Kabanata 1
"Dora!"
Napatigil ako sa paglalakad nang may tumawag saakin sa pangalang hindi ko alam saang lupalop ng mundo nila nakuha.
Binatuhan ko ito nang masamang tingin.
"Loko talaga 'yung mga STEM 1 'no? Hanggang ngayon Dora pa rin tawag nila sa'yo." Bea said while I frowned.
Akala ko tatantanan na nila ako pagkatapos ng pangyayari na 'yon. Pero hanggang ngayon ay tinatawag nila akong Dora dahil explore raw ako nang explore.
Hindi ba sila maka-move on? Matatapos na ang first semester pero gano'n pa rin ang tawag nila sa akin!
"Sana nahanap mo na si The Map!" nagtawanan pa ang mga tangkay.
"Duda ko 'yung lalaking nakatabi ko 'yung may pakana e," I sighed and continued our walk to our classroom.
"Zafi, kilala mo na ba 'yun?" Bea asked, pertaining to the guy I sat beside with.
Umiling ako. "Hindi pa at wala akong balak kilalanin dahil baka ma-stress lang ako."
Katatapos lang ng lunchbreak at paakyat na kami ni Bea sa room namin. I can't believe that I got lost during the first day. Ang lapit lang pala ng room ng ABM 1! The buildings were also named after famous figures in their respective fields. Pero madalas ay sa strand na lamang ito tinatawag.
When we were in front of the door, I noticed my classmates laughing with each other. Nakikita ito dahil gawa sa salamin ang mga bintana sa school namin.
Nakapaskil sa harap ng pinto namin ang schedule namin. Para sa first semester, puro lang kami core subjects. Bale, ang core subjects ay mga subjects na required kunin ng lahat ng strand.
I thought Senior High will look like college but so far it still looks like it's highschool. Nakakapanibago lamang ang mga subjects at pagkakaroon ng iba't ibang strand pero halos highschool pa rin naman talaga siya. The subjects or courses as they prefer to say are just a lot harder.
Pagkabukas ko pa lang ng pinto, rinig na rinig ko na kaagad ang maiingay kong mga kaklase. Contrary to popular belief, maingay sila dahil nagkukulitan at hindi lang dahil sa acads.
Lahat kasi ng ibang sections, ang tingin sa ABM 1 ay seryoso at matatalino.
I rolled my eyes because that's far from the truth.
Napaka-fake news.
Mababait naman mga kaklase ko pero competitive nga lang sila. I find that good actually because I was competitive myself.
Iba naman kasi talaga kapag Senior highschool ka na. Hindi ka na pwede magpetiks-petiks dahil may mga college schools na bumabatay sa performance mo sa senior high.
It is, after all, a preparatory step for college. You'll see here if you're really inclined for your future career. I was really hoping that accounting is for me. Gusto ko talaga maging-CPA.
I'm not smart like I was born with an IQ that matches with Eistein. Pero masipag ako mag-aral at nataguyod ko naman ang mga grades ko noon hanggang ngayon gamit lamang ng pagsisikap.
If you don't know it then know it. Sinanay ko ang sarili ko na palaging mag-aral kahit walang exam. Hindi ako nadadaan sa stock knowledge. Aanuhin mo ang stock knowledge kung wala ka namang knowledge in the first place?
"Anong sunod na subject?" tanong ko kay Bea.
I opened my phone to check it because my lockscreen was our schedule. It's really helpful in Senior Highschool when you know your sched.
BINABASA MO ANG
Hold You Accountable (Published) | ✓
Teen Fiction(PUBLISHED UNDER Bliss Books AND Flutter Fic) seniors series #1 A Senior Highschool series. complete [unedited] 1# NBS Bestseller [August 2024] Madali lang daw ang maging honor student. You just have to mix intelligence, perseverance and start being...