CHAPTER 44

696 25 7
                                    

CHAPTER 44

 

-=JESSIE=-

 

Ang daming pipirmahan pero nakakaumay na. kaya ito nakatitig lang ako sa larawan ni Jennica dito sa laptop ko.

“Sir, Nandito na po yung hinihintay n’yo.” Pang-iistorbo ng secretary ko.

“Eh di papasukin mo hinihintay ko pala e.”

 

“Y-Yes, sir.” Sagot nito tapos nagmamadaling lumabas.

“Good morning po sir.” Sabi ng isang lalaking masasabi kong gwapo rin katulad ko pero mahahalata mong bata pa ito siguro mga 20 pa lang ang edad nito.

“Ikaw ba yung pinapapunta ni Dennis?”

 

“Dennis?” tanong nito. Malamang hindi nagpakilala si Dennis dito. Baka naawa lang dito si Dennis.

“Never mind. Marunong ka bang mag drive?”

 

“Opo, boss.”

 

“Good. Maupo ka d’yan maypupuntahan tayo mamaya.”

 

“Po?”

 

“Bakit? May problema ba?”

 

“Ngayon na po ba akong magsisimula?”

 

“Oo bakit?”

 

“W-Wala po.”

 

“Oo nga pala hindi ko pa na di-discuss sayo yung tungkol sa sasahorin mo. Dahil nagsisimula ka pa lang at hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan kita. Sasahod ka muna ng 7, 000 every 15th of the month.”

 

“Po?!”

 

“Bakit maliit ba? Depende pa naman yan kung mapagkakatiwalaan kita. Bukod don wala kang kailangang gastusin kakainin mo kung anong kakainin ko. pag kailangan mo ng tubig, juice, softdrinks o kahit ano magsabi ka lang sa secretary para bayaran n’ya yun para sayo. Makakatanggap ka rin ng kung ano mang benefits na natatanggap ng mga employee dito. Nagkakaintindihan ba tayo?”

 

“S-sir sigurado po ba kayo? Driver lang po ako.”

 

“Alam ko! sige na maupo ka na d’yan magsisimula ka na ngayon.”

 

“Sir, pwede po bang umuwi muna ako? ihahatid ko lang po yung kasama ko.”

 

“Okey, ito ang susi gamitin mo ang sasakyan para masmabilis kailangan kita dito before 12 may business meeting ako.”

 

“Ipapagamit n’yo po sakin ang sasakyan?”

 

I love you even when I hate you (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon