CHAPTER 25
YURI POV
kakauwi lang ng mga kaibigan ko, halos mag aala-sinko narin ng matapos yong bonding namin, ang sarap lang sa feeling na nakalimotan ko yong mga problema ko pansamantala dahil nakasama ko sila, pero alam ko hindi sa lahat ng oras masaya ang kailangan mo lang gawin ay mag tiyaga at mag tiwala.
kami nalang ni papang ang natira dito sa room niya, pinakain at pinainom ko narin siya ng mga gamot niya,
hindi ko maiwasang maawa sakanya sa tuwing pignagmamasdan ko siya sa ganitong kalagyan, pumayat kasi siya at mahina siyang kumain, kadalasan ay nahihilo siya at namimilipit sa sakit sa tuwing sumamakit ang kanyang ulo kaya palagi siyang binibigyan ng pain killer.
lumapit ako sa bed nya at umopo sa kanyang tabi
"papang......... kunti nalang mabubuo ko na yong pang-paopera mo"
"yuri patawarin mo ako ha, sa kagustohan kong itago ang sakit ko lumala pa tuloy, pati tuloy ikaw nahihirapan narin"
"anak wag sanang sasama ang loob mo pero tanggap ko ano man ang mangyari sakin, pero hindi ako bibigay kasi nakikita ko na ginagawa mo ang lahat para maoperahan ako, alam mo hindi man ako itinuring na ama ni harold noon dumating ka naman at nag silbing butihing anak saakin, at nagpapasalamat ako dahil dumating ka sa buhay ko"
Ngumiti ako sakanya at inayos ang kanyang kumot
"papang mas nag papasalamat ako kasi nakilala kita, noong oras na tinalikuran ako ng buong pamilya ko natagpuan kita at kinupkop mo ako bilang anak, ipinaramdam mo sakin ang pag mamahal ng isang magulang higit sa pagmamahal ng tunay kong pamilya, utang ko sainyo kung ano ako ngayun kaya hindi ako titigil para lang gumaling ka"- naiiyak kong wika sakanya
BINABASA MO ANG
The Reunion (Ang nakaraan)
DiversosFriendship is a treasure Hindi mo malalaman ang kahulugan ng isang bagay hangga’t hindi pa ito nawawala saiyo. Pero hindi tungkol dyan ang kwentong ito. This story is about Friendship, Love, and Sacrifice kung ano at sino ka sa tuwing uuwi kana mul...