Jessie James Samaniego
Simpleng tao na ang hilig lang ay kumain…kumain at kumain. Mag-GF?
Mag-Asawa?
Wala akong balak. Pero dati yun bago ko pa makilala si Jazz, S’ya yung bidang babae sa (Mr. Pilosopo Meets Ms. Taong bundok) nung natikman ko ang niluto n’ya. hindi ko na yun nakalimutan hanggang sa panaginip. Kaya naman ginagawa ko ang lahat para sa kanya. pero sa tuwing lalapit ako sa kanya may babaeng epal na kung tawagin ay maligno na palaging sumusulpot. Nakakairita na talaga s’ya. makita ko pa lang mukha n’ya sira na ang araw ko. Ang Nakakainis pa mukha s’yang tanga! Kahit anong sabihin ko baliwala sa kanya. Pero meron pang mas nakakainis. Hindi ibibigay ang mana ko at papalayasin ako sa pamamahay ko kung hindi pa ako mag-aasawa. Pano pa ako mag-aasawa kung pinakasalan na ni Ken si Jazz? at katulad nga ng sinabi ko sa story nila ipapatikim ko lang ang lollipop ko sa babaeng papakasalan ko. Ayaw ko ngang ipatikim pa ito sa iba. Kaya yung si Maligno s’ya na lang ang pakakasalan ko at pagnakuha ko na ang mana ko. Papahirapan ko s’ya hanggang sa makipag hiwalay s’ya.Jennica Jones
Sa dami ng pinag-daanan ko nung bata ako. Pinangako ko sa sarili ko na hinding hindi na ako pwedeng apihin. Kaya naman naging siga ako pagdating ko nang high school at yung kasigaan na yun dala-dala ko hanggang sa kolehiyo. Pero kapag kinakatakutan ka pala. Wala na ring gustong makipag kaibigan sayo. Kaya nung nakilala ko ang palaban din na si Jazz hindi ako nagdalawang isip at kinaibigan ko s’ya. tapos nakilala ko ang isa sa man liligaw n’ya na nagpatigil ng mundo ko. Si Jessie. ang gwapo n’ya may pagkaantipatiko nga lang pero ewan ko ba lahat ng sabihin n’ya sakin parang ang sarap pakinggan. Kahit nga insulto na minsan. Kaya naman ng sya ang lumapit sakin at sinabing “Will you marry me.” Aarte pa ba ako? Kahit na nga ba kakaiba ang ginawa n’yang proposal muntik lang naman akong mamatay. Aba Yes pa rin ang sagot ko. Ang kinakatakot ko na lang pano pagnalaman nya ang nakaraan ko? tatanggapin n'ya pa ba ako? pano pag nalaman n'ya ang plano ko? mamahalin n'ya pa kaya ako?
-Emmanoehl
BASAHIN NYO PO PLS. WAG NYO MUNANG HUSGAHAN HNDI KAYO MAGSISISI PAGNATAPOS NYO TO.
(Bago n'yo po ito simulang basahin, unahin n'yo po muna ang Mr. Pilosop Meets Ms. Taong Bundok para po may idea na kayo sa kanilang dalawa.. maraming salamat po)
BINABASA MO ANG
I love you even when I hate you (COMPLETED)
RomantikMadalas na nating marinig yung... Pag palaging nag-aaway baka sila ang magkatuluyan. Paano kung hindi naman nag aaway? May isa lang na inis na inis sa isang tao samantalang yung isa e tinamaan nung sinasabing Love at first sight. Pwede pa rin bang...