Unti-unti kong iminulat ang mga mata ng magising ako. Sumalubong sa akin ang madilim na kapaligiran at halos walang katao-tao. Nakatali ang mga kamay ko sa likuran at natatakpan ng packing tape ang bibig ko. Diyos ko! Ano ho ito? Isa ho ba itong prank? Hindi ito nakakatuwa.
Pinilit kong alalahanin ang mga nangyari. Ang natatandaan ko lang, nasa labas ako ng school para hintayin sina Nick at Gaby. May lumapit na SUV na puti at pilit akong kinuha. Kung ganun ang nangyari, malamang.. teka.. kinidnap ako??? Sino namang gagawa sakin no'n? Nagsisisigaw ako kahit na may tapal ang bibig ko at kahit na alam kong wala namang makakarinig sakin. Nagsimula akong magpanic. Pinilit kong tanggalin ang tali ko sa likuran at sa paa ngunit sadyang mahigpit ang pagkakatali sakin. Isabay pa na wala akong makita dahil nga madilim ang paligid. Isa-isang pumatak ang aking mga luha dahil sa kaba. Lord! Ayoko na po dito! Tulungan niyo po ako!
Biglang sumagi sa isipan ko si Gino. Alam kaya 'to ni Gino? Hinahanap niya kaya ako? Ilang araw na ba kasi ako nandito? Sana naman may makaisip na tulungan ako! Patuloy lang ako sa paglikha ng ingay hanggang sa lumiwanag ang paligid. Ipinikit ko ng bahagya ang mga mata dahil sa ilaw at doon ko nalaman na nasa isang kwarto pala ako.
Kasabay no'n ang pagbukas ng pintuan at iniluwal niyon si Sabrina. Bigla akong nakaramdam ng matinding kaba. Anong ginagawa ng babaeng 'to dito? 'Wag mong sabihing siya ang may pakana nito? Isip isip ko. Naglakad siya palapit sakin at sinalubong ako ng ngiti.
"Anong ginagawa mo rito? At bakit ako nakatali? Ikaw ba may kagagawan nito?!" Pasigaw kong tanong sa kanya.
Umawang ang bibig niya para magsalita pero hindi niya itinuloy. Sumibol ang maliit na ngiti sa labi niya. She crossed her arms infront of her chest at mataray na naglakad palapit sakin.
"You know what? I heard that it's your birthday kaya ka nandito." She said while grinning.
"So? Ano namang kinalaman ng birthday ko rito? Pwede ba pakawalan mo na ako rito!" Sigaw ko sa kanya. Wala akong tiwala sa taong 'to. Baka mamaya ano pang gawin niya sakin.
"Didn't you get it? Akala ko ba matalino ka? The reason why you're here is simply because I want to ruin your birthday. I don't want you to be so happy. You know why? Because you don't deserve it. Inagaw mo sakin ang boyfriend ko." Madiin niyang pagkakasabi.
"Hindi ko inagaw si Gino sa'yo! At correction lang, he's not your boyfriend. Iniwan mo siya para sa pangarap mo sa Paris, right? So, hindi mo na siya boyfriend. Wag kang mag-ambisyon!" Sigaw ko pabalik sa kanya.
Tumawa siya ng pagak pakarinig sa sinabi ko. Naglakad siya paikot sa pwesto ko. "Matalas pa rin pala talaga ang dila mo 'no?" Tanong niya sakin.
"Tumatalas talaga ang dila ko sa mga taong walang ginawa kundi manira ng buhay ng ibang tao. Yung mga taong walang magawa sa buhay nila at pati buhay ng ibang tao dinadamay nila. Bakit kaya di ka na lang bumalik sa Paris? Tutal doon ka naman nababagay." Sarkastiko kong sabi.
Tumawa na siya ng malakas this time at muling humarap sakin.
"Well, 'yan naman talaga ang gagawin ko, honey." Tinangka niyang hawakan ang mukha ko kaya iniiwas ko ito.
"Bakit hindi mo na gawin ngayon?" Mataray kong tanong.
"Do you want to know why? May kailangan pa kasi akong gawin bago ako umalis pabalik ng Paris." Napakunot-noo ako sa sinabi niya.
"The truth is, bukas na ang flight ko going back to Paris. That's why, I went to Gino's residence.. to bid goodbye and.." pinutol niya ang sasabihin at huminga ng malalim. "And to apologize. Apologize for all the damage I brought to him and.. to you also." Medyo nahiya pa siyang banggitin ang huli.
BINABASA MO ANG
I'M HIS GIRLFRIEND!
RomanceDescribe Julienne.. Isang simpleng babae, independent, scholar sa pinapasukang university at isa ring part time student. Hindi mayaman ngunit pinagkakaguluhan ng tatlong kalalakihan. Si Julius, ang masugid niyang manliligaw. Si CJ, na mabilis niyang...