The Forgotten Pain: 2Yeon part 2
He invited her to a nearby café after getting the groceries. "Kumusta ka na?" tanong ni Rio. "Okay naman ako. Masaya--" his smile immediately dropped as he remember that he's not that happy. "Oh bakit?" takang tanong nito. "Ah wala wala, okay lang ako. Ikaw kumusta? Nasa customer service ka pa rin ba?" balik tanong niya.
"Ah hindi na. Nag open ako ng shop malapit dito. Bake Shop. Daan ka paminsan minsan." sabi nito. "Nako sorry, sana pala sinabi mo agad para hindi kita dinala dito." sab ni Jeong na ikinatawa nito. "Nako okay lang. Paboritong café ko rin to kaya okay lang." sabi nito. She leaned slightly forward and whispered, "mas masarap ang pastries ko kesa rito"
Natawa naman si Jeongyeon. Somehow, he finds her cute with that. Rio became more beautiful today after many years. Her bob cut hair suits her, she's tan now too and her smile remains.
Napailing si Jeongyeon sa naisip. Bakit ba niya pinupuri si Rio? Nakalimutan niya atang naging sanhi siya ng muntikang hiwalayan nila ni Nayeon.
"Masaya ako na nakita kita ulit. Sa pictures nalang kita nakikita saka si Ms Nayeon at ang anak niyo." sabi nito. "Ah.." usal niya. "Nga pala, ilang taon na pala ang anak niyo saka anong pangalan niya?" tanong nito. "Yeon. Her name is Yeon and she's three." he answered.
"Yeon...ahh.. Nayeon and Jeongyeon. So cute." nakangiting sabi nito. "E ikaw? Wala ka pa bang balak mag asawa?" tanong niya. "Nako, focus muna ako sa work. Saka na yan, pero pag dumating why not?" sagot niya. "Nako, darating rin yan." makahulugang sabi ni Jeongyeon na ikinangiti nito.
"Sana nga...sana.." sabi niya lang.
~
"Sige mauna na ako. Salamat sa libre." paalam ni Rio. "Wala yun. Bibisitahin ko nalang ang shop mo pagka-nagkaoras ako." sabi niya. "Salamat. Aabangan ko yan." sabi ni Rio saka kumaway at naglakad palayo. But Jeongyeon is contemplating.
Hindi pa nakakalayo si Rio ay tinawag niya ito at tinakbo ang pagitan nila. "B-bakit?" pagtataka ni Rio. Nilabas ni Jeongyeon ang cellphone saka ibinigay kay Rio. "Pwede ba makuha number mo?" tanong niya. "Ahh. Sure. Yun lang pala." agad tugon niya saka itinipa ang numero.
Binigay ito sa kanya saka nagpasalamat. He just found himself smiling while driving. Whistling like crazy bachelor that had a blast night! Hindi niya namalayan na malapit na siya sa bahay nila kaya naman binagalan niya ang pagmamaneho.
The subdivision they're living is Nayeon's decision. Dahil inuuna niya ang safety ni Yeon ay napagdesisyunan nilang tumira sa mahigpit na seguridad na bahay. Ngayon niya lang narealized na sa tatlong taon nilang pagsasama, puro desisyon ni Nayeon ang nasusunod.
Her moods are crazy so Jeongyeon submits to her. Their role switched and he feels twisted. Ayaw niya man ay wala siyang magawa. This is the life he chose.
"Daddy!!!" rinig niyang sigaw ng anak niya pagkalabas niya sa sasakyan. Agad niya itong nginitian ng malawak at binuhat. "Daddy, ang tagal mo.."nakasimangot na sabi nito. Jeongyeon laughed and kissed her cheeks. "Sorry na boss. Daddy bought a lot." pagtatanggol niya sa sarili niya.
"Did you buy me chocolates!?" naeexcite na tanong ng anak. "Nope. Diba sabi ni mommy iiwas muna sa sweets?" tanong niya. "But....mommy's not here. Please daddy..." she cutely said. Jeongyeon felt defeated because of her cuteness. "How can I resist you, princess?" he asked.
Masiglang bumaba si Yeon sa pagkakakarga sa kanya saka tumalon talon. "Yey!!!" sigaw nito. "Papasok ko lang sa loob ang pinamili ko ha. Then I will give you sweets." nakangiting sabi nito at agad namang tumango si Yeon. Binuhat niya lahat ng pinamili at ipinatong sa mesa.
Nangalkal agad si Yeon ng pagkain at bilang kunsintidor na ama, binigay nito ang chocolate sa anak at saka pumunta s aliving room. Iniwan niya ang mga nagkalat na groceries sa kusina at nanood kasama si Yeon. "Daddy, secret lang natin ito kay mommy ha?" pilyong sabi ng anak at kumindat naman siya.
Naubos ni Yeon ang isang chocolate bar nang hindi namamalayan ni Jeongyeon dahil tutok ito sa cartoons na pinapanood nila. Nagulat nalang siya nang makitang papalapit sa kanila si Nayeon na hinilot ang sintido. Napatayo siya sa pagkakaupo at kinakabahang nilapitan ito.
"H-honey...ang aga mo yata?" tanong niya. Bumuga ng marahas na hininga si Nayeon at walang sabi sabing pumunta sa kusina at inayos ang groceries. Parang napagalitan na bata si Jeongyeon na sinundan si Nayeon. Hindi siya nito pinansin at inayos lamang ang mga ito papunta sa cupboards.
"Honey...magsalita ka naman." kinakabahang sabi niya. Masamang tinitigan siya ni Nayeon kaya napaatras siya. Kelan pa naging katakot takot ang asawa niya? "Gusto mo ba talagang magsalita ako?" nagbabantang tanong nito. He hastily nodded his head and Nayeon looks so tired.
"I clearly told you last night...Yeon isn't allowed to eat sweets. Gusto mo bang masira ang ngipin niya? And this!" inis na sabi niya saka tinuro ang nagdadamihang plastic sa mesa. "Ayusin mo naman. I know you did the groceries...pero pakilagay naman sa lagayan nila." sabi ni Nayeon.
Nakatitig lang si Jeongyeon rito. He did realized that the one he married is different from what she was before. Yes, Nayeon is a lil bit nagger before but..this is too much for him. Pero wala siyang magawa kundi magsabi ng "Sorry, di na mauulit."
"Sa susunod ako na ang gagawa nito. I'm sorry that I made you do this" sabi nito saka pinagpatuloy ang pag aayos s amga iyon. Hindi niya alam kung sincere ba ito sa pagkakasabi o nawalan siya ng pasensya. Bagsak ang balikat na pinuntahan ang anak saka pinunta sa banyo para magtoothbrush.
Bakit ba nagkakaganito siya? Normal lang bang makaramdam ng pagsasawa kahit hindi pa kayo ganun katagal na mag asawa? Is his love fading because she's too busy?
Jeongyeon found himself in front of Rio's café....
To be continued....
YOU ARE READING
The Forgotten Pain
Fanfiction[COMPLETED] After marriage, you tend to forget your vows to you partner. As time passes by, Jeongyeon felt this loneliness in his heart after Nayeon started to get busy of her career. He is longing for his wife's hugs and comfort. He misses her so m...