CHAPTER 48

670 25 17
                                    

Chapter 48

 

-=JENNICA=-

 

Masyado nang maliit ang mundong ginagalawan ko. kailangan ko ng umalis bago pa makarating si Jessie ulit dito. Hindi na ako pwede pang tumira dito. Nakakatawa no? ang buong akala ko natakasan ko na si Jessie. yun pala ang kalahati ng pamilya n’ya ang kumupkop sakin.

“Naynay saan ba tayo pupunta?”

 

“Anak wag ka ng maraming tanong! Naayos mo na ba ang lahat ng gamit mo?”

 

“Naynay magpapaalam pa ako kay papa. Hintayin natin sila ni Mamu.”

 

“Anak, hindi pwede kailangan na nating makaalis.”

 

“Pero naynay nalulungkot ako.”

 

“Anak wag nang matigas ang ulo kailangan natin umalis ngayon na!”sigaw ko. tapos kinuha ko na ang mga gamit namin at hinila ko na s’ya palabas. Pero laking gulat ko ng makita ko si Jessie na nakatayo na sa tapat ng pinto.

“Ano Jennica? Tatakas ka nanaman?”

 

“Sir?” sigaw naman ni Iscah.

“Anak pumasok ka sa loob.”

 

“Pero naynay.”

 

“JESSICA!” sigaw ko. tapos takot na takot itong tumakbo papasok ng kwarto. Lumabas naman ako para dun kami mag usap ni Jessie.

“Pinangalan mo pala sa atin ang anak natin.”

 

“Hindi mo s’ya anak!”

 

“Anak ko s’ya sinabi na sakin ni James ang lahat.”

 

“Anak mo s’ya o hindi, wala kang karapatan sa kanya!”

 

“Jennica naman! Halika na umuwi na tayo.”

 

“Hinding hindi ako sasama sayo!”

 

“Saan ka pupunta? Aalis ka? magtatago ka nanaman? Jennica kahit saan ka magtago susunod at susunod ako.”

 

“Kung kinakailangan kong mag tago sa impyerno gagawin ko wag mo lang kaming makitang mag-ina!” sigaw ko.

“Gusto mo umalis? Sige umalis ka! pero hindi mo pwedeng isama ang anak ko! hindi ako papayag na ilayo mo sakin ang anak ko!”

 

“Talaga? E di tanungin natin s’ya kung sasama s’ya sayo!”

“Jennica please, parang awa mo na wag ka nang umalis. Wag mong ilayo sakin ang anak ko parang awa mo na.”

 

“Jessie, naririnig mo ba ang sinasabi mo? please, Maawa, wag ilayo sayo ang bata? Bakit? Narinig mo ba yan nung araw na nagmakaawa ako sayo na pakinggan mo ko? na pakinggan mo ang paliwanag ko? naawa ka ba? nung ginahasa mo ko? narinig mo ba ang pakiusap ko na wag mong gawin sakin yun? naawa ka ba ha? Alam mo ba kung gaano kahirap tumira sa kalsada? Naranasan mo bang mamulot ng pagkain sa basurahan? Naranasan mo bang saktan ng mga tao dahil sa pagnanakaw? Hindi! Hindi mo naranasan yan! Dahil nung mismong araw na mararanasan mo yan dumating ako! dumating ako para patirahin ka sa bahay. Nandun ako para bigyan ka ng makakain mo! lahat ginawa ko para sayo! Kahit buhay ko handa akong ibigay para sayo! Pero ikaw? Ano? Bukod sa pagdududa sakin ano? Saktan ako ng paulit-ulit? Oo, mahal kita at nagsinungaling ako dahil yun sa banta ng  demonyong si edmond na papatayin ka raw pag hindi ako lumayo sayo. Ginawa ko yun para iligtas ang buhay mo pero ano? Niloloko mo lang pala ako araw-araw simula nung nalaman ko na niloko mo ko wala akong hinangad kundi ang mamatay. araw-araw kong pinapatay ang sarili ko. araw-araw kong pinagdadasal na sana mamatay na lang ako. alam mo ba kung gaano kasakit para sa isang ina ang patayin ang sarili n’ya anak? Dahil sa takot na wala akong magandang buhay na bibigay sa kanya dahil sa takot na mabuhay s’ya katulad nang kung papaano ako nabuhay?”

I love you even when I hate you (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon