6

163 5 0
                                    

The Forgotten Pain: 2Yeon part 6

After days, hindi na nila halos makita ni Jeongyeon ang asawa. Kapag umuuwi ito ay tulog na sila, at paggising nila, wala na ito. Hindi niya naman magawang pagsuspetsahan ang asawa dahil masyado itong busy sa career kesa magloko.

Sa bawat umagang gigising siya, may nakahanda ng agahan para sa kanila. Tuwing maliligo si Yeon, may nakahanda ng damit nito. Laging may listahan ng mga bibilhin na nakadikit sa ref. The house is neat everyday.

“Daddy, gusto ko lumabas.” sabi nito. “Saan mo gustong pumunta?” tanong niya. “Uhm….ikaw na bahala daddy. I just want to go outside and play with other kids.” di nakatinging sabi nito. “Okay. Let’s go to mall.” aya niya. Natuwa naman ang bata saka tumakbo papunta sa kwarto nito.

Sumunod siya rito at pinalitan ng maisusuot. After few minutes, they’re already at the car. He made sure that she was seated on the carseat. Kahit na 4 years old na ito ay rule pa rin ni Nayeon na umupo ito sa car seat.

~

Jeongyeon made her play with others at the kids café. Naglalaro nalang siya sa kanyang cellphone habang naglalaro ang anak. Halos lahat ng kasama ng mga bata rito ay mga nanay nila, nag iisa lang siyang daddy. He’s very awkward talking to them. Mag isa lang siya sa labas ng café habang abala sa cellphone.

“Jeongyeon?”

Napalingon siya sa pamilyar na boses na ito at nakita si Rio na may bitbit na paper bags. “Oh Rio.” sabi niya saka tumayo. Nakangiting pumasok si rio sa mini gate at nilapitan siya. “Hi, ano pala ginagawa mo rito?” tanong nito. “ahh, kasama ko si Yeon. Nasa loob siya naglalaro.” sagot niya.

“Talaga? Kasama mo siya? Can I see her?” magiliw na tanong nito. “Oo naman, halika.” aya niya at saka pumasok sila sa loob. “Yeon.” tawag niya sa anak. Agad namang lumapit ito sa kanya at niyakap ang mga binti. “Daddy!!!!” bungisngis na sabi nito.

Magsasalita na sana si Rio nang nagsidatingan ang mga kalaro nito. “Yeon! Siya ba ang mommy mo? Buti andito na siya.” sabi ng batang babae. “ang ganda ng mommy mo ah!” sabi naman ng batang lalaki. Kunot noong tumingin naman si Yeon kay Rio.

“She’s not my mom! Mas maganda ang mommy ko!” sigaw nito sa mga bata. “Yeon…that’s bad. Don’t shout at your playmates.” sabi niya. Yeon started to to cry. “But daddy! Hindi naman talaga siya ang mommy ko. Mommy’s a model and so pretty!” she said while sobbing.

Hinarap nito ang mga kalaro. “That’s my mommy!” sigaw nito sa mga ito sabay turo sa isang standee ni Nayeon sa katabing boutique. Pati si Jeongyeon ay tumingin sa gawi ng tinuro ni Yeon at nakita nga niya ang standee ni Nayeon. She modeled that boutique’s clothes and jewelries.

Pinatahan ni Jeongyeon ang anak at humingi ng tawad kay Rio. “Wrong idea yata na nagpunta ako rito.” sabi nito. “Hindi, ano ka ba, hindi mo naman alam na ganito ang mangyayari e.” sabi niya. “baby girl, she’s Tita Rio. She’s daddy’s friend.” paliwanag niya.

Pasinghot singot ang bata habang nakatago ang mukha sa dibdib niya. “Remember the star shaped pastry you tried last time? She made it. Diba nagustuhan mo yun?” sabi niya. Nakuha naman nito ang atensyon ni Yeon at tumingala para tingnan siya. “Really?” tanong nito. Tumango naman si Jeongyeon.

Tumingin si Yeon kay Rio. “I’m sorry tita…..” she apologized. “It’s okay. Tama ba yung narinig kong nagustuhan mo yung binigay ko for you?” magiliw nitong tanong. Tumango lang si Yeon at pinunasan ang luha. “Gusto mo pa bang makatikim ng iba? I have a shop nearby. Do you wnat to come?” she asked interestingly.

Tumango tango si Yeon at bumalik ang sigla nito. They have decided to go to Rio’s bake shop. Yeon enjoyed her day with Rio. Tinuruan siyang magbake. Kahit simpleng magmix lang ng dry and wet ingredients ay panay ang hagikgik niya. She was eager to learn.

Jeongyeon just smiling while watching the two. That’s what Nayeon should do with their daughter. She barely had time with them. Hours had passed and they needed to go home. Sumama si Rio papalapit sa kotse nila. After puttingYeon to her seat, he went straight to Rio.

“Thank you ha, sobrang saya ni Yeon.” sabi niya. “Wala yun, ano ka ba. Napakagandang bata, nakakagigil e” tumatawang sabi niya. Jeongyeon just stared at her and her laughing face turned into a serious one. Jeongyeon, unconciously hugged her.

An unfamiliar but sweet hug from Rio….he felt alive and young. Those blinding feelings will soon to ruin them if he continue to look for them towards Rio.

To be continued..

The Forgotten PainWhere stories live. Discover now