CHAPTER 34

664 28 8
                                    

CHAPTER 34

 

-=JESSIE=-

 

Masakit sakin ang pakawalan s’ya pero mas masakit palang makitang nasasaktan s’ya nang dahil sakin. hindi ko gustong makita s’yang nasasaktan kaya aalis na lang muna ko. pero hindi pa ako nakakalayo sa kwarto ng may tumama sa ulo ko.

“Araaaay!” sigaw ko tapos napalingon ako at sapul ako sa mukha ng pangalawang binato nya. Pagtingin ko sapatos ko pala ang ibinato n’ya.

“Aray! Bakit ka ba nambabato ha?”

 

“Nakakainis ka kasi!”sigaw n’ya.

“Bakit ba? Binigay ko na kung anong gusto mo diba? Panalo ka na ano pa bang gusto mo?”

 

“Umiiyak ako dahil sayo!”

 

“Bakit ba?”

 

“Dahil hindi mo ko pinapansin!”

 

“Paano kitang papansinin e sinaktan mo ang puso ko.”

 

“At ang puso ko ano? Hindi mo ba sinaktan?”

 

“Pero ako yung mas sinaktan mo hindi pa nga ako nakakabawi sa sakit na narinig ko. gusto mo nang makipaghiwalay diba mas masakit yun? Ako na nga ang sinaktan mo ako pa ang iiwan mo!”

 

“Pinag-isipan mo na nga ako ng masama ikaw pa ang nagagalit d’yan sa tingin mo ba talaga totoo yung narinig mo? Akala ko ba matalino ka? Sige nga isipin mo kailan ako nakawala sayo? Pano ko magtataksil sayo? Ni hindi ka nga nawawala sa paningin ko at isa pa sinabihan na kita na wag kang nagpupunta sa school dahil masasaktan ka lang sa mga chismiz na maririnig mo! Tapos ngayon ikaw pa ang magagalit d’yan? Ewan ko sayo! Bahala ka sa buhay mo! Hindi ko na talaga itutuloy ang kasal! Aalis na ako sa bahay na ito! Kukunin ko lang muna lahat ng pag-aari ko!” walang tigil na sigaw n’ya hindi naman ako agad nakakilos dahil sa mga nasabi n’ya. Lahat pala ng naisip ko ay mali. Siraulo pala ako e. ininis ko lang ang sarili ko. nakakaasar talaga ako. Bigla lang akong bumalik sa katinuan ng makita kong bitbit n’ya na ang mga gamit n’ya aalis nga s’ya.

“Aalis ka talaga?” tanong ko.

“OO!”

 

“E bakit ka ba sumisigaw!”

 

“Eh bakit ka rin sumisigaw?!”

                                                                                      

“Siguraduhin mo lang na tangay mo ang lahat ng pag-aari mo ah.” Sabi ko.

 

“OO wala akong iniwan kinuha ko lahat!”

“Sigurado ka bang wala ka ng naiwan?”

 

“WALA NA!” sigaw n’ya. Sumilip naman ako sa kwarto.

I love you even when I hate you (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon