CHAPTER 53

603 24 0
                                    

CHAPTER 53

 

-=JENNICA=-

 

Mag da-dalawang lingo na rin simula nung lumabas ng hospital si Iscah. Sandali lang naman kasi kami sa hospital pinauwi rin s’ya agad ng doctor. Simpleng lagnat lang naman yun. Siguro natuyuan lang ng pawis. Simula rin non hindi pa kami nagkita ni Jessie. siguro napag isipan n’ya na nawala rin naman s’yang mapapala. Aaminin ko sobrang nag-alala ako para sa kanya. pero hindi ko nagawang magpakita.

*Flashback
 

Halos takbuhin ko na papunta sa kwarto ni Jessie sa sobrang pag-aalala ko. napatakip ako sa bibig ko ng makita ko ang itsura n’ya. Sumakit ang dibdib ko ng malamang nasa ganon s’yang sitwasyon dahil sa sobrang takot na baka may mangyaring masama kay Iscah. Papasok na sana ako sa loob ng makita ko si Thia na umiiyak katabi nito ang tito Jesz. Hanggang ngayon nahihirapan pa rin si Jessie ng dahil sakin. lumayo ako sa kanya noon para hindi na s’ya madamay sa gulo ko pero ito. Ito ang napala n’ya sa muling pagbabalik sa buhay ko. at dahil sa mga naisip ko nag desisyon akong wag na lang tumuloy sa loob. Umuwi na ako nang araw na yun. Pinapunta ko si Angel para sunduin si Iscah wala kasi akong lakas ng loob na harapin ang kahit isa sa mga kaibigan ni Jessie o mga kamag-anak.

 

*End of Flashbak.

 

Siguro sa ngayon maayos na ang lagay ni Jessie. maspinili na siguro n’ya na wag bumalik dito. Bigla akong natigil sa pag-iisip ng makarinig ako ng ugong ng sasakyan agad naman akong lumabas para tignan yun. Nakita kong bumaba si Vincent tapos inalalayan nito si Jessie na makababa. Mas maayos na ang itsura ni Jessie ngayon mga gasgas sa braso benda sa ulo at ilang pasa sa mukha. Pinanood ko lang sila. Nang makababa si Jessie sumandal ito sa sasakyan tapos may ibinabang upuan si Vincent.

“Pre, don mo i-pwesto sa gilid yung upuan.” Utos ni Jessie. agad namang sumunod si Vincent.

“Jennica, pasensya ka na nagpadala ko ng upuan panandalian lang naman ito hanggang hindi ko pa kaya umupo sa sahig masakit pa kasi ang tuhod ko.”  sabi nito.

“Anong ibig sabihin nito?”

 

“Ang alin?”

 

“Bakit nandito ka?”

 

“Jennica, nagulpi lang naman ako hindi naman ako nag ka-amnesia, alam ko kung saan ako uuwi.”

 

“Nababaliw ka na ba talaga?!”

 

“Wag ka ngang sumigaw! Hindi mo na nga ako dinalaw e. pero ayos lang yun baka busy ka.” Sagot nito na nagawa pang ngumiti.

“Talaga nasisiraan ka na ng ulo!” hindi napigilang sigaw ko dahil sa sobrang pagkainis. Magsasalita pa sana ako pero hinawakan ako ni Vincent sa balikat. Naiintindihan ko naman ang gusto nitong sabihin kaya hindi na lang ako nag salita ulit. Tumalikod na ako at akmang aalis ng magsalita pa ulit ito.

“Saan ka pupunta?”

 

“S-sunduin ko si Jessica.”

 

“Ihahatid na kita.” Singit naman ni Vincent.

“Hindi na kaya kong mag-isa.”

I love you even when I hate you (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon