Happy 3k+ reads! Hihi. Love ko talaga mga naga'add ng story ko sa reading list nila e. Enjoy reading. ♡♡♡ At dahil dyan, idededicate ko sa inyo bawat chapter ng story ko. Abangan! Hehe. :D
Here's chapter 17.. ☺
---------------
"Yen, okay ka lang?" Tanong sakin ni Gaby. Naputol ang pag-iisip ko at bahagya akong napatingin sa kanya.
"Hmm. Oo okay lang ako. Medyo may iniisip lang." Sagot ko sa kanya at tumingin ulit sa kawalan.
Break time namin ngayon. Napagdesisyunan namin na dito muna tumambay sa may garden na tinatambayan namin madalas para maiwas sa mga estudyanteng nagbubulung-bulungan tungkol dun sa transferee. Hindi pa rin sila makapaniwala na ang sikat na si Sabrina Faith Louisse Gonzales, ay mag-aaral dito sa St. Gabriel. Yes! Si Sabrina nga! Si Sabrina na nakabangga ko dun sa party na dinaluhan namin ni Gino. Si Sabrina na nakasagutan ko at binuhusan ako ng tubig sa mukha. Haaaay. Bakit ba dito pa niya naisipang mag-aral? Sabagay, andito si Gino e. Pero infairness ah. Hindi naman halata sa kanya na hinahabol niya si Gino.
Oo nga pala. Isang linggo ko ng hindi nakikita yung Gino na yun. Nakakamiss rin pala yung presensya na. Ayyy! Ano ba naman to! Umiling ako at sumandal sa puno.
"Haaaaay!"
"Natatakot ka ba dun sa babaeng yun? Wag ka mag-alala andito lang ako. Uumbagan ko yun kapag sinaktan ka niya. Naku! Siya ang unang makakatikim ng kamao ko. Haha!" Pagbabanta ng baliw kong bestfriend. Napangiti ako.
"Baliw. Di mo naman kailangang gawin yun. Kaya kong protektahan ang sarili ko no. Tska hindi siya ang iniisip ko. Ewan ko nga e. Pero ang bigat lang ng pakiramdam ko. Ewan ko. Haaaay!"
"Baka naman miss mo na si Papa Gino. Uy! Ikaw ah! Gusto mo na siya no?! Pansin ko netong mga nakaraang araw palagi kayong magkasama. Umamin ka nga? Ano ng status niyo ni Gino? Imposible namang wala pagkatapos ka tulungan nung tao."
Alam na nga rin pala ni Gaby ang tungkol sa pagtulong sakin ni Gino. Nahuli niya kasi minsan na magkasama kami ni Gino sa bahay. Hinatid kasi ako noon ni Gino mula dun sa lugar kung saan ako kinidnap kunwari ng mga kaibigan niya. Nagkataon na naghihintay siya sa bahay nung mga oras na yun at sakto pumasok sa bahay si Gino para makiinom ng tubig. Nagulat nga ako ng makita ko siyang nakaupo sa may sofa e. Kelan pa siya natutong pumasok sa bahay ng hindi nagpapaalam sakin? Pero imbis na ako ang magulat ay siya pa ang nagulat samin. Malamang nga naman, nagpapasok ako ng lalaki sa bahay which is very unusual. Very very unusual. At dahil nakita na rin niya kami, kinuwento ko na ang lahat. Pati yung nangyari sa party. Kaya kilala na rin niya yung Sabrina na kinaiinisan rin niya ngayon. Haha.
"See! Miss mo na nga siya. Uyyyy! Ikaw ah! Gusto mo na siya talaga no? Sabagay gwapo naman si Gino. Mabait pa! San ka pa!"
"Sakay na?" Biro ko sa kanya.
"Gagu! Haha. Joke! Hoy ikaw iniiba mo yung topic ah! Napaghahala-"
Naputol ang sinasabi ni Gaby ng may marinig kaming nagsalita na nanggagaling sa mga speaker na nakakabit sa buong campus.
"Paging all students from all courses. Please proceed to the main hall ASAP. Again. Paging all students from all courses. Please proceed to the main hall now." Rinig naming sabi ng administrator mula sa office.
"Bakit na naman kaya? May biglaang program?" Takang tanong ni Gab.
Nagkibit balikat nalang ako dahil kahit ako ay di ko alam ang sagot. Muli naming narinig ang announcement sa speaker kaya tumayo na kami ni Gaby at naglakad patungo sa main hall. Marami ng mga estudyante ang mga nakaupo sa bleachers. Kasalukuyan kaming naghahanap ng mauupuan dahil halos lahat ay okupado na ng biglang may bumangga at dumaan sa gitna namin. Halos matumba kami dahil sa lakas ng pagtulak na ginawa nila.
BINABASA MO ANG
I'M HIS GIRLFRIEND!
RomanceDescribe Julienne.. Isang simpleng babae, independent, scholar sa pinapasukang university at isa ring part time student. Hindi mayaman ngunit pinagkakaguluhan ng tatlong kalalakihan. Si Julius, ang masugid niyang manliligaw. Si CJ, na mabilis niyang...