Chapter 15: Porridge

199 11 0
                                    

  Pagkalabas ng pinto ni Zeus ay dali-dali akong kinausap ni Kyle. “Anong sakit mo?” Tanong niya. “Tara, dalhin na kita sa ospital.”

  “’Wag na, okay lang ako.”

  “Sigurado ka?”

  Niyakap niya ako ng sobrang higpit, halos hindi na ako makahinga. “Sorry,” Hindi ko talaga alam ang sinasabi niya. “Hindi kita naalagaan sa mga oras na kinailangan mo ako.” Pinakawalan na niya ako sa higpit ng yakap niya. “Buti na lang, may malasakit pa sa’yo ‘tong lalaking ‘to.”

  “Sinong lalaki?” Pumasok si Zeus, at may mga dala siyang gamot na siguradong para sa akin.

  “Ikaw.” Tumingin si Kyle kay Zeus.

  “Ashley, uminom ka muna ng gamot,” nilapag niya ang mga gamot sa table sa kanan ko. “At ikaw,” dagdag niya para kay Kyle, “umalis ka na!”

  “Bakit ako aalis?”

  “Baka nakakalimutan mo, condo ko ‘to!”

  Nagsimula na naman silang mag-away sa harapan ko, na lalong nagpasakit ng ulo ko.

  “Sige na, aalis na ako.” Napansin ni Kyle ang sakit ng ulo ko. “Bastia, alagaan mo ang Ashley ko, ah? Bukas na lang ulit, Ash!” Hinalikan niya muna ako sa noo bago siya umalis.

  “Ashley ko talaga, kayo na ba?” Nagulat ako sa sinabi ni Zeus. “Masyado kang assuming, ah.”

  Pinatamaan ni Kyle si Zeus ng tingin niya. “Hindi pa. Hintayin mo lang. Malay mo, baka bukas, kami na.”

  “Tumigil na nga kayo!” Napalakas ang sigaw ko.

  Pagkatapos ng ilang segundong pagtitig nila sa akin at ng katahimikan, nagsalita si Kyle. “Sige. Aalis na ako. Sasabhihin ko na lang kay Ms. Tina kung bakit ka absent.”

  “Sige.” Sagot ko.

  “Kelan ka ba papasok?” Sumimangot si Kyle dahil paalis na siya. “Dapat mapanood mo ako sa Friday.”

  “’Wag kang magalala. Magpapagaling kaagad ako, para mapanood kita.” Ngumiti ako sa kanya bilang tanda ng aking pangako. Lumabas na si Kyle.

  “Kasali pala siya sa music contest, ah?” Tanong ni Zeus sakin. Tumango ako. “Manonood ka?” Idinagdag niya.

  “Oo naman.”

  Napaisip siya ng saglit. “Kung sakaling sasali ako, sinong susuportahan mo?”

  “’Di ka naman kasali, eh!” Biro ko.

  “Eh, paano nga kumg sumali ako?”

  Sa totoo lang, hindi ko rin alam. Napakahirap naman ng tanong ni Zeus. Parang pinapili ako ng tadhana kung sino sa kanila ang mamahalin ko. “Si Kyle,” Nasabi ko ba ‘yun? Hindi ko alam kung bakit. Siguro, para maiwasan na ang tanong na ‘yun.

  Tumayo si Zeus. “Magpahinga ka na nga.” Aba! Pinagbagsakan pa ako ng pinto!

  Nagseselos ba siya? Naku. ‘Wag assuming.

  Dala na rin ng sakit ko, nakaramdam ako ng uhaw. Lumabas ako para kumuha ng baso ng tubig, at nakita ko si Zeus sa sala, nanonood. Napansin niya ako. “Bakit ka lumabas?”

  “Wala lang. Iinom lang ako ng tubig.”

  Tumayo siya at lumapit sa kinatatayuan ko. “Bumalik na na. Ako na ang kukuha.”

  “Ako na!” Nakakahiya na, eh.

  “Bahala ka!” Galit pa rin sakin ‘to. “Baka isipin mo, concerned ako sa’yo.”

  “Ikaw nagsabi niyan.”

  “Baka kasi sabihin ng mama mo pinapabayaan kita.” Sayang. Hindi pala kusa. Hinayaan ko na lang siyang umupo muli sa harapan ng TV. Naglagay na ako ng tubig sa baso, nag-iingat na walang matapon o mabasag. Pagkatapos kong uminom, agaran na akong bumalik sa kuwarto.

-

May kumatok sa pinto, pero hindi ko pinansin. Narinig kong bumukas ang pinto, pero nanatili pa rin akong tulog.

  “Ashley, kumain ka na muna.” Narinig ko ang boses niya, boses ni Zeus. Kahit nakatalikod ako, naririnig ko pa rin ang paligid ko. Gumalaw ang upuan sa tabi ko, at umupo si Zeus doon.

  “Bakit ka ba gusto ni Kyle?” Bakit nga ba? “Hindi ka kagandahan, hindi ka mayaman, engot ka pa.” Nakapikit ang mata ko, pero naririnig ko ang lahat ng sinasabi niya. Ang sama naman nito maka-engot.

  Humarap na ako sa kanya. “Oh? Bakit nandito ka?” Maang-maangan pa ako. Ayokong sagutin ang tanong niya.

  “Kumain ka na! Dinalhan kita ng porridge!”

  “Sus! Porridge! Lugaw lang ‘yan, eh!”

  “Ayaw mo?”

  “Gusto!”

  Umupo ako sa kama. Isinandal ko ang likod ko sa bed frame, at naglagay ng unan para hindi matigas. Kukunin ko na sana ‘yung kutsara, pero...

  “Ako na!” Biglang sinabi ni Zeus.

  “Kaya ko na.” Sagot ko.

  “Ako na nga, eh!” Nagpipilit po siya.

  “Bahala ka.” Sumuko na ako.

  Sinusubuan niya ako ng lugaw. Para akong bata. “Say, aaah.” Ngumanga ako.

  “Ang init!” Ang hirap lunukin. Parang may umaapoy na sa lalamunan ko.

  “’Di mo kasi hinipan, eh!”

  “Ako pa sinisi mo, ah!”

  “Ikaw naman talaga, eh!”

  “Sungit!” ‘Di ko napigilan. Pinagbagsakan ulit ako ng pinto. Hayun.

  Kumain na lang ako mag-isa. Pagkatapos ko kuman, naligo na ako. Hindi kasi ako makatiis ng ilang araw na hindi naliligo, lalo pa ngayong may sakit ako.

  Pagkalabas ko, nakatapis lang ako ng tuwalya.

I'm inlove with Mr. SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon