Chapter 18: I Love You!

305 13 1
                                    

  “Kat, okay ka lang?”

  Hinawakan ni Adrian ang braso ko.

  Lumingon ako sa kanya. “Ah...” Napatigil ako. “Okay lang ako.”

  “Ashley, tara na.” Bigla naman hinawakan ni Zeus ‘yung kabila kong braso, ang kaliwa.

  “Stay!” Hinila ni Kit ‘yung kanang braso.

  “No! We’re going home!” Hinila naman ni Zeus ‘yung kaliwang braso ko.

  Ginagawa ba nila akong ragdoll? “Teka nga! Kayong dalawa, kanina pa hila ng hila sakin, ah!”

  “Tara na.” Hinila na ako ni Zeus papuntang kotse. Siya na ang nanalo sa tug-of-war. Pumasok na kami sa kotse, pero hindi niya pinaandar kaagad.

 Binuksan niya yung bintana. “Zara, tell mom umuwi na ako.” Tumango na lang si Zara. Pinaandar na ni Zeus ang kotse, papalayo sa venue. “How did you know Adrian... and you call him Kit?”

  “Childhood friend ko siya.”

  “Eh, bakit Kit?!”

  “Bakit kailangang sumigaw?!” Nasa loob kami ng kotse, ang dali-dali lang niyang marinig! 

  “Hindi ako sumisigaw!

  “Anong tawag mo diyan?!

  “Nagsasalita!

  “Ewan ko sa’yo!” Tumingin na lang ako sa labas. Tahimik lang kami.

  Tuloy lang siya sa pag-drive. Sa ilang sandaling pagsigaw, ganoon din katagal ang silence naming dalawa.

  “Ashley.”

  “Hmm?”

  “Ex-boyfriend mo ba siya?”

  “Sino?”

  “Si Kit? I mean... Adrian?”

  Napatigil ako ng saglit. “Eh ano kung ex ko siya?” Kung naging.

  “Wala lang.”

  “Wala pala eh.”

  “Ang taray mo naman!” Sigaw na naman!

  “Ang sungit mo naman!” Tss. Ang sungit niya talaga.

  “Tsk!” That smirk.

  Tumingin ako sa kanya. Tuloy pa rin siya sa pag-drive, pero tuloy pa rin ang pagsalita ko. “Alam mo, para kang bakla. Kasi sa dinami-dami ng nagkakagusto sa’yo, wala ka man lang nagugustuhan sa kanila.” Sinusubukan ko lang naman siyang asarin. Tingnan natin kung hanggang saan ang pasensiya mo, Mr, Sungit.

  Tumigil kami sa stoplight. “Ano?!

  “Bakla.” Inulit ko.

  “Bakla?

  “Oo, bak—“ hindi ko natuloy ‘yung sinasabi ko. Naramdaman ko na naman ang labi niya sa labi ko. Halos lumubog na ako sa kinauupuan ko sa diin ng pagkakahalik niya.

  Umupo na siya ng maayos at itinuloy and pag-drive. “Oh? Ano sa tingin mo? Bakla pa rin ba ako?” Hindi ko siya sinagot. “Tsk.” Nag-smirk ulit siya.

  Sa sobrang gulat ko, hindi ko namalayan nasa condo na pala kami.

  “Hoy, bumaba ka na diyan.” Ang lakas ata ng tama ko, eh.

  “Ah... Eh... Oo.” Bumaba nako, sa wakas.

  “Sa susunod na mang-aasar ka pa, siguraduhin mong kaya mong panindigan.”

I'm inlove with Mr. SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon