CHAPTER 10

697 32 0
                                    

Chapter 10

-=JENNICA=-

*Rampapampam..rampapampam...rampapampam...

Sh*T yan lang ang masasabi ko. nakaramdam na ba kayo ng ganitong klaseng kaba? Yung tibok ng puso mo parang tumatama ata sa balat mo. ramdam na ramdam ko. tapos bigla bigla na lang akong mangingiti. Hooh...hoooh...hooh... gusto kong sumigaw.

"Ano bang inaarte mo?" Bigla na lang akong nagulat ng magsalita s'ya.

"H-ha?"

"Ano yan? Baliw ka ba?"

"Alin ba?"

"Ayan! Akala mo ba hindi ko nakikita? Titingin ka sakin tapos ngingiti ka."

"H-ha? Hindi ko alam ang sinasabi mo."

"Baba!"

"Ha?"

"Baba!"

"P-pero hindi ako dito nakatira."

"Alam ko. basta bumaba ka bibigyan lang kita ng 10 segundo para tumili."

"Ha?"

"Akala ko tanga ka. binge ka rin pala. Bumaba ka na at halatang halata na yang kilig mong hindi mo maitago. Hindi na bago sakin to alam ko na, na sobrang gwapo ko."

Juice colored! Hindi lang pala s'ya gwapo sobrang talino n'ya pa. agad naman akong bumaba dahil hindi ko na kakayanin pang pigilin ang kilig ko.

*WAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!

Sigaw ko agad nang makalabas ako ng sasakyan. Tapos inuubos ko na ang ngiti ko.

"Oh, sampung Segundo na kaya tara na. sumakay ka na dahil pag-nainis ako, iiwan kita dito."

Agad naman akong sumunod sa kanya. tapos hindi na naalis ulit ang ngiti ko sa labi ko.

"Jessie, dito na lang ako!" sabi ko ng makarating sa tapat ng bahay.

"Wag mo nga akong tinatawag na Jessie!"

"Ha? E anong itatawag ko sayo?"

"HOY, yan na lang ang itawag mo sakin."

I love you even when I hate you (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon