CHAPTER 15
YUSEPH POV
Hindi ko alam kong paanong nangyaring naoperahan na ako at kong kanino galling itong pusong bumubuhay sa akin ngayon.
Mahigit dalawang araw pala akong nakatulog mula ng operasyon and after a few more days nakalabas narin ako ng hospital, ang ipinagtataka ko lang ay kong nasaan na si Aphrody.
“Yuseph hinihiling ko sayo na lakasan mo ang loob mo, pupuntahan na natin si Aphrody” – sabi sakin ni mommy habang hawak ng mahigpit ang mga kamay ko
“ma naguguluhan na ako diretsahin mo na kasi ako” – pangungulit ko sakanya
“I’ll tell you later, just be strong” – makahulugang wika sakin ni mommy
Sakay ng kotse ay bumiyahe kami patungo sa isang lugar malayo sa siyudad, madaming puno at may mga borol na di gaanong matataas, napaka maaliwalas ng lugar, parang magiging payapa ang diwa mo sa lugar na ito.
Bumaba kami sa tuktok ng isang maliit na borol kung saan kita mo ang sunset. Hinawakan ni mommy ang kamay ko at iginiya ako malapit sa dulong parte nito, meron ditong swing na pandalawahan.
“anak andito si Aphrody” – maluha-luhang wika ni mommy na nakaturo sa dalawang umbok na lupa. na nababalutan ito ng carpet grass at may malagong halaman na namumulak-lak sa tuk-tok nito, sa tapat nito ay may kandila na nag-papaunawa sa akin na ito na ngayon si Aphrody nagpapahinga na sa kanyang himlayan.
Bigla akong napaluhod at nanigas dahil sa aking natuklasan, biglang bumohos ang mga luha mula sa aking mga mata,
walang boses na lumabas sa aking bibig. Hindi ako makapaniwalang wala na siya, ang sakit sakit sa pakiramdam subrang sakit na parang nadudurog ang puso ko.
BINABASA MO ANG
The Reunion (Ang nakaraan)
De TodoFriendship is a treasure Hindi mo malalaman ang kahulugan ng isang bagay hangga’t hindi pa ito nawawala saiyo. Pero hindi tungkol dyan ang kwentong ito. This story is about Friendship, Love, and Sacrifice kung ano at sino ka sa tuwing uuwi kana mul...