Chapter 22 (part 2) : End and Beginning

1.2K 33 7
                                    

Julienne's POV...

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni Sab kahit na nasaktan ako sa sinabi niya. Wala naman na akong magagawa kung bumalik na sa kanya si Gino e. Atleast hindi ko pa naipagtatapat sa kanya ang nararamdaman ko. Mabuti na lang at nangyari ito. Dahil kung hindi, baka napahiya na ako.

Inalalayan ako ni Gaby papunta sa hall. Hindi ako nagsasalita kahit na tanong siya ng tanong sa akin. Ang gusto ko lang. Umuwi. Ayoko ng makita pa ang mga susunod na mangyayari.

"Friend. Kailangan mong makita kung ano ang pinagkakaguluhan nila sa loob." Sabi sa akin ni Gaby. Hinatak niya ako papunta sa hall pero pinigilan ko siya.

"Ayoko na. Gusto ko ng umuwi. Pagod na 'ko." Pagtanggi ko sa alok niya.

"Hindi pwede. Kailangan mong makita ito." Hindi na ako nakatanggi sa kanya.

Tahimik na ang paligid sa labas pa lang ng hall. May mga iilang nagsasalita pero hindi ganun kalakasan. Pagpasok namin ng hall, nagulat na lang ako nang makita ko kung ano ang nasa malaking screen sa stage.

Ako, habang pinagpepyestahan ng mga kaschool mate ko. 'Yung binuhusan ako ng tubig mula sa basurahan, tinulak tulak ng mga babae, 'yung nauntog ako sa pader, nadulas sa sahig, lahat ng nangyari sa akin nasa screen. May pinakita pang ilang video clip kung saan naroon si Sab at 'yung mga alalay niyang babae. Pati na rin mga ilang kalalakihan na kausap niya.

"That's not true! Stop that fucking bullshit!" Rinig kong sigaw niya sa harapan. She even threat the manipulator of that na nasa gilid ng stage pero hindi nito sinunod ang utos sa kanya. Nakita kong nasa harapan rin si ang administrator at pinapanood ang videos. May mga nagbubulung-bulungan na rin akong naririnig at may mga napapansin na 'kong iilang mga mata na nakatingin sa akin. Habang ako, tahimik lang na nakatayo sa likuran katabi ni Gaby.

Patuloy pa rin sa pagsigaw si Sab at pagdedeny na hindi siya ang may pakana ng mga 'yun pero walang nakikinig sa kanya.

Hanggang sa may lumabas na apat na kalalakihan sa stage kasama ang tatlo pang lalaki na nakatali. Natahimik muli ang paligid.

"Ngayon, sabihin niyo sa lahat kung sino ang nag-utos na sa inyo na iutos ang mga kawalanghiyaang 'yan." kalmadong utos nung isang lalaki.

Pero wala silang nakuhang response mula sa mga lalaking nakatali.

"Inuulit ko. Sabihin niyo sa amin kung sino ang nag-utos sa inyo!" pasigaw na sabi nung isang lalaki.

"Hoy! Hindi naman ikaw yung nagsalita kanina e! Anong inuulit ka dyan?!" Singit nung isang lalaki. Pffft! Seryoso ba talaga sila? At alam kaya nilang mga naka mic sila? May mga natawang iilang estudyante dahil sa narinig nila.

Lunapit naman yung isa pang lalaki na may hawak na kung ano at itinaas ito. Bigla namang nagsalita yung tatlong lalaki.

"Aamin na po!! Si Ms. Sabrina po nag-utos sa amin!" Sabay-sabay na sabi nung tatlong lalaking nakatali.

"Hahahahahaha! Bakit kayo umamin agad?! Magseselfie pa nga tayo e!" Sabat naman nung isa pang lalaki.

Teka! Parang kilala ko sila ah!

Rinig kong muli ang mga sigaw ni Sab. Pilit pa rin niyang dinideny na wala siyang kinalaman sa mga nangyari.

Sa ngayon, hindi iyan ang inaalala ko. Kundi si Gino. Kanina pa ko palingon lingon sa paligid at hinahanap siya. Pero bigla na lang din sumulpot sa harapan ang hinahanap ko. Nakatutok sa kanya ang spot light kaya kitang kita siya ng lahat.

"Hey baby! I'm glad you're here! Don't believe them! They're just some stupid idiot who wants to destroy me! Hey babe! Please save me from them." Pagmamakaawa niya rito. Pero nanatiling nakatayo si Gino sa harap. Ngayon alam ko na kung sino 'yung apat na lalaki sa stage. Ang mga kaibigan niya.

I'M HIS GIRLFRIEND!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon