Chapter 11: Let me court you

280 16 0
                                    

Papunta na kami sa ospital. Mga dalawang kilometro palang bago kami makarating ng bigla siyang nagsalita.

  “Paano na kayo ngayon?” Punung-puno ng lungkot ang boses niyang mahina.

Baka hindi na ako makapasok sa University.

  “Hindi ko alam.” Sagot ko. “Saan nga pala ‘yung kanina? Kaninong kuwarto ‘yun?”

  “Condo ko.”

  “Ilang babae na ang nakapunta sa condo mo?” Dagdag ko.

  “Ikaw pa lang.” Sagot ni Zeus, sabay preno at nauntog ako, namula yung noo ko pagtingin ko sa salamin.

  “Aray!”

  “Nandito na tayo.” Sabi niya at bumaba na. Binuksan niya ang pinto ko. “Tara na.”

Sumalubong ang mainit na yakap ni Kyle pagkababa ko ng sasakyan ni Zeus. Sa bagay, mabilis ang mga kotse nila. Halata rin ang pag-aalala niya sa akin dahil pagkapasok ni Zeus sa ospital ay hinila niya ako kaagad papuntang cafeteria.

  “May itatanong ako sa’yo,” sambit ni Kyle, “Pwede ba akong manligaw sa’yo?”

  Boom. Mga isang linggo pa lang.

  Ang tingin niya ay seryoso pero ang mga labi niyang mapula ay nakangiti.

  Sa tanong na ito, napaisip ulit ako pagkatapos ng mahabang panahon. Ngayon ko lang na-realize na ang dami palang nangyari sa akin. Kung may mangyaring masama sakin ulit, paano na ako? Kailangan ko na talaga ng kasama, yung dadamay sa akin kapag may problema ako. Hindi yung may problema na nga ako, dadagdagan pa. Hindi ako makasagot.

  Narinig ko na lang ang boses ni mama sa likod ko.

  “Ashley, anak, napagpasyahan ko na iburol at ilibing ang papa mo sa probinsya natin sa Davao.” Sabi niya. Nagulat na lang ako.

  “Pero ma, ang layo nun! Paano ako?” 

  “Anak,” sagot ni mama, “doon ka na lang muna sa bahay ni Zeus. Pumayag na rin naman siya.” Sabi ni mama pagkahawak sa balikat ni Zeus. Doon ko lang nalaman na magkasama pala silang pumunta rito.

Pagtingin ko kay Zeus, nakita ko nakataas ang isa niyang kilay at ang mga kamay niya ay nasa bulsa ng kaniyang pantalon. Kilala na talaga siya sa pagiging ganun. Mr. Sungit nga ang tawag alias niya sa buong Brent University. Alam ng lahat ‘yun.

Wait. Si Zeus at ako? Sa condo niya?

  This is really happening!

  Parang ang saya-saya ko pa tuloy. Namatay na nga si papa, eh. Siguro alam ni papa na may gusto ako kay Zeus?

  Talagang ‘tong si papa. Siguro, may hindi sinasabi sakin.

  Ayan tuloy, kakaisip ko, ‘di ko na namalayan na umalis na si mama. Mamimiss ko siya.

  “Kunin na natin yung damit mo at umuwi na tayo,” sabi ni Zeus.

  “Mauna ka na, ihahatid ko na lang siya.” Pagsisingit ni Kyle.

  “Siguraduhin mo lang.” Pagsusungit ni Zeus, at umalis na siya.

  “Ashley, tatanungin ulit kita. Ashley, let me court you.” Nag-English na si Kyle, pero...

  “Paano kung ‘di kita sinagot?” Kinakabahan ako.

  “That’s why I’ll court you to prove myself to you. I want to prove that I’m better than Zeus.” Nosebleed. Bakit nasali dito si Zeus?

  Siguro nga, dapat bigyan ko ng chance si Kyle kaysa nagpapakatanga ako kay Zeus.

I'm inlove with Mr. SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon