years of our school!

Sarathiel did make sense, hindi nga talaga advisable ang mag-review sa quizbee na ganito! Nakaka-dismaya lang kapag wala ang mga binasa mo.

"What's the hottest color in the E-M Spectrum?" tanong ni Gio.

"ROYGBIV ba 'yan?" Adren said.

"Ano 'yung V?" I asked.

"Ultraviolet?" tanong ni Gio, obviously confuse with his own answer.

Nasa isang table kaming tatlo. Tatlong participants bawat section. Magkakalayo 'yung mga table namin. Pero kitang-kita ko si Sarathiel, Czanne tapos 'yung isang lalaki na kanina pa naka-ngiti.

I know they have an edge on this quizbee but I tried my luck studying some concepts for the SciMaTech. Pero wala ni isang lumabas!

"What does HTTP stands for?"

"What the heck, WWW lang alam ko."

"Did any one of you had an ICT class?" tanong ni Adren.

Umiling kami ni Gio. The questions were easy if only we knew more about terminologies in technology. Napabuntong-hininga si Adren.

"Skip na lang natin," sabi ni Adren.

"Naka-ilang skip na tayo! Wala pa nga sa lima nasasagutan natin e." Reklamo ko.

We decided to skip a few questions, tumataas ang altapresyon ko sa bawat numerong hindi namin nasasagutan. I was tapping my pen on the table nervously. Hindi mapigilan ang sarili na tumingin sa orasan. Napapikit ako dahil ilang minuto na lamang ang natitira.

"Oldest bank in the Philippines?" Gio asked.

"BPI! Bank of the Philippine Islands." I answered, confidently.

"Yes! May sagot na rin tayo." Humalakhak ni Gio. Napatingin tuloy sa kanya 'yung iba namin kasama sa quizbee.

Yumuko naman ako sa hiya.

Bakit kasi ang lakas tumawa nito? Isipin pa nila nadadalian lang kami sa mga tanong e!

They allocated one hour for us to answer these questions. Hindi namin namalayan na ilang segundo na lang pala ay tapos na 'yon.

"Pencils up!" sigaw nung Proctor. Leche.

I groaned, feeling dejected. Tinaas namin ang mga lapis sa kamay namin kahit kulang pa ng tamang sagot ang papel ng aming grupo.

For forty questions, sampu lang 'yung sure na sagot namin. I went out of the room, feeling dejected.

Hindi naman siguro ako tataasan ni Sarathiel 'di ba? Goodness, I just wanted to make him a slave for a day. Gusto ko lang naman siya utus-utusan!

After we packed up, I decided to go home since our class is already done. Naramdaman ko ang presensya ng isang tao sa aking likod.

"Hi alipin," sumulpot si Sarathiel sa gilid ko.

I rolled my eyes at him. "Feeler mo. Wala pa 'yung scores, huwag ka mag-assume."

Napatigil ako sa paglalakad.

"What does HTTP stands for?" tanong ko sa kanya.

I'm testing if I have a chance. Malay ko ba kung nahirapan din siya?

Hold You Accountable (Published) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon