Julienne's POV...
"Bes, hindi na ba kita mapipigilan sa pag-alis mo?"
"Bes, tuloy na tuloy na itu bes. Huhuhu. Ayaw ko man, e hindi ko matatanggihan ang kagustuhan ng pamilya ko, bes. Sorry na bes. Susulatan naman kita bes, e"
"Bes, pwede namang mag-text na lang e. Pwede din through fb, viber, instagram, twitter"
"Bes, ang tanong e meron ka ba n'yang mga 'yan?"
"Yun na nga bes, e. Wala naman akong social media accounts. Gagawa na lang ako bes, para sayo"
"Sure ka bes, ah! Kapag ikaw hindi gumawa ng fb account yari ka sakin bes!"
"Oo na, bes! Waaaaa! Huhuhuhu! Mamimiss kita bes"
"Ikaw rin, bes. Tang-ina ngayon pa lang miss na kita"
"Huhuhuhu"
"Waaaahuhuhuhu!!"
Wala kang ibang maririnig sa airport kundi ang kadramahan namin ni Gab. Aalis na kasi siya kasama ang pamilya niya papuntang America. Doon na sila maninirahan. In short, do'n na rin siya magtatapos ng pag-aaral.
Ang saklap. Kung kelan naman graduating na kami tsaka pa siya lilipat. Wala na akong kasama dito sa university. Wala na akong kakwentuhan, kasama kumain, tagapagtanggol, madaldal, tsismosa at bestfriend na kasama ko rito sa school. Wala na. T.T
Kakasimula pa lang ng first sem nang sabihin sa kanya na magma-migrate na sila. Tinanggihan niya ito nung una pero dahil mag-isa siyang maiiwan rito at walang magmamanage ng business nila roon ay napilitan na rin sumama. Nakakalungkot. Hindi ko tuloy maiwasan ang maiyak.
Maya-maya pa ay dumating na ang mga magulang ni Gaby para sunduin siya. Private airplane ang gamit nila kaya hindi na sila mag-aantay pa ng ibang pasahero.
Muli, ay nagpaalam kami sa isa't-isa.
"No goodbyes, bes. We'll see each other soon, alright?" Ingatan mo ang sarili mo. Don't stress yourself. Ilayo ang sarili sa mga bagay na makapagpapalungkot sa'yo. Higit sa lahat, gumawa ka ng fb account. Please lang bes, ha. Para naman kung nalulungkot ka, e magchat-chat lang tayo. Kung may One Call Away, meron ding One Chat Away, okay?" natawa na lang ako sa lahat ng sinabi niya at napatango kahit hindi ko naman inintindi lahat ng sasabihin niya. Haha!
"Okay, bes. Masusunod po"
"Good. Good. O'siya. Gorabels na kami. I love you bes! Hihintayin ko chat mo! Wag na wag kang iiyak, okay?! Kukutusan talaga kita!" we hugged and kissed each other for the last time bago sila tuluyang umalis. She knows me very well. Haha. Pero para namang mapipigilan niya akong umiyak. E siya pa nga 'tong naunang umiyak sa akin, e. Haha!
Agad na akong tumalikod dahil ayokong makita pa si Gaby ng paalis na. I know. I'm too emotional but who wouldn't? We've been together since we were kids at napakahirap ang malayo sa isang taong sobrang malapit sayo.
Haaaaay.
Nakalabas na ako ng airport at nililibot ang paligid. Wala akong pasok ngayon so I have all the time para makapaggala. Kaso, nakakalungkot naman kung ako lang mag-isa.
Haaaaay! Nakakainis. Ayoko ng gan'tong feeling. Ang bigat lang sa dibdib. Nakakaiyak!!!
I was about to cry nang may tumambad na halimaw— este tao sa harapan ko.
"Ang pangit mo kapag umiiyak ka. Nasa labas ka pa naman. Maraming makakakita sa kapangitan mo. Buti kung ako lang. Sanay naman na ako" kaya imbis na maiyak ako ay napalitan ng pagkainis ang nararamdaman ko. Bwisit!
BINABASA MO ANG
I'M HIS GIRLFRIEND!
RomanceDescribe Julienne.. Isang simpleng babae, independent, scholar sa pinapasukang university at isa ring part time student. Hindi mayaman ngunit pinagkakaguluhan ng tatlong kalalakihan. Si Julius, ang masugid niyang manliligaw. Si CJ, na mabilis niyang...