~~ dedicated to @zavialene. Hi! Enjoy reading! Hihi. ~~
---
Sa buhay natin, hindi natin aakalain na may isang taong biglang darating, at siyang magpapabago sa pananaw natin sa buhay.
Hindi natin aakalain, na ang taong iyon ang siyang makapagbibigay sa atin ng kakaibang kasiyahan, at the same, kakaibang sakit.
Kakaibang kasiyahan at kakaibang sakit na dulot ng pag-ibig. Ng pagmamahal.
Sa loob ng labing-siyam na taon ng inilagi ko sa mundo, ni minsan, hindi ko inisip maghanap ng lalaking makapagpapasaya sakin. 'Cause the day my father abandoned us, ay ang araw na kinasuklaman ko ang lahat ng lalaki sa mundo. I abhored all of them and promised that I won't ever look for a man. I can live without them. 'Yan ang itinatak ko sa utak at puso ko simula ng iwan kami ni papa.
But I realized, na kahit gaano kabato ang puso ko, na kahit anong tatak ko sa utak na hindi ko kailangan ng lalaki, ay may isang tutunaw, may isang magpapalambot sa matigas kong puso.
I thought, masaya na ako gumaling lang ang mama ko.
But I was wrong.
'Cause I felt more happiness when Gino came into my life.
Binago niya ang pananaw ko sa mga lalaki.
Well, I now admit, that not all of them were evil. Not all of them were selfish. Not all of them were womanizer, asshole, liar, and all the names we can call them.
Some will let you see and feel the true, sacred, selfless, and the best kind of love.
And in my case, I already found one. I already got one.
Take note!
I did not find him.
Nor he did.
But fate. . .
Fate made its way to unite us. Fate connected our hearts.
But the bitter and sad part of being in love is feeling the pain caused by the trials given to us.
At mas masakit pa ito sa lahat ng sakit na naranasan ko.
Mapaglaro rin ang pag-ibig, e no?
Ipararanas sa'yo ang sobrang kasiyahan, pero 'pag bumawi, sobra-sobra rin. Sobra pa sa sobra.
'Yung tipong mapapasabi ka na.. sana hindi mo na lang naranasan ang umibig kung gan'to rin lang ang kahihinatnan.
Nakakabwisit diba? Nakakabaliw.
Pero andyan na, e. Wala na tayong magagawa kung hindi harapin ang mga pagsubok na dumarating. Wala na tayong ibang pwedeng gawin kung hindi patunayan na love conquers all.
At ang pag-ibig ng isat-isa na lang ang mapanghahawakan natin.
Ang problema lang, I am not ready. Kung bakit ba naman hindi kasama sa curriculum sa mga eskwelahan ang pag-aaral about love para naman may alam na ko sa mga gan'tong bagay.
Nag-uumpisa pa nga lang akong matuto e. Tapos gan'to na agad mangyayari?
Nakakabuang!
"Oh, nakatulala ka na naman dyan sa singsing mo. Iniisip mo na naman si Gino, ano?" Sita sakin ni Gaby.
Huminga ako ng malalim. Pero hindi pa rin maalis ang bigat sa dibdib ko. Hanggang kelan ba ako masasanay?
Dalawang buwan na mula ng umalis si Gino. Dalawang buwan na rin akong wala sa sarili at tila mababaliw na ako. Hinang-hina ako na para bang tinanggalan ako ng isang napakahalagang bahagi ng katawan at hindi na ako makakilos ng maayos. Nakakapanlata. Nakakawalang-gana.
BINABASA MO ANG
I'M HIS GIRLFRIEND!
RomanceDescribe Julienne.. Isang simpleng babae, independent, scholar sa pinapasukang university at isa ring part time student. Hindi mayaman ngunit pinagkakaguluhan ng tatlong kalalakihan. Si Julius, ang masugid niyang manliligaw. Si CJ, na mabilis niyang...