CHAPTER 21

703 25 10
                                    

Chapter 21

-=JENNICA=-

"J-Jessie..."

"Pwede ba? tigilan mo nga ako d'yan sa kaka Jessie mo! tinatanong kita hindi ka sumasagot!"

"Kung naawa ka lang kaya mo ginagawa to! Wag na lang." sabi ko

"E di wag!" sagot n'ya sabay talikod.

>.< asar talaga to! Masyadong totoo sa nararamdaman n'ya.

"Teka lang!" awat ko naman sa tangkang pag-alis n'ya.

"Oh ano? Arte arte mo kasi! Talaga namang awa lang ang mararamdaman ko! anong akala mo ba? mahal na kita?"

"Baka lang kasi!"

"Mukha mo! hindi yun mangyayari!"

"E kasi naman bigla bigla mo na lang akong niyaya baka lang nung nagkalayo tayo e naisip mong mahal mo pala ako!"

"Asaaaa. . . Hindi mangyayari yon."

"Oo na, sige na, hindi na. basta magpapakasal tayo okay na ako don." Sabi ko sabay yakap tapos. Bigla rin akong kumalas at umaktong umiilag tinaas ko ang dalawang braso ko. sigurado kasi ako babatukan n'ya ako dahil sa ginawa ko.

. . . .

Walang nangyari? Dahan dahan kong binaba ang dalawang kamay ko. at sinilip ko s'ya at nabigla ako. si.. si.. si Jessie nakangiti. Yung totoong ngiti hindi plastic. At mas lalo akong nagulat dahil ni-ni-niyakap n'ya ako.

Juice colored! Oxygen please..

"Nakakatuwa ka talaga! Yan ang gusto ko sayo sobrang kilala mo na ako alam na alam mo na ang pagkatao ko." sabi n'ya tapos kumalas na s'ya sa pagkakayakap sakin at tumingin sa mata ko.

"MM, hindi ko kayang ipangako na mamahalin kita. Pero gusto kong pakasalan ka kasi naniniwala ako na wala ng babae katulad mo. yung minamahal ako kahit anong ugali ko. yung babaeng minamahal ako ng walang kapalit. Yung nag iisang taong hindi ko inakalang tutulong sakin kung kailan iniwan ako ng lahat. Hindi ko alam ang buong pagkatao mo at hindi ko rin naman gustong alamin yun pero sigurado ako na sa kabila ng ngiting pinapakita mo sakin e nakatago si MM na sobrang lungkot at puro hinanakit ang nasa puso. MM hindi ko man masuklian ang pagmamahal na binibigay mo hayaan mong pasayahin kita sa paraang alam ko. hayaan mong tulungan kita sa kung anong problema mo. sigurado ako na kaya gusto mong makasal agad e dahil may problema ka rin. Magtulungan tayo. Kaya MM uulitin ko. WILL YOU MARRY ME?"

At dahil sa sinabi n'ya hindi nanaman ako nakasagot nanghihina ako kaya napaupo ako sa sahig at nagiiyak. Si Jessie ang sagot sa lahat ng tanong ko at sa lahat ng hinihiling ko.

"Bakit nanaman? May nasabi nanaman ba akong masama?" tanong n'ya. umiling naman ako bilang sagot.

"Kasi naman ang haba haba ng sinabi mo parang mamamatay ka na."

I love you even when I hate you (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon