CHAPTER 15:Confusion

1.1K 45 3
                                    

A/N:

Here's the other short chapter. Enjoy reading! :D Salamat nga pala sa mga silent readers na patuloy na binabasa tong story ko kahit hindi sila active. Hehe. Pero mas masaya sana kung magcocomment kayo para madedicate ko naman sa inyo story ko. Medyo nauubusan na ng madededicate'an e. Hihi. Lab yu! :)

Hi nijhere! Dedicated this chapter for you. :D

**********************

Julienne's POV...

Kanina pa ako gising pero ewan ko, nakatingin lang ako sa kawalan. Feeling ko lumulutang ang utak ko ngayon. Hindi ko nga alam kung nakatulog ba ko o hindi e. Dalawang araw na kong ganito. Simula nung mangyari yun, hindi na siya nawala sa isip ko at ang pangyayaring yun, haaaay!! Nakakainis! Ano ba tong nararamdaman ko! Aaarrrgh!

Pero simula ng mangyari yun, hindi ko pa nakikita si Gino. Kahit sa school hindi ko siya nakikita. Pero mas okay na yun, dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko at kung paano ko siya haharapin.

Ewan ko ba! Naguguluhan ako sa mga nangyayari. Hindi kaya may gusto sakin si Gino? Erase erase! Imposible e! Alam ko ang mga tipo niya. Yung mga katulad ni Sab. Pero anong ibig sabihin non? Anong ibig sabihin nung ginawa niya sakin nung isang araw? Hahalikan niya ko! Oo. Hahalikan niya talaga ako nun e! Gising ako nun! Nagkunwari lang akong tulog. Actually, nakatulog naman na talaga ako. Ayy ang gulo. Ganto kasi yun.

-flashback-

Alam ko nakatulog ako sa may kotse ni Gino habang nagdadrive siya. Antok na antok na rin kasi ako nun kaya ipinikit ko nalang muna ang mga mata ko. Nagising nalang ako na binubuhat na pala ako ni Gino.

Hindi ko alam ang irereact ko nung mga oras na yun kaya nagkunwari nalang akong tulog habang buhat buhat niya ko. Buti nalang kahit papano magaling akong umarte. Hindi niya kasi nahalatang nagising ako. Pero teka lang, paano niya nabuksan yung gate at ang bahay? Oh my Gosh! Hindi kaya may lahi siyang magnanakaw? O dati siyang kasapi sa isang akyat-bahay gang? Hindi kaya? Hayaan na nga!

Ayun na nga, hinayaan ko lang siyang buhatin ako. Hindi ko nga alam kung saan niya ko dadalhin e. Grabe sobrang kaba ko nun! Mga isang daan! Wooooah! Pigil pigil ko nga hininga ko nun e. Grabe lang talaga! Edi ayun na nga, binuhat niya ko papunta sa may kwarto. Akala ko nga kung saan na niya ko dadalhin e. Ano ba tong pinag-iisip ko! Tsk.

Dahan-dahan niya akong nilapag sa kama. Akala ko aalis na siya pero hindi pa pala. Naramdaman ko siyang umupo sa may paanan ko. Nanatili lang akong nakapikit. Gusto ko sanang silipin kung anong ginagawa niya kaso baka makita niya ako kaya pinakiramdaman ko nalang siya.

Hindi ko alam kung bakit sobra ang kaba ko ng mga oras na yun. Grabe as in super talaga. Parang aatakihin na nga ako e. Pero nanatili lang ako sa posisyon ko ng hindi gumagalaw.

Maya-maya naramdaman ko siyang tumayo. Hindi ko alam kung tumayo ba siya o ano. Basta naramdaman ko na nawala ang presensya niya sa paanan ko. Haha. Ang galing lang! Ang lakas pala ng pakiramdam ko. Hehehe.

Hindi pa rin ako gumagalaw. Hinihintay ko kasi na magbukas ang pinto at mamatay ang ilaw at saka magsara ang pinto bago ako dumilat. That means, umalis na si Gino. Pero wala. At parang.. iba ang pakiramdam ko. Lalong bumilis ang heartbeat ko ng maamoy ko ang pabangong katulad ng amoy ng kay Gino. Amoy na amoy ko iyon kaya feeling ko malapit lang siya sakin. Sheeet! Anong nangyayari?

Pinakiramdaman ko pa lalo ang paligid. At shet lang talaga! Hindi na maganda ang kutob ko. Naaamoy ko na ang mabango niyang hininga. Alam kong sa kanya yun. Idinilat ko ng bahagya ang kanang mata ko. At hindi nga ako nagkamali! May binabalak tong lalaki na to! Pumikit ulit ako dahil baka dumilat siya at makita niya kong gising. Nag-isip ako ng mabuting gawin at buti nalang talaga at nakaisip agad ako ng paraan kundi naku! Ang virgin kong lips! Madadampian ng reddish at kissable lips ni Gino! Waaaaa! Nagkunwari akong nag unat at saka umikot papunta sa kabilang bahagi ng kama. Huhubells! Nakakaloka! Hindi ko ata kakayanin ang isang to my golly! Parang gusto ng sumabog ng dibdib ko sa sobrang kaba ng mga oras na 'yon. Grabe lang talaga. As in grabe!

I'M HIS GIRLFRIEND!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon