Chapter 19: Webb

285 8 1
                                    

Umalis na siya.

Kasi naman, eh! Ang tanga ko talaga! Bakit ko ba 'yun sinabi? Kainis!

-

Pagkauwi niya, nagkuwento siya.

"Anong nangyari sa school kanina? Nasabi mo ba 'yung pinapasabi ko?" Tanong ko kaagad.

"Okay lang. Oo, nasabi ko." Sabi niya, na parang masaya.

"Salamat!" Sa wakas! "Anong sinabi ki Kyle?"

"Nag-aalala siya kung bakit hindi ka raw nakapasok." Sagot ni Zeus.

"Ah... ok."

May tumunog. Parang kuryente, pero bago ko pa 'yun malaman, biglang napayakap sakin si Zeus.

Napatawa ako. "Bakit ka yumakap? Takot ka, ano?"

Tumingin si Zeus sakin, at pagkatapos ma-realize na nakayakap na pala siya, agad naman niya akong pinakawalan. "Ah... Hindi, ah! Matutulog na nga ako..."

"Maaga pa, ah." Sabi ko sa kanya. Anong nakain nito?

Biglang nag-brown out.

Sumigaw si Zeus. "Ashley! Ashley! Ashleeeey! Natatakot ako!"

Nagulat ako, pero napatawa na rin ako. Dapat nga, ako ang matakot, kalalaking tao nito!

Nakayakap siya sa akin ng sobrang higpit.

Nag-on na ulit 'yung mga ilaw. Nakita ko ang hitsura ni Zeus. Pulang-pula siya. Ang cute niya. Nakatingin siya sakin, nanlalaki ang mga mata sa takot. Ngumiti ako sa kanya, at bigla na siyang kumaripas ng takbo papuntang kuwarto niya.

Hindi pa rin ako maka-get over.

-

Eight-o'-clock p.m. sharp.

Magagabi na, 'di parin siya lumalabas ng kuwarto. Pinuntahan ko na lang siya.

Pagkapasok no ng kuwarto ni Zeus, nakita ko siya na nasa kama at natutulog. Nilapitan ko si Zeus at tiningan kung tulog na talaga siya.

Bakit pa kasi ako sa'yo nagkagusto? Sabi ko sa sarili ko, habang hinahawi ang buhok niya.

"Naalala mo ba 'yung sinabi mo sakin kanina, na hindi dapat masaktan ang mga babae? Pero, ikaw, sa'yo ako nasasaktan, eh... Sana maramdaman mo rin 'yung sakit na pinaparanas mo sakin."

"Kasi tuwing nandiyan ka, iba 'yung sakit na nararamdaman ko. Sana mahal mo na lang rin ako, para maging masaya na ako... tayo."

Paalis na ako, nang biglang... hinawakan ni Zeus ang kamay ko.

"Anong ginagawa mo?" Tanong niya.

"Ah-eh-Wala! Sinisilip ko lang kung tulog ka na ba... Sige. Aalis na ako."

"Ano nga ba 'yung sinasabi mo at ginagawa mo?" Hala. Sana hindi naman niya 'yun narinig.

"Ha? Eh, wala!"

Bigla na namang nag-brown out. Katulad kanina, napasigaw niya ng konti at muling napayakap sakin.

"Bakit?" Natatawa talaga ako tuwing naiisip ko ang namumula niyang mukha. "Takot ka na naman?" Halata namang dine-deny pa niya iyon. "Aalis na ako. Matulog ka na, 'wag mo na alalahanin 'yung sinabi ko."

"Wag!" Sabi ni Zeus. "Wag ka muna umalis! Dito ka nalang matulog!"

Nagulat ako. "Teka! Hindi ako puwede dito!"

"Pero sige na, sa baba na lang ako. Dito ka na sa kama." Determinado siya.

Napabuntong-hininga ako. "Sige na nga. Pero ngayong gabi lang, ha?"

I'm inlove with Mr. SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon