Julienne's POV...
Tatlong araw...
Tatlong araw pa lang ang lumilipas pero ang dami ng nangyari sa mga araw na yun. At bahagi si Gino sa mga pangyayaring yun. Well, hindi lang naman siya.
Pagkatapos lang naman namin kausapin si Dr. Villaluz ay nalipat na agad ng ospital si mama. Grabe lang. Hindi ko talaga aakalain na seseryosohin niya yung sinabi niya. Anyway, ayun na nga, nalipat na si mama. At naoperahan agad siya. But the sad part is, my mom's still unconcious. She's still under observation. Pero kahit na ganun, hindi parin siya pinababayaan nung mga doctors na hinire ni Gino. Thanks to him.
Nagtatrabaho na rin ako kina Julius dito sa restaurant nila. Good thing is hindi mahirap ang trabaho ko compared to my previous job. At kagagawan yun ni Julius. Ako lang naman ang ginawa niyang head ng mga waiter. Ang dami niyang alam. Haha! Ang gagawin ko lang naman ay utusan ang mga waiter. Tss. Pero nagseserve narin ako sa mga customers para hindi ako mainip. Hehe. Pero salamat nalang din talaga dahil hindi ito sagabal sa pag-aaral ko. I can freely study while I'm at work. Thanks to Julius.
Kung tutuusin, maganda ang mga nangyayari sakin nitong mga nakalipas na araw. Pwera lang sa isa.
Yeah! I don't know kung anong nangyari sa kanya. Akala ko kasi friends na kami. Simula kasi nung inasikaso namin yung operation ni mama at yung lilipatan niyang ospital ay madalas kaming magkasama. Close na nga ata kami e. Pero ata nga lang. I don't know. I was just notice na hindi naman kasi siya bad boy e. Mabait siya at maaalalahanin. Pero netong isang araw lang, bigla nalang di namamansin. Sinungitan pa ko. Tss. Well, I don't care. Hehe. I know wala naman akong ginagawa e.
At ngayon na, kasalukuyan akong andito s- "Hey Julienne! Tulala ka na naman dyan! Tulungan mo nga muna ako dito oh. Naccr na ko e. Sige na pleeeeaaaasssseee!!" - si ate Gems, kahit kelan talaga istorbo to sa pagmumuni ko e. Siya lang naman ang bago kong katrabaho. Siya din ang una kong naging close, pano ba naman ang daldal niya. Hehe. At isip bata pa.
"Oo na. Eto na nga oh tatayo na. Tss. Kahit kelan talaga ate Gems!" tumayo na ko para kunin yung mga iba pang iseserve.
"Salamat talaga. Nawiwiwi na kasi ako e. Huhu. O eto, iabot mo dun kay gwapong kuya! Bilis! Bawal gutumin ang mga gwapo! Kung di lang ako naiihi ako na magseserve dun e. Sige na b-bye!" sabay takbo pakabigay sakin ng serving tray.
Pumunta na ko sa table number 8. Mag-isa lang yung nakaupo dun pero bat ang daming pagkain? "Good afternoon sir! Food served! Enjoy your meal!" umalis na ko pagkalapag ko nung tray. Di naman kasi ako pinansin ni kuya. Busy siya sa pagyuko niya.
"Ah miss! Excuse me!" tawag niya sakin. Humarap naman ako ng may ngiti sa labi. That's how I should serve the customers. With a smile on my face. Chos!
"Yes sir?! CJ?!" Si CJ nga to!
"Hi Julienne! Hehe. Kamusta na?" todo ngiti niyang bati sakin. Shocks! Kung nakakamatay lang ang ngiti kanina pa ko nakalupasay dito.
"Hello. Kamusta? Ahh. Ikaw pala yan. Hehe. May kelangan ka pa ba? Sabihin mo lang." nahihiya akong lumapit sa kanya.
"Oo sana e. Wala ka bang ginagawa?"
"Hmm, meron konti. Iseserve ko pa yung ibang order e. Hehe. Bakit? Any problem?"
"Ahhh. Ano kasi.. Hmm, hindi dumating yung date ko e. Pwedeng ikaw nalang?" Ha? Ano daw?
"T-teka, a-ako niyayaya mo? A-aahh ee kasi ano ee.. Hehe. Nagseserve pa ko." niyayaya niya ba ko ng date? Nakaramdam ako ng kaba.
"Oo sana. Sayang naman kasi to ako lang ang kakain hindi ko mauubos. Tutal magkakilala naman tayo share nalang tayo. In-indian ako ng date ko e." sabi niya habang kumakamot sa ulo.
BINABASA MO ANG
I'M HIS GIRLFRIEND!
RomanceDescribe Julienne.. Isang simpleng babae, independent, scholar sa pinapasukang university at isa ring part time student. Hindi mayaman ngunit pinagkakaguluhan ng tatlong kalalakihan. Si Julius, ang masugid niyang manliligaw. Si CJ, na mabilis niyang...