Kabanata 16

351K 17.5K 17.4K
                                    

Why Don't We - 8 letters

Kabanata 16

I celebrated Christmas and New Year in Batangas. I tried greeting Sath but apparently Iscalade still has his phone. Ayoko naman ma-stress kapag si Iscalade ang textmate ko.

Kaya naman nang magpasukan na ulit. I was excited to make preparations for our field demo. Tuwing may ganito kasi na event, 'yung mga gawain namin sa ibang subjects ay binibigyan ng mas mahabang deadline.

Sa library ay nagkaroon kami ng meeting para sa foundation week at sa field demo. Sinimulan ko ang paguusap tungkol sa mga balak ko para sa mismong field demo.

"Mira, nakuha na ba 'yung mga pera bawat section?" panimula ko. Agad namang tumango si Mira sa'kin. She's from ABM section 2. Siya ang naatasan sa treasury.

"Mamimili kami sa Divisoria na lang para mas mura. Pagkatapos naman kasi nito ay itatapon lang o kaya itatambak sa storage room 'yung props."

"Kailan?" tanong ko.

"Probably after class." She lifted the paperbag that contained the money she collected. Mukhang mabigat ito dahil may mga baryang tumutunog nang alugin niya ito.

"Sige, sasama ako para mas ma-budget natin 'yung pera." I told her as I nodded my head.

Lahat kasi kami ay pinagbayad para sa props ng field demo. Since it's for the strand, marami naman ang nalikom na pera para sa fund ng ABM.

I showed them the draft that the designer created for the background. Tumulong naman ako pero syempre mas may maalam sa akin pagdating sa pagguhit kaya naman pinaubaya ko na ito sa kanya.

Ang theme namin ay umiikot sa pera, business at ABM itself. The ABM coordinator agreed with my idea.

"Bibili tayo ng paper money tapos ididikit sa t-shirt," I instructed. "Sa backdraft naman, lalagyan natin ng mga building."

"Noted, Zafi!" Mira nodded and took down notes. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Make sure every dancer have a corporate attire, ha. If wala, hiraman sa ibang section."

Most of the ABM leaders from each section agreed. There are 5 sections per strand. Wala naman masyadong naging pagbabago sa ginawa kong plano. I don't know if it is because we don't know each other that much, kaya nahihiya silang magbigay ng opinyon o talagang maganda na ang plano ko. I'm hoping for the latter.

Matapos ang meeting ay dumiretso na ako pabalik sa classroom. I was massaging my nape, nakakangalay pala ang posisyon ko kanina habang nasa meeting. Nakaramdam ako ng presensya sa likod ko.

"You're very hands on," lumapit sa'kin si Ade. "Pinupuri ka ng mga nasa ibang section. Pakiramdam din nila malakas ang laban natin kumpara sa ibang strand."

Ngumisi ako kay Ade. "Thanks!"

That brings warmth to my heart. Kahit naging busy ako habang nasa bakasyon ay talaga namang binigyan ko ng atensyon ang paggawa ng plano para sa field demo.

"Kaya pala siniseryoso ni Sarathiel itong field demo e." He chuckled.

Speaking of Sath, kailan kaya kami mag-uusap? Miss ko na 'yung crush ko. Pero tatalunin muna namin 'yung strand nila.

Ngumuso ako at lumingon kay Ade.

"Nakakausap mo si Sath?" I decided to ask Ade.

He shook his head. "Hindi, he's really busy these days. Iscalade also has his phone — and I don't want to talk to Iscalade."

It was my turn to laugh. "Same. Sumasakit ulo ko kapag kausap si Iscalade."

Gio was one of the dancer so we don't talk often. Melay and Bea are both propsmen too but since I'm the head, I mostly do the work with other leaders.

Hold You Accountable (Published) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon