Chapter 17 (Part 1): Long Lost Friend

168 11 0
                                    

“I’m Adrian.”

  Adrian... Adrian. Hinanap ko ‘yung pangalan sa isip ko. “Ikaw ‘yung kausap ni Zeus kanina?” Tanong ko.

  “Yes.” Ngumiti siya. “Can I sit beside you?”

  Nakakahiya naman kung tatanggi ako. “Sige.” Umupo na si Adrian sa tabi ko.

  Tumingin ako sa paligid, hanap-hanap si Zeus. Bigla namang umusok ang tainga ko. Nakikipag-flirt siya. Ako partner niya, tapos kasama niya ibang babae... Nakaramdam ako ng selos.

  “Okay ka lang?” Tanong ni Adrian sakin, pansin na ang expresyon ko.

  “Oo.” Sana hindi ko ‘yun nasabi ng pagalit.

  Nagsimula na lang siya magkuwento tungkol sa sarili niya. “I’m Adrian Vasquez, 20 years of age, son of Mr. Adan and Mrs. Ria Vasquez, the successor of the Vasquez Group of company.” Wow. Namangha ako. Napaka-successful nilang lahat dito... paano pa kaya ako? “You are?”

  “I’m Ashley Dominguez, 17 years old, daughter of Mr. Arthur and Mrs. Anida Dominguez.” Ang sakit ng lalamunan ko. ‘Di ko alam kung bakit.

  May kinuha si Adrian sa bulsa niya. Inabot niya ito sa akin. “Lollipop, gusto mo?” Aya niya.

  “Sige! Salamat.”

  Isusubo ko na sana ‘yung lollipop, nang biglang hinatak ni Adrian ‘yung lollipop. Sa dali kong magulat, napasigaw ako ng di-gaanong kalakas. “Patikim.”

  “Ang kulit mo.” Sabi ko.

  “Cute naman.” Ngumiti na naman siya.

  “Sus.”

  “Ashley!” Halos mapatalon na ako sa sigaw ni Zeus.

  “Ano ‘yun!” Sagot ko. Bigla na lang niya hinatak ang kamay ko, wala man lang siyang pakialam sa kausap ko. Ni wala man lang akong oras para makapagpaalam.

  Hinatak niya ako papuntang fire exit.

  “Nagpapapansin ka na naman.”

  “Hoy!” Sagot ko. “Nakikipagusap lang ako!”

  “Flirt!” Sigaw niya pabalik.

  “Flirt?!” Ako pa talaga, ha? “Ikaw ang nakikipagusap sa lahat ng girls!”

  “Bakit?” Smirk. Nakakainis talaga ‘to, kahit kailan. “Are you jealous?”

  “Hindi!” No. Basta, no.

  “Weh?” Ngumiti siya, naghihintay ng tamang sagot.

  “Hindi nga.” Nanindigan ako sa sinabi ko. Pero oo, parang ganoon ata ‘yung naramdaman ko kanina. Wala namang tamang description para doon, eh.

  “Sabi mo ‘yan, ah.”

  “Hindi nga.”

  “Bahala ka nga.” Sa wakas! Sumuko ang masungit. “Tara na nga, bumalik na tayo dun, at ‘wag kang makikipag-usap sa manyak na Adrian na ‘yun.”

  “Parang ikaw, hindi, ah...” Sabi ko.

  “Ano?!

  “Wala.”

  Bumalik na kami. Nagsimula na ang music. Pinaupo na ang mga girls sa gitna, at pinatay na ang mga ilaw. Ito na ‘yung sinasabi ni Zeus. Ang lakas ng kutob ng dbidib ko, mga ilang minuto at tapos may nakahawak na sa kamay ko. Sino kayang may hawak ng kamay ko, sino kaya itong kaharap ko?

  “Hi.” Sabi ko.

  “Do you believe in first love never dies, or love is lovelier second time around?” Biglang tanong ng kaharap ko.

  “First love never dies.” Bulong ko sa kanya. Teka, parang pamilyar ‘tong pabango niya... “Nagkita na ba tayo?”

  “Hulaan mo.”

  “Hi.” Sabi ko.

  “Do you believe in first love never dies, or love is lovelier second time around?” Biglang tanong ng kaharap ko.

  “First love never dies.” Bulong ko sa kanya. Teka, parang pamilyar ‘tong pabango niya... “Nagkita na ba tayo?”

  “Hulaan mo.”

  Ang tino ng sagot. Lahat na lang, may tanong.

I'm inlove with Mr. SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon