chapter 22

4 0 0
                                    

chapter 22

YURI POV

nang malaman ng mga kaibigan ko ay ikinalungkot rin nila ito at nag ambag-ambag rin sila para magbigay ng tulong samin pandagdag sa ibang gastosin dito sa ospital

hindi na ako tumanggi dahil lubos naming kailangan ito ngayun,at labis akong nag papasalamat sakanila dahil hindi sila nag-atubiling tumolong at ipakita ang kanilang suporta samin,

idinulog ko rin kalagayan ni papang sa mga foundation na nag bibigay tulong pinansyal, nag papasalamat ako dahil kahit papano'y na babawasan ang alahanin ko sa pera para sa operasyon ni papang,

nakalikom ako ng mahigit kalahating milyon mula sa mga tulong pinansiyal ng mga foundation at institusyon, may saving's rin ako na nagkakahalagang 300.000 pesos na inilaan ko sana para sa pag aaral nila harold, at 50.000 pesos naman mula sa kita ng parlor namin noong hindi pa ito nasusunog,

nag hanap rin ako  ng parttime job para pang dag-dag narin sana sa operasyon ngunit sapat lamang ito sa pagkain namin at sa sa mga gamot ni papang,

sa puntong ito ay sumagi sa isip ko ang sarili kong pamilya na tumakwil sakin noon, naisip ko na siguro this time kailangan kong lunokin ang pride ko at pumonta sakanilam mag babakasakaling makahingi ng tulong,

sakay ng taxi ay tumongo ako sa bahay ng dati kong pamilya, sa bahay ng mga magulang ko, sa bahay na nagsilbing parang isang malaking hawla para sakin kung saan itinago at ikinulong ko ang tunay kong pagkatao, 

nang makarating na ako ay agad akong tumongo a pinto at makailang ulit na kumatok,

ilang sandali pa ay lumabas ng katiwala namin na si manang flor,

"ano ho iyo ma'am. sino ho ba ang hinahanap niyo?"

"manang flor ako ho ito ................. si yuribert.................... andiyan ho ba ang mga magulang ko................ si mama, asan ho sila? kailangan ko ho ng tulong"

"HARU DIYOS KO, hindi ko na ikaw makilalang bata ka, anong nang yari sa iyo?"- gulat na wik nito sakin

"manang flor asan ho sila kailangan ko ho kasi ng tulong"

"nako senyorito wala na ho dito ang mag magulang niyo, nasa maynila na ho sila kasama ang mga kapatid niyo, doon na ho sila tumira simula nong maging general si senyor"

"ano?     pwede ko ho bang makuha ang contact number nila"- dimayadong tanong ko

"senyorito mahigpit pong ibinilin sakin ni senyor na wag akong mag bibigay ng impormasyon tungkol sakanila, kahit ho sainyo"- malungkot nitong wika sakin

"manang flor nakikiusap ho ako,"

"sige po pero senyorito wag nyo ho sabihin sakanila na ako ang nag bigay sainyo ng contact number nila ah, baka mawalan ako ng trabaho nakakatakot pa naman magalit si senyor"

"wag ho kayong mag-alala manang flor maraming salamat ho"

Inanamin ko nanlumo ako ng malaman kong wala na sa dati naming bahay ang pamilya ko, hindi ko maipag kailang sumama ang loob ko sakanila dahil talagang ipinaramdam nilang hindi na ako parte ng pamilya nila , ng buhay nila.

gusto kong magalit pero,,,,,,,,,,,,,,,,,, mas kailangan kong maging matatag para kay papang

siya nalang dapat ang isipin ko dahil  siya na ang magulang ko at kailangan niya ako ngayun.

sa mga oras na ito isa lang ang alam kong pwede kong takbohan at yun ay ang diyos,

pumonta ako ng simbahan para mag dasal at hilingin sa diyos na tulongan niya kami sa  sitwasyon na ito na sana ay gumaling na si papang, 

Pakiramdam ko ay gumaan kahit paanu ang nararamdaman ko, parang nailabas ko yong mga dinadala kong problema at mga hinanakit, 

tumayo na ako at lumabas na ng simbahan, biglang nag ring ang phone ko  at sinagot ko ito agad

"hello yuri, si heart to asan ka? "

"nasa labas ng simbahan, bakit?"

"wag kang aalis diyan susundoin  kita, may lead na kasi ako kung nasaan si joehan, pupuntahan natin siya".

The Reunion (Ang nakaraan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon